Chapter 8 - In BetweensBEA'S POV
"Let's go?" He smiled.
"OMG! Bakit ba kasi may Jeanine pa?! Bagay na bagay talaga kayo, beh! Ang gago naman kasi ni Thirdy!!!" Jho shouted hysterically.
Yup, sa dorm ako nagpahatid sakanya. Sa kasamaang palad, gising pa pala almost lahat ng Lady Eagles. Wala akong choice kundi i-kwento sakanila lahat ng nangyari sa Rizal.
"Edi start over uli kayo beh? Friends ulit ganon?"
"Actually hindi ko din alam. Siguro? Parang 'kalimutan na natin lahat at mag simula ulit tayo' yung sorry niya eh. Ewan ko, beh. Ang gulo gulo."
"May feelings ka pa ba?"
"Ha? H-ahaha nagpapatawa ka ba? Syempre wala na! Ang tagal na, 3 years nadin. Naka-move on nanaman lahat eh diba?" I smiled at her. Hinayaan nalang yun ni Jho at bumalik na sa ginagawa niya. Pero si Deanna at Ponggay ayaw akong tigilan.
"Pero bakit siya yung tinawagan mo?" Deanna asked.
"Kasi busy si Jho?"
"Eh bakit sa Rizal pa?"
"Kasi malapit lang siya dun?"
"Pero bakit may pag yakap na naganap?" Usisa ni Pong.
"Kasi namiss niya daw ako?"
"Bakit ka naman niya mamimiss?!" Sigaw nung dalawa sabay pasok naman ni Ate Ly.
"Hep hep hep! Tigilan niyo na yang si Bea, at magsitulog na kayo! Maaga pa mga pasok niyo bukas." Binelatan ko silang dalawa sabay tingin kay Ate Ly and smiled ng nakakaloko. She gave me a 'gago akala mo makakatakas ka, mag-kkwento ka pa bukas' look. Tsk patay.
We all dozed off to sleep.
Tangina. Bakit ba kasi hindi ako ginising ng mga gunggong na 'to! I looked at my watch. I still have 5 minutes to go there. At ang layo nun sa Eliazo. I ran as fast as I can. Iniiwasan lahat ng maiiwasan. Paki-explain nga bakit 3rd floor pa 'tong classroom na 'to?!
Pagdating ko naman dun, huminga muna ako sandali. Pagtingin ko, walang tao. At tinignan ko kung anong araw ngayon. Wednesday.
"Ang tanga tanga mo Bey. TTH yang klase mo dyan how could you even forget that. Puta"