Her Side

8 1 0
                                    

------
Leizl Go

Ayon nga sa kasabihan "Love heals all wounds." Yes! Love can heal everything but it can't cover all the scars. The scars of yesterday will remain and stay there for everlasting.

Nasaktan ako nang iniwan ako ng aking first boyfriend. He went out of the country without saying anything to me. Wala man lang siyang paalam. Inisip ko pa noon na baka kaya hindi niya sinabi sa'kin ay para hindi na kami mahirapang parehas sa pag-alis niya. Naging maayos ang aking pakiramdam ng maisip ko ang pagsasakripisyo niya upang hindi ako mangulila sa kanya.

For a week, I waited for his calls, texts or even his messages on social media. Wala akong natanggap ni isa. Inisip ko nalang na baka busy lang siya sa pagtatrabaho niya sa states. Nababasa ko rin naman sa mga update status niya sa social media accounts niya na puro work lang ang inaasikaso niya dun kaya hindi nako nabahala at hindi ko narin siya inabala sa 'pag message sa kanya. All I have to do is to wait kung kailan siya handang mag-message sakin. Yung free siya from work at free rin naman ako.

Dumaan ang mahabang panahon at wala parin siyang paramdam sa'kin. Nag-aalala na'ko kung kumusta na siya dun kaya lang ay baka mainis lang siya kung pangungulit ako.

Then one day, I received a lot of text messages from my friends na mutual friend din naman niya. They said that my boyfriend has a current girlfriend in the U.S. Amerikana daw ito.

Sa una, hindi pa ako naniwala sa kanila at nagawa ko pa ngang ipagtanggol ang boyfriend ko against their judgements. Naaway ko sila ng todo dahil doon. But when I saw his posts in facebook with a picture of him holding hands with someone and a quote of "Nothing is impossible when it comes to love". Gumuho ang buong mundo ko. Parang gusto ko nalang ibato ang phone ko at pagmumurahin silang dalawa ng babaeng ka-holding hands niya sa picture.

Akala ko noon ay hindi totoong nangyayari ang mga ganitong bagay. Akala ko noon ay sa mga telenovela lang talaga nangyayari ang pagiging self-destructive ng isang tao pagdating sa love. I didn't imagine myself experiencing this kind of pain in my heart and to my whole system. Pati ang pagtatrabaho ko ay napapabayaan ko na. I live my life worthless. I wasted my whole life with so many regrets.

Matagal ang panahon na inilaan ko para lang makausad sa buhay. Para maka-move on ng tuluyan. Naging masaya ako kasama ang aking mga kaibigan. Hanggang sa makilala ko siya...

He's Zen..Dela Cruz. Nagkakilala kami sa isang coffee shop. Muntik ko na siyang mabunggo at matapunan ng kape na hawak ko. Humingi ako ng despensa para doon. Maayos naman siya ngunit kinabahan parin ako na baka magalit ito. Hindi naman siya nagalit. Nangiti pa nga siya nang makita ang reaksyon ko. Ngumiti na lang rin ako at doon nagsimula ang lahat.

Simula ng araw na iyon ay palagi ko na siyang naiisip. Palagi rin kaming nagkikita sa coffee shop na 'yun. Minsan nga, hindi ko na mapigilang isipin na sinasadya na lang niyang pumunta roon 'pag ganoong oras para makita ako. Hindi naman sa assumera ako pero ramdam kong alam niya na laging ganoong oras akong pumupunta doon.

Simula din sa araw na iyon ay nagpaparamdam na siya ng feelings niya sa'kin. Pursigido siyang makuha ang atensyon ko at hindi nga siya nabigo. Nakukuha narin niya ang loob ko dahil doon ngunit alam kong hindi pa ako handa.

Matagal tagal din kaming naging ganoon. Walang label. 'Yung parang kayo pero hindi naman. Minsan nga, kapag ipapakilala niya ako sa mga kaibigan niya ay hindi niya masabing girlfriend niya ako dahil hindi naman talaga kung kaya't pangalan ko nalang ang sinasabi niya.

Ramdam kong naiintindihan niya ang sitwasyon ko ngunit ayoko na ng ganito. Ayoko nang umasa pa siya. Ayokong magaya ako sa nanloko sa'kin dahil alam kong masakit 'yun.

At sa araw din na 'yon ay nagawa ko ang napakasakit na bagay na ayokong gawin. Ang masabihan ng masasakit na salita at masaktan ang taong pinakamamahal ko. Ang i-deny sa harapan ng taong mahal mo na mahal mo siya.

"Hindi kita mahal! Kaya please! Leave me alone! 'Wag mo nang guluhin pa ang buhay ko" sabi ko.

Mahal ko si Zen ngunit hindi pa ako handa. Takot na akong masaktan. Takot na takot ako. Takot parin ako hanggang ngayon. Napakamakasarili ko. Mahal ko si Zen ngunit mas mahal ko parin ang sarili ko at heto ako ngayon...sinasaktan ang sarili ko. Sinaktan ko na ang sarili ko dahil sa pananakit sa kaisa-isang taong nagparamdam sa'kin na mahalaga ako.

Pagkatapos ng araw na iyon...hindi na siya nagpakita o nagparamdam man lang sa'kin...

Masakit.
Sobrang sakit. 'Yung taong mahal mo. Iniwanan at sinaktan mo para lang sa sarili mong kapakanan. Masakit sakin 'yun ngunit alam kong mas masakit 'yun para sa kanya. Ang maiwanan ng taong mahal mo. 'Yun 'yung naramdaman ko noon at hindi ko alam na dahil sa ginawa kong iyon ay para narin akong kagaya ng nanakit sa'kin.

I hate to leave and push away the only man who loved me faithfully and the same man that I loved this way...
But I have no choice. In that time, I didn't know that I have an option. That's the only way I know. That was a lot easier for both of us. To let go.

Ang bilis ng pag-ikot ng mundo. Ngayon, ako naman itong nang-iwan. Ngayon ko lang rin narealize na hindi lahat ng tao ay nang-iiwan. Hindi sa lahat ng bagay ay may pagwawakas. Hindi sa lahat ng bagay dumarating ang pagkakataon na kailangang umalis. Dito ko napagtanto na may choice tayo. We always have a choice if we want to.

Ang sama sama ko.
Napakasama ko.
Masama.

I love him but I was scared enough to tell him.

I love him but...

Love But... (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon