Their Sides

9 1 0
                                    

------
Point of View...

Her Reasons,

"Ako po si Leizl Go. Ako 'yung babaeng pinakamamahal ng isang lalaki na gagawin ang lahat para maparamdam sa'yo na mahal ka niya. He's my second love. Nasaktan na ako noon sa una kong boyfriend at simula ng araw na iyon ay ipinangako ko na sa sarili kong kapag nagmahal akong muli ay hindi ko na ibibigay ang buong puso ko...ang buong ako para hindi na'ko masaktan pa sa pag-alis ng mga taong alam kong iiwanan rin naman ako pagdating ng panahon. Hindi na ako masasaktan ng sobra dahil alam kong 'pag umalis siya, may matitira pa sa'kin. Hindi ko mawawala ang sarili ko. Mababawasan ang sakit at hindi na ganoon kakirot 'gaya ng dati. At dahil sa pagmamatigas ko. Dahil sa takot kong baka maulit ang mga nangyari noon ay nawala ko ang kaisa-isang taong nagparamdam sa'kin na hindi niya ako iiwanan. Dahil sa takot kong masaktan ang sarili ko, nagawa kong ipagtabuyan at saktan ang taong dapat ay minahal ko noon pa. Ang taong nagpakita sa'kin ng katotohanan sa buhay. Dapat hindi ka matakot na sumubok na gawin ang isang bagay at mabigo o masaktan dahil parte talaga iyon ng tagumpay. Sana minahal ko siya noon pa. Sana hindi ko siya nawala. Kaya lang huli na ang lahat. Tama nga ang sinabi nila, nasa huli talaga ang pagsisisi. Nagsisisi na ako at hindi ko alam ang aking gagawin...basta ang alam ko lang sa ngayon ay mahal ko siya at sinisisi ko ang sarili ko sa nangyayari sa akin. Sana binigyan ko ng pagkakataon ang sarili kong maging masayang muli. Humingi ako ng tawad at umaasa akong dumating ang araw na mapapatawad niya akong muli. Na sa paglipas ng panahon ay magkaroon pa ng pagkakataon ang para sa'min..."

His Reasons,

"I'm Zen Dela Cruz. Ako 'yung lalaking nagmahal ng wagas sa isang babaeng hindi pala siya kayang mahalin pabalik. 'Yung babaeng takot na magmahal muli at hindi kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay ko dahil natatakot maiwan at masaktan? Sino ba kasing nagsabing iiwanan ko siya? In the first place, bakit ko pa siya bibigyan ng atensyon kung sa huli rin pala ay iiwanan ko siya? Hinding hindi ko gagawin 'yun. Ako 'yung tipo ng matalino at masipag na empleyado ngunit bobo o tanga sa pag-ibig. First timer ako sa mga ganitong bagay. Madalas ay naririnig ko lang ang ganitong bagay sa mga kwento ng kaibigan ko. Ako pa nga minsan ang nagbibigay ng mga advice sa kanila kapag may problema sila sa pag-ibig. Tutok kasi ako sa pagtatrabaho at wala sa isip ko ang mga ganoong bagay. Para sa'kin madali lang ang pagmamahal kung marunong kang maghintay ngunit simula nang makilala ko siya nagbago ang lahat. Takot na takot akong mawala siya kung kaya't ibinibigay ko ang lahat ng aking makakaya upang maparamdam sa kanya ang aking tunay na nararamdaman ngunit hindi sa paraang masasakal siya. Iba nga talaga kapag ikaw na ang nasa ganoong sitwasyon. Hindi ko akalaing ganoon kahirap magmahal. Hinayaan ko siyang iwan ako sa ere para sa sarili niyang kaligayahan. Mapagbiro nga talaga ang tadhana. Self-destructive ang pag-ibig ko sa kanya. Nang iniwan niya ako, gumuho ang lahat sa akin pati narin ang aking trabaho at ngayong medyo nakakabangon na ako ay babalik siya. Nagsisisi na raw siya at gusto niyang humingi ng tawad sa'kin. Mahal ko pa nga siya pero isusugal ko bang muli ang sarili ko para lang sa taong napaka matatakutin? Takot din naman akong mawala siya kung kaya't hinayaan ko siyang umalis para sa kaligayahan niya, diba? Takot kaming parehas ngunit ramdam kong mas apektado ako sa nangyaring iyon. Ako ang naiwan eh. Ngayon, anong nang gagawin ko? Bibigyan ko pa ba ng pagkakataon ang sa'min? Ang pagmamahalang naudlot ng tadhana at pagkakataon? Ahh, Ewan ko. Basta ang alam ko lang...mahal ko pa siya.

Will they give themselves a chance?
Will they love for each other win against their fears this time?
Will they sacrifice everything just for their happiness to be together...with each other?

Stop the love but...
Start the love and...
Live happily ever after.

Love But... (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon