Expectations Vs. Reality

15 1 0
                                    

------
Love and...
(The True Story)

Pinangunahan silang dalawa ng takot. Takot sa magkaibang dahilan at nakahanap ng magkaparehong paraan upang malabanan at masolusyonan ang kanilang mga problema. Ang isa ay takot na maiwan at masaktan. Habang ang isa nama'y takot na mawalan at magkulang. Ngunit dahil sa iisang paraan ay nagkahiwalay sila. Ang mang-iwan at pabayaang maiwanan. Ang maghiwalay ng landas. Ang magsarili ng landas na tatahakin.

Mahal na mahal nila ang isa't isa ngunit pinangunahan sila ng takot. Takot na baka ganito... at takot na baka ganyan...

Dumaan ang mahabang panahon nang hindi nila pagkikita at ngayon ay magkikita na silang muli. Madaming nagbago sa kanilang dalawa simula nang umalis si Zen upang pumunta sa ibang bansa para sa working purposes. Maging ang kanilang mga pananamit, itsura at galaw ay nagbago narin ngunit ang tanging bagay na hindi nagbago ay ang nararamdaman nila sa isa't isa.

Nagsisisi na sila sa kanilang mga pagkakamali noon at sa mga nagawa nila sa isa't isa ngunit hindi sila nagsisisi sa kanilang desisyon na tumahak ng magkahiwalay na landas dahil doon sila natuto at doon sila namulaklak.

Sa ngayon, handa na kaya silang sumabak muli sa ikalawang pagkakataon? 'Yung wala nang pero..pero. 'Yung hindi na papangunahan ng takot. 'Yung walang nang ending. 'Yung walang mawawala, walang mawawalan, walang maiiwan, walang mang-iiwan, walang aalis, walang magpapaubaya, walang magkukulang at walang masasaktan. 'Yung walang tamang panahon para sa pagwawakas. 'Yung wala nang love but... puro love and... live a life 'til happily ever after nalang. Dahil alam nating may pagpipilian tayo. Palagi tayong may choice.

Sa paglipas ng mga araw ay nagkapatawaran na ang dalawa. Binigyan nila ang isa't isa ng pagkakataon na maging magkaibigan. Naging normal ulit ang turingan nila sa isa't isa. Naging mas malapit pa nga sila sa ngayon eh dahil hindi na tulad ng dati na may ilangan ay may napagsamahan narin sila. Madami silang napag-uusapan sa isa't isa. Mapa-text man o personal. Tinutukso na nga sila ng kani-kanilang mga kaibigan dahil baka daw may pag-asa pa para sa kanilang dalawa ngunit pilit nila itong idinedeny sa isa't isa kahit alam naman nilang may nararamdaman pa sila.

Masaya sila tuwing magkasama sila at namimiss nila ang bawat isa kapag hindi sila nagkikita ngunit hindi pa sapat na dahilan iyon para sa kanila para bigyan ng ikalawang pagkakataon ang pag-iibigan nila.

Nagkaaminan na, isang araw nang idinaraos ang isang reunion party nilang magkakaibigan. Pilit kasi silang pinagsasayaw ng kanilang mga kaibigan sa isa't isa. Inaya ni Zen si Leizl na sumayaw at dito sila nag-usap nang silang dalawa lang. Umamin ang dalawa na mahal pa rin nila ang bawat isa. Lumapat ang labi ni Zen sa noo ni Leizl at doon na nga nagsimula ang pangalawang pagkakataon ng kanilang pagmamahalan. Doon rin nagsimula ang love story nilang naudlot noon para sa isa't isa. Naging masaya ang dalawa.

Doon ako nagsimulang mag-muni muni. Totoo ngang hindi ganoon kadaling magmahal. Madami kayong mga pagdadaanang problema at pagsubok. Mas lalo pang magiging mahirap para sa inyong dalawa ang sitwasyon kung may pangangamba kayo sa pagmamahal ng bawat isa. Kung hahayaan niyong pangunahan kayo ng takot imbis na manaig ang pagmamahal niyo para isa't isa. Magiging mahirap ito kung wala kayong tiwala at pagmamahal na tunay. 'Yung walang pagdududa.

Sana'y natuto tayong lahat sa istorya ng dalawamg bida. Hindi na mahalaga ang lahat ng bagay kung tunay ang nararamdaman niyo sa isa't isa dahil kung totoo ito ay wala nang love but... wala nang pero..pero. Matututo tayong sumugal sa mga bagay na kahit hindi tayo sigurado ngunit dahil may tiwala tayo dito ay hindi tayo matatakot.

Sa panahong natuto na tayong hindi pangunahan ng takot. Ang mga pero ay magiging at... ang mga love but ay magiging love and...

Because for now, without a but...
They'll love and... live a happily ever after...

For everlasting...

Love But... (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon