------
Zen Dela Cruz...Sabi nga nila "If love can wait, then it's true." Kaya naghintay ako. Umasa ako at sa huli, nasaktan.
Masakit pala. Masakit pala 'yon.
Workaholic.
'Yan ang kaisa-isang salita na maaaring makapag-describe sa personality ko. Noon pa man, wala na'kong pakialam sa buhay pag-ibig ko. Ang tanging mahalaga lang sa'kin ay may trabaho ako at nabubuhay ng mapayapa. Hindi na kailangang magulo pa. Kung minsan nga'y mas nababahala pa ang mga ka-trabaho ko dahil baka daw tumanda akong binata.Nagiging isa nalang ako sa mga adviser ng mga kaibigan ko kapag may problema sila sa pag-ibig. Nakakatuwa ngang isipan na kung sino pa itong walang experience sa pag-ibig, siya pa itong mas magaling mag-advice. Hindi naman ako hopeless romantic pero masaya lang talaga sa pakiramdam na nakakatulong kang makaresolba ng problema nila sa kanilang mga relasyon o ka-relasyon bilang adviser. O dika'y kahit hindi naman masolusyonan kaagad ang problema basta't mapagaan ko ang pakiramdam ng kaibigan ko. Nagmumukha tuloy akong counselor ng mga nagmamahal. Palagi nilang tinatanong "paano maging ganito...pero bakit ganun? Alam kaya niya?...paano magmahal ulit?...sana maka-move on na'ko..." 'laging ganyan ang mga lintanya nila sa'kin tuwing heartbroken sila.
Hindi naman kasi ako nagmamadaling makahanap ng magiging ka-relasyon dahil alam kong may tamang panahon para dun. Darating din siya kapag may oras na ako para sa'king sarili. Makakapaghintay naman ang pag-ibig at saka hindi pa naman ako ganoon katanda para mabahala na.
Alam ko. Dumating na nga ang tamang panahon simula nang makita ko siya. Sa coffee shop kami nagkakilala at doon na nga nagsimula ang love story namin ni Leizl. Nahumaling kaagad ako sa kagandahan niya na tila isang anghel.
Natatawa pa nga ako kada maaalala ko ang pangyayaring iyon. Ang epic kasi talaga ng pagkikita namin. Muntikan na kaming magkabugguan at muntik na rin akong matapunan ng kape na hawak hawak niya. Napangiti ako sa reaksyon niya. Ang cute niyang mag-despensa. Ang cute niya talaga.
Doon nagsimula ang lahat. Simula nang araw na iyon ay hindi na siya nawawala sa isip ko. Iniisip ko pa nga kung papaano ko kaya siya makikitang muli. Sinubukan ko na magpunta kinabukasan sa coffee shop na iyon sa oras kung kailan kami nagkakilala dahil baka iyon ang break time nila sa kanyang trabaho at hindi nga ako nagkamali. Namataan ko siyang nakaupo at may binabasang mga papeles. Busy.
Palagi na akong tumatambay sa coffee shop na iyon sa ganoong oras upang makita ko siya araw-araw. Sakto naman kasing mahaba ang break time namin sa opisina at abot sa oras ng vacant nila. Hindi na nga ako nakakasama sa pagkain o gala ng mga kaibigan ko dahil mas pinipili kong doon kumain at sabayan si Leizl.
Unti-unti akong nagpaparamdam ng aking nararamdaman para sa kanya at dahil first time kong manligaw ay ibibibigay ko talaga ang lahat ng aking makakaya upang masatisfied siya sa efforts ko. Pinapansin at binibigyan naman niya ako ng atensyon kung kaya't napakasaya ko.
Tumagal-tagal pa ang relasyon namin na ganoon lang. Walang label. Hindi ko rin naman kasi siya tinatanong dahil natatakot akong mareject at mabasted niya. Hindi ko pinipilit at hindi rin naman ako nagmamadali dahil alam kong darating din kami sa puntong iyon.
Naipakilala ko na siya sa mga kaibigan ko at hindi ko alam kung papaano ko sasabihing parang kami pero hindi kami. Hindi ko pa siya girlfriend and I know that it's soon to be.
Maayos pa naman kami sa mga nagdaan na panahon ngunit dumating ang araw na pinakakinatatakutan ko. Ang mawala ko siya. Ang maiwanan ako. Hindi ko alam kung anong maling nagawa ko o kung may nagawa ba talaga akong mali sa kanya basta't ang alam ko lang minahal ko siya ng walang kapalit. Hindi ko lubos akalain na all those times pala hindi niya ako mahal at wala siyang nararamdamang feelings para sa'kin. Halos mawasak ang puso ko sa narinig ko. Hindi niya ako minahal kailanman.
Ang tanga tanga ko.
Minahal ko ang taong hindi pala ako kayang mahalin pabalik. Hindi naman sa nanunumbat ako kaya lang sana'y sinabi niya kaagad upang hindi na'ko umasa pa. Hindi na'ko nasaktan pa.First time kong magmahal. First time kong masaktan. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang magmahal ulit kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. 'Yung walang hinihinging kapalit. 'Yung ibinigay ang lahat sa kanya ngunit hindi naghihintay ng isusukli. Ayokong maging makasarili sa kanya.
Gusto kong maghintay kung kailan niya kayang ibigay sa'kin ang puso niya o kung ano lang ang kaya niyang ibigay sa'kin. Kahit kukurampot lang ay sapat na sa'kin ngunit wala talagang nabalik. Wala siyang naibalik na kahit ano. Ibinigay ko ang buong puso ko at hindi na naibalik pa. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ulit magmahal ngayong walang wala na ako.
Pinalaya ko siya para sa sarili niyang kaligayahan at heto ako ngayon...nawalan na. Ang sakit sakit. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang mabuhay. Hanggang sa narealize ko na may plano ang diyos para sa'kin. Naiwanan ako ngunit alam kong may darating.
Doon ko napagtantong hindi ako mahina. Sa katunayan, napakalakas ko para ipagpaubaya ang sarili kong kaligayahan para sa kapakanan ng taong pinakamamahal ko.
I hate to let go of my greatest love. I hate to let go the only woman who affects me like this. The only woman that I'm in love with.
But I don't have a choice. That's her decision. She is happy that I let her go.Masakit man sa'kin ang ginawa ko. Hindi ako nagsisisi na ginawa ko 'yon dahil naging masaya naman siya at masaya na ako doon. Ang kailangan ko nalang gawin sa ngayon ay umusad at mag-move on.
I love her but I was scared enough to be selfish by possessing her.
I love her but...
BINABASA MO ANG
Love But... (Part 2)
Short StoryShe loves him but... He loves her but... This is the story behind, This is where the story begins... And this time, without a but until the end. You? Did you fell in love but...