GK-B2uty posted on tumblr :
Why I love B2ST's Gi Kwang
Gi Kwang may be the most handsome and the most talented among all of the Beast members. They are all great singers and dancers but Gi Kwang stands out the most ! Sobrang gwapo nya talaga. Natutunaw ako pag nakikita ko sya. Haay, pano kaya kapag nagkita na kami in person? Pwede na siguro akong mamatay kung ganun, haha. joke lang. Love na love ko talaga si Gi Kwang, sana magkita na kami. :">
Ako nga pala si Sandy Gonzales, isang KPOP lover ! Sila ang buhay ko. They make me smile kahit na loaded na loaded na sa school.
Sa totoo lang, wala pa akong nagiging boyfriend dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanila. haha. Forever Alone ata ang drama ko. haha.
"Hoy babae ! Hindi ka na naman maalis dyan sa computer mo."
"Teka lang naman Nicole, may binabasa lang akong update tungkol kay Leeteuk ng Super Junior."
"Aba, may Gi Kwang ka na may Leeteuk ka pa, pinatos mo na lahat ng Kpop boys ah."
"Ganun talaga kapag Kpop lover ka, to naman parang hindi ko best friend kung magsalita."
"Sige na bilisan mo na at kailangan pa nating mamili ng gamit, malapit na ring magpasukan. Hindi ka na makakapagbabad dyan sa computer mo. haha."
"Eto na eto na matatapos na. Tsaka hoy, kahit may pasok na hindi pa rin ako matitinag dito. haha."
Nagpunta na kaming dalawa ni Nicole sa SM Makati para bumili ng mga gamit. In coming freshmen kasi kami sa college kaya medyo aligaga. Pareho kaming sa FEU Makati mag-aaral. Business Administration kukunin namin dun, syempre dapat connected sa ginagawa namin, meron kasi kaming Kpop online shop. Hihi, addict talaga eh.
"Alam mo Sandy, hindi ko alam kung bakit nakisali ako dyan sa Kpop online shop mo, hindi naman ako kasing addict mo eh."
"Kunwari ka pa, alam ko namang kpop fanatic ka din eh. haha. Tsaka kikita ka din naman dun kaya wag ka na magreklamo."
Dumeretso na kami sa bilihan ng mga bags, sabi ng mama ko mag-shoulder bag ako kasi college na pero hindi ko feel eh kaya back pack pa din bibilin ko. haha.
"Ang cute ng kulay nito oh, kulay yellow, my favorite." i like things yellow kaya ayan, pati bag ko yellow.
"Ikaw puro yellow ka na. haha. Eto akin, madaming kulay."
"Sakit naman sa mata nyan, pero sige bahala ka. Halika na bayaran na natin to."
Bumili na rin kami ng filler tsaka kung anu ano pa. Ready na talaga para sa pasukan. Pero ang bilis, parang kailan lang high school kami tapos ngayon college na. Grabe.
Pagkatapos naming mamili ni Nicole sa SM Makati, naglibot libot pa kami, naisipan pa naming magpunta sa Market Market. Layo ng narating. haha.
Habang nag-iikot kami. .
"OMO Nicole ! Tignan mo yung shop na yun ! filled with Kpop goodies ! Heaven dito !"
"Oh gosh !" yun na lang ang nasabi ni Nicole nung hinila ko sya papasok sa store na yun.
"Ang daming Beast dito ! Heaven talaga, ang dami ding BigBang, SNSD, 2PM at kung anu ano pa. tignan mo yung tv nila, pine-play ang Shampoo ng After School"
"Grabe ka teh ! ikaw na talaga ! Number 1 ka na pagdating dyan !"
Hindi pa rin ako matigil sa pag-ikot dun sa store na yun, kahit ang liit lang nya paikot-ikot lang talaga ako. Ang dami ko ding nabiling kung anu ano. Ang saya !

BINABASA MO ANG
He's jealous of my KPOP Boyfriends
Short StoryFictional :) Possible kaya na ang isang Rocker ay ma-inlove sa isang Kpop fan? the fact na number 1 sa hate list nya ang Kpop. hmm. . :">