So ayun. Wala kaming mga prof ngayong araw na to. Haay, ganito pala kapag simula ng pasukan sa college. Medyo magulo pa ang schedule. Eto na siguro ang time para mag-lamyerda kami ni Nicole. haha.
"Nic, wala naman tayong prof, Glo muna tayo."
"Sige, kesa naman tumunganga tayo dito."
Habang nagwo-walk trip kami papuntang Glo, bigla namang naalala ni Nicole yung pangyayari kagabi.
"Uy, maalala ko. Diba rock yung tumunog kagabi?"
"Oo, Linkin Park nga ata yun eh."
"Ah, Linkin Park. Naisip ko lang. Imposible naman na may mabuksan kang page na may ganun unless may binuksan ka. Kung may mabuksan ka man kpop dapat yun. Kilala kita eh."
"Straight to the point na nga. Di kita ma-gets eh."
"Excited naman to, maganda nga may drama eh."
"Ano nga kasi ang gusto mong sabihin."
"Na baka nag-stalk ka kagabi."
"Nnnag-ssttalk?!"
"Oo, nag-stalk. As in tinignan mo lahat ng posts nya, pictures and stuffs."
"Aba, kung mag-akusa ka naman. May nabuksan lang talaga ako." Loka to ah. Kakaiba mag-isip.
"Eh ano yung nabuksan mo?"
"Basta. di ko alam eh."
"Sa pagkakaalam ko hindi naman BASTA ang username sa tumblr ni Archie eh."
"Ha? tumblr? ano?!"
"Teh ! may tinatawag na history ang google chrome. Nakita ko lahat. Wag mo na ikaila. Ok lang naman kung magka-crush ka sa kanya eh. Kesa naman puro Kpop ka noh."
Kakaiba tong si Nicole. Parang imbestigador na ewan. Haay, buti na lang at nakarating na kami sa Glo. Window shopping at food trip muna.
"Uy nagtext si Bea. Bakit daw wala pa tayo dun. Baka daw may prof na sa next subject eh."
"Ah ganun ba. Sige sabihin mo pabalik na tayo."
Bumalik na kami agad ni Nicole sa school. Ang pangit naman kung kakasimula pa lang ng semester eh panay late na kami agad. Hindi na kami naglakad this time kasi syempre, sayang naman lahat ng kinain namin kung maglalakad din kami. Eh di tunaw agad. Tsaka para mas mabilis na din.
Nakarating kami agad sa room namin. Buti wala pang prof.
"Uy, andito na pala kayo."
"Oo, salamat sa paalala ah. Kamsahamnida!" Nag-bow din ako. Natuwa ako masyado eh. haha.
"wala yun noh."
"Kamsa- ano yun?" Uh-oh ! Narinig ni Archie yung pagsabi ko ng kamsahamnida.
"Salita ba ng alien yun?" Loko talaga tong lalaking to.
"Ah hindi, korean yun. Salamat ang meaning."
"Korean? Mahilig ka sa ganun?"
Nakupo patay ako ! Palusot palusot !!!
"Hindi. Uhm, napag-aralan kasi namin yun nun high school. In-apply ko lang."
"Ah, ganun ba."
Wew. Nice save ulit ! Hindi kaya sya nagtaka? Korean class sa high school? Ewan, basta nakalusot.
"Sandy, bakit ayaw mo sabihin kay Archie na kpop fan ka?"
"Kasi Bea , hater sya eh. Takot lang ako ma-bully."
"May isa pa pala akong napansin."
"Ano yun? Shocks may dumi ba ako sa mukha?"
"Hindi yun noh. Nung lumapit sya, namula ka. Crush mo?"
"Ha? Namula ? Mainit kasi eh. Ganun ako kapag naiinitan. Ikaw naman."
"Hmp, sige na nga. Kung ayaw mo pa umamin okay lang."
"Ikaw naman Bea. Nagsasabi lang ng totoo."
Ano ba yan?! Dalawa na sila ni Nicole na nagsasabing crush ko si Archie. Natutuwa lang naman ako sa kanya eh. Pero more on naiinis. Parang ang kumplikad nya kasi eh.
Pero halata ba na nagkakagusto ako sa kanya? Ay ewan ko.
Hay salamat, dumating na yung prof. namin. Aral muna bago mag-isip ng kung anu ano.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Archie's POV
Kamsa- ano nga ulit yun?
Bakit sya nagsalita ng ganun?
Hindi ako naniniwala na may Korean class sa high school.
Hindi kaya Kpop fan sya? Wag naman sana. Para kasing crush ko na sya eh. Hindi ko na kayang magkagusto sa babaeng mahilig sa Kpop. Baka mas piliin pa nya yung mga Kpop idols nya kesa sakin eh. Sana talaga hindi.
Hay salamat natapos na din ang klase. Hind ako magco-comute ngayon kasi susunduin ako ng driver namin.
"Sandy, gusto nyong sumabay sakin?"
"Ha? Ah hindi na. Nakakahiya naman."
"Sige na. May sasakyan naman eh."
"Hindi na talaga. Okay lang."
Sayang naman. Dibale. May iba pang pagkakataon.
"Uwi na tayo kuya, ayaw naman nila sumabay eh. Salamat na lang sa pagsundo mo sakin. Di umepekto yung pa-cool effect natin."
"Dibale sir, baka sa ibang paraan mo makuha ang loob nyang Sandy."
Salamat nakauwi na din. Makapag-computer nga muna. Ka-stress sa school eh.
Hmm. . Tignan ko profile ni Sandy. Tignan ko lang pictures nya.
Ay ano ba yan?! Walang laman fb nya. Naka-private kaya? Naku parang may tinatago ah. Wala man lang akong makitang pics nya. Dibale, cute naman profile picture nya eh.
"HOY !!!"
"Ay ano ba yun?!?!"
"Sino yan ha? Girlfriend mo? Ang bilis ah."
"Sira ulo ka Jed ! Kaklase ko lang to."
"Kaklase? Kaklase nga lang ba? May gusto ka eh. Kilala kita pre. Hindi ka basta basta magbubukas ng profile ng babae."
"Sige na nga, ano pang ide-deny ko. Crush ko na. Crush lang naman eh."
"Yun oh ! Ang bilis mo talaga. Baka naman bukas malalaman ko na lang eh kayo na."
"Sira ka talaga. Eh mukhang tagilid nga eh. Parang kpop fan din eh."
"Paano mo naman nasabi yun? Eh mukhang wala ka ngang makita sa profile nya eh."
"Nag-korean sya kanina."
"So? Porke nag-korean kpop fan na agad?"
"Eh ewan ko. Na-trauma ata ako dun sa dati eh."
"Pre, kalimutan mo na yun. Subukan mo lang to. Malay mo iba sya."
"Ewan ko sayo. Teka nga, pagti-tripan ko muna yung GK-B2uty na yun. Ginugulo mo ko kaya sa kanya ko ibubuhos ang pagka-irita ko sayo."
"Kakaiba ka din pre ah ! Madami pwedeng gawin pero yan ang gusto mo. Mang-bully. Sige na nga, iwan na kita."
rockerzRULE asked GK-B2uty :
Your blog is so lame !
- Anonymous
BINABASA MO ANG
He's jealous of my KPOP Boyfriends
Short StoryFictional :) Possible kaya na ang isang Rocker ay ma-inlove sa isang Kpop fan? the fact na number 1 sa hate list nya ang Kpop. hmm. . :">
