Chapter THREE

742 11 0
                                    

Sandy's POV

5:00 am 

"Uy Sandy, gising na ! first day ng klase ngayon !"

"Yeah, yeah, i'm up."

"Kain na tayo baka ma-late tayo, first day pa naman."

"Wag ka mag-alala, around Makati lang tayo, di tayo male-late."

Naghanda na kami ni Nicole para sa first day ng college. Nakakakaba na nakaka-excite. Mixed emotions ! Sana maging masaya to at marami kaming ma-meet na bagong friends. Sabi kasi samin sa college daw walang tunay na kaibigan. Kanya kanya daw. Well, let's find out na lang. Ayaw ko muna mag-conclude. :)

"Nic, ready ka na?"

"Yep, ikaw?"

"Oo, leggo college freshies !"

"Hwaiting !"

Nakarating na kami sa FEU. Ang daming tao ! Aligaga ang mga tao ngayong first day. Nagkalat ang mga estudyante sa labas. Medyo napaaga ata ang dating namin ni Nicole. 6:45 palang, 7:30 pa ang klase. Excited kami eh. haha.

"Kinakabahan ako Sandy. Parang nakakatakot sa college."

"Kaya natin to sis, basta magka-" di ko natuloy yung sasabihin ko kasi parang may naaninag akong hindi kanais nais eh.

"Hoy, anong basta magka? Natameme ka dyan."

"Parang nakita ko yung lalaking supladito sa Market Market eh. Pero hindi ako sure ah."

"Ha? Andito yun? Naku lagot ka na. Baka maupakan ka nun. haha."

"Grabe ka naman. Wag ka namang magbiro ng ganyan. Katakot. Parang ang init ng dugo sakin nun eh. Ewan ba kung bakit."

"Baka type ka. Naks"

"Sira ulo. Halika na nga, pumasok na tayo baka kung ano pa masabi mo dyan eh."

Pumasok na kami ni Nicole sa loob. Ooh ! Ibang iba ang paligid ! Di na tulad nung high school. Dumeretso na kami sa room namin para ma-meet ang mga blockmates namin. Madami-dami na rin sila dun. Mukha naman silang friendly. Sa bandang unahan kami naupo ni Nicole kasi medyo may kaliitan kami eh. Hihi.

"Hi, ako si Bea, ikaw ba si GK-B2uty?"

aba may nakakakilala sakin dito. Hindi pwedeng kumalat na ako yung sa tumblr.

"Oh, hi. Oo ako yun. Sandy nga pala name ko, eto best friend ko si Nicole."

"Nice meeting you. Alam mo ba, i love your blog. Filled with Kpop. New fan lang ako eh. Nga pala, ako si Hottest sa tumblr."

"Ah, yeah naalala kita. Uhm, please lang, sana wag mo ikalat na ako si GK-B2uty, baka kasi alam mo na, may mga hater dito, baka tirahin ako sa tumblr. Maaasahan ko ba yun?"

"Ah ganun ba, sige don't worry. Friends?"

"Friends :)"

Nice may bago kaming friend agad ! At Kpop fan pa. Hay laganap na talaga ang samahan. 

"Ano, may nai-spot-an ka na bang crush dyan Nicole? Tahimik mo eh."

"Uhm wala naman pero may nakita ako."

"Ano yun? ay sino pala?"

"Tingin ka sa bandang likod, pinakadulo."

"Bakit sino ba ya-" O.O

"Patay ka Sandy. Kaklase natin yung lalaking supladito. Sana di ka nya naaalala."

"OMO ! Kay lupit ng kapalaran !"

AISH ! sa dami dami ng pwedeng maging kaklase bakit sya pa?! AAH ! Anong buhay kaya ang mararanasan ko ngayon sa college?! Hala naman eh ! T.T

Ayun, dumating na yung Prof namin. Salamat naman. Let's get this started !

"Good morning freshies ! So how are you doing? By the way, I am Prof. Dela Cruz, i will be your professor in Economics. Sige, kayo naman ang magpakilala. One by one. Let's start with. . . you *points to Sandy"

Shisus. Una ako. Ano ba dapat sabihin? 

"Never say that you're a kpop fan." bulong ni Nicole sakin.

"Got it. . . Hello all. I am Sandy Gonzales, i am from Batangas but i now live in Makati with my best friend Nicole. I am 16 years old."

"Tell us about your likes or your hobbies."

Naku naman tong prof na to nagtanong pa ng ganyan. >.<

"Uhm, likes. I like listening to music, I play a little piano. I also like writing poems."

"So, what music do you like Miss Gonzales?"

Napagtitripan ako nitong prof na to ah. Nice headstart.

AAH ! ano ba dapat sabihin? What do I like aside from Kpop?! Oh yeah. Alam ko na para safe.

"I like pop songs. Rock may be the last in my list."

"Nice intro Sandy. Let's give her a round of applause."

Wew. Naka-survive ako dun ! Sobra kaba ko buti hindi ko nabanggit yung Kpop kahit kamuntik na talaga. Sobrang nakakakaba.

"Nice save sis."

"I know, salamat sa paalala na wag banggitin yung Kpop ah."

"No prob. Di naman kita ilalaglag noh."

Dire-diretso lang yung introduction hanggang sa makarating na dun sa lalaking nasa pinakalikod.

"I am Archie De Leon. I just turned 17 last month. I just live around Makati. I like Rock music. that's all."

Ang tipid naman ng intro nun. May pagka-misteryoso ah. Hmm. Archie. . cute.

"NIc, cute din pala yung Archie, eh kung kaibiganin ko kaya?"

"Eh pano pag naalala ka nya?"

"I don't know, pero let's find out. Ano lapitan ko mamayang break time?"

"Sige, bahala ka. Basta dito lang ako para suportahan ka."

"Haha, akala mo naman sasabak ako sa giyera. haha. Pero salamat sis !" 

Eh di yun, break time na. Lalapitan ko na yung Archie para makipag-friends. Pero teka, nasan na sya? Ang bilis naman nun nawala agad sa kinauupuan nya.

"Nawala agad yung Archie eh. Next time na nga lang."

"Sige halika na punta na tayo sa cafeteria."

Lumabas na kami ng room ni Nicole para kumain. Paglabas na paglabas namin may nakabangga na naman ako. Eh so engot naman talaga.

"Oops, sorry."

"Ikaw na naman?! Bakit ba lagi mo akong binabangga?"

Oh sh*t si Archie, naalala nya ako. Bad trip naman, paano ko pa sya kakaibiganin.

"Sorry talaga, hindi ko sinasadya. Please wag ka na magalit sakin, classmates tayo eh."

"Hay, sige na. Basta sa susunod titingin ka na sa dinadaanan mo ah."

"Yes, salamat !"

Hay buti naman hindi magiging impyerno ang buhay ko ngayon college ! Kahit hindi maganda yung pag-start ng 'friendship' eh okay na din. Sana maging super friends kami, mukhang masarap malaman ang mga misteryo sa buhay ng taong yun eh.

"Ang pangit naman ng second encounter namin. Nabangga ko na naman sya."

"Kaya nga eh. Masyado kang occupied ng mga Kpop things mo kaya ayan, kung sinu-sino nakakabangga mo. Mamaya nyan mabisto ka at dumugin ang tumblr mo ng haters."

"Pero alam mo, eh pano kung wala naman palang hater dito? Pano kung Kpop lovers din sila? Masaya siguro kung malalaman nila na reyna ako ng Kpop fans."

"Ikaw bahala ka, pero piliin mo yung mga taong sasabihan mo. Maganda rin siguro na wag mo ipaalam kay Archie. Napansin ko kasi nung sa Market na ang sama ng tingin nya sa mga Kpop stuffs mo eh."

"Ganun ba. Sige, sa kanya secret tong fandom na to."

He's jealous of my KPOP BoyfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon