Chapter SEVEN

594 7 0
                                    

"Ayun si Archie, nag-iisa na naman. Lapitan mo na."

"Sige, good luck naman sakin."

Eto na, papalapit na ako. Sana pansinin ako.

"Umm, Archie. . " 

Ay, wala pa akong nasasabi bigla na lang umalis. Bastos talaga. Hindi ko man lang natanong kung bakit sya nagkakaganun. >.<

"Okay, hindi ako pinansin. Snob sya ulit."

"Ay, bakit kaya?"

"Di ko nga nalaman eh. Bigla na lang umalis."

"Diba matagal na silang friends ni Bea, try natin tanungin si Bea."

"Oo nga pala, sige halika."

So, pinuntahan namin si Bea para kausapin. Sana nasa kaniya ang mga kasagutan sa mga tanong na gumugulo sa isip namin ni Nicole. Drama naman nito. haha.

"Umm, Bea, pwede ka ba makausap?"

"Sure, teka bakit bigla ako kinabahan?"

"Haha, wag ka kabahan noh. May tatanong lang kami."

"Ah ganun ba, haha. Sige, ano ba yun?"

"Alam mo ba kung bakit all of a sudden eh iniiwasan na naman ako ni Archie? Magka-chat lang kami kagabi tapos biglang ayun na, di na ako pinapansin."

"Ah yun ba. . . "

"So may alam ka nga?"

"Ganito kasi yun, ako na magsasabi since mukhang hindi naman nya masasabi pa sayo. May gusto sayo si Archie, ang alam ko balak ka na nyang ligawan. Tapos nangyari yung kagabi."

"Kagabi? Anong meron?"

"Bihira sya mag-fb stalk, pero kagabi binuksan nya yung profile mo. Nung nakita nya yung mga Kpop related stuffs. Parang naisip nya na baka mas piliin mo yun kaysa sa kanya kaya naisip nyang wag na lang ituloy."

"Dahil lang dun? Dahil lang sa Kpop? Eto, pagpapakatotoo lang. Gusto ko din si Archie, kaya nga gusto ko na maging honest sa kung anong gusto ko eh. Hinusgahan nya ako agad."

"Mukhang di pa nya na-share sayo. May niligawan kasi dati si Archie, Kpop fan. Di sya sinagot nun kasi napakalayo daw ng itsura at ugali nya sa mga Kpop idols nya. Simula nun, iniwasan nya na magkagusto sa mga Kpop fans."

"Ang babaw nya. Haay, sige salamat sa pagiging honest."

"Hindi ko kasi maipaliwanag ng maayos kasi hindi naman ako si Archie, pero ikaw, nasayo yan kung paano mo ite-take yung mga sinabi ko."

"Yah, salamat talaga."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Bea. Naupo na lang kami ni Nicole. Nagkaroon ng silence between us kasi na-shock kami pareho.

"Sobrang babaw talaga."

"Pero alam mo, tama si Bea eh. Hindi naman si Archie yung narinig nating nagsalita. We really don't know kung ano talaga yung nararamdaman nya."

"Hahayaan ko na lang sya. Kung ayaw nya na akong lapitan dahil lang sa Kpop fan ako, sige, bahala sya."

"Pero nasaktan ka?"

"Nasaktan? Bakit naman?"

"Sandy, sabihin mo man o hindi, alam ko nasaktan ka. Inamin mo na eh, may gusto ka sa kanya, imposibleng hindi ka nasaktan sa mga nalaman mo."

Hindi ako nakapagsalita , totoo kasi eh. Nasaktan ako, yung lalaking akala ko ay palaging nandyan kahit pa baliw na baliw na ako, sya pa tong lumalayo sakin. Masakit talaga.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Archie's POV

Bakit ngayon ko pa nalaman na Kpop fan sya? Kung kailang nafo-fall na ako sa kanya. Eh paano kung mangyari na naman yung dati? Paano na ako? Basted na naman. Bakit sya pa?!

"Uy, Archie, parang ang laki ng problema mo ah."

"Jed, Kpop fan sya."

"Sino? Si Sandy?"

"Oo. Kahapon ko lang nalaman. Natatakot ako."

"Natatakot ka na baka mangyari na naman yung dati? Bakit hindi mo muna subukan. Malay mo iba sya."

"Eh paano kung ganun din?"

"Well, at least you tried. Pero alam mo, base sa mga kwento mo. Mukhang hindi sya tulad nung past mo. Tignan mo, alam nyang rock ang gusto mo pero pinili nyang maging kaibigan ka. Hindi sya yung namili ng kaibigan base sa mga likes. Pakiramdam ko nga may gusto din yun sayo eh. Wag mo to palampasin pre."

"Siguro, tama ka. Ia-approach ko na ulit sya. Magso-sorry ako sa kanya."

"Oo, mag-sorry ka. Panigurado nasaktan yun sa mga kinilos mo."

"Haay, bakit kasi hindi ako nag-iisip eh."

"Hindi naman sa ganun pre, nadala ka lang ng emosyon. Nasaktan ka na din kasi."

"Teka, Love Guru yata ang dating natin ngayon ah." 

"Nage-emo ka kasi, sinasabayan lang kita."

"Hindi naman ako nage-emo, alam mo naman diba kung paano ko ilabas yung mga bigat sa loob ko diba."

"Oo naman, nambu-bully ka. Alam mo, ngayong in love ka na, dapat itigil mo na yan eh."

"Oo, last na yung kanina. Last na panggugulo ko na yun dun sa GK-B2-u-t--y na yun, hanggang ngayon di ko pa din mabasa url nya."

"Tama yan dude, magpakabait ka na."

"Oo na oo na. May rehearsals tayo ngayon diba? Andito ka ba para sunduin ako?"

"Ay oo nga pala. Ikaw kasi pre eh. Ang drama mo ngayon, nadala tuloy ako. Halika na pala. Baka ma-late pa tayo."

"Oo nga, lagot tayo, sige paptayin ko lang laptop ko tapos alis na tayo."

Sana magkatotoo yung mga sinabi ni Jed, sana iba si Sandy. Ang lakas talaga ng tama ko sa kanya eh. Siguro naman matatanggap nya yung sorry ko, mabait naman sya eh. Hindi na ako makapaghintay, gusto ko na sya makausap ulit. Isang araw ko lang sya iniwasan pero nahirapan na ako talaga. Baka nga na-fall na ako sa kanya. She's one of a kind. Hope nothing would go wrong.

"Alis na tayo."

Tumblr Ask :

"Hey weirdo ! I'll stop this bullying but you will always be that lame person who loves sh*t"

- rockerzRULE

He's jealous of my KPOP BoyfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon