"3:30 na, Yes ! naka-survive tayo sa first day ng college !"
"Oo nga eh, at home ako agad, parang high school pa din pero iba nga lang ang sistema."
"Oh, halika na, diretso uwi na tayo. Wag muna tayong maglamyerda sa mga malls malapit dito."
"Yah, first year palang baka mamihasa tayo. haha"
"Tama ka dyan, next time na lang siguro, let's go na."
Diretso uwi na kami ni Nicole. Good girls kami eh. Hihi. Bus ang sasakyan namin para mas madali kami makauwi.
"Sabi nga pala ng tita ko, sa kanila na lang daw tayo tumigil, sa may Pembo para maasikaso nya tayo. Mahirap daw kasi na nasa Condo tayo tapos walang kasama."
"Eh di mas malayo lalakbayin natin? Pero okay lang naman kesa naman mag-alala sila. Bait talaga ng pamilya mo. Salamat ah."
"Naku wala yun. Parang magkapatid na din tayo eh. Sa Saturday tayo lilipat dun."
"Eh sino na muna ang titigil dun sa Condo nyo?"
"Wala. Pero sabi ni tita pwede naman tayo dun kapag gusto natin magparty-party with classmates."
"Ah, ang nice."
Napatingin si Nicole sa bandang likod ng bus. natahimik sya bigla.
"Bakit bigla kang tumahimik?"
"Feeling ko pinaglalapit talaga kayo eh."
"Sino? Anong pinaglalapit?"
"Tingin ka sa bandang likod, sa may bintana. Pasimple lang ah. Baka mapansin tayo."
Eh di ayun tumingin naman ako. Ka-curious eh.
"Ay. . "
Si Archie pala nasa bus din kasama namin. Nag-iisa na naman sya. Wala atang friends yung lalaking yun eh. Taga-san kaya yun?
"Ikaw ah. Anong pinaglalapit ka dyan. Likot ng utak mo eh."
"Haha, ikaw naman , hindi mabiro. Taga-saan kaya si Archie noh."
"Tanungin mo para malaman mo."
"Ayaw ko nga, tignan na lang natin kung sino unang bababa satin."
Unfortunately , nauna kaming bumaba ng bus ni Nicole, so ayun. Hindi namin alam kung saan banda nakatira si Archie.
As usual. Computer agad ang kaharap ko. Gawa muna ng assignments then ready na for tumblr and other social networking sites. :))
Pagkatapos ko gumawa ng assignments, sinearch ko sa facebook si Archie.
"Nic, ano apelyido ni Archie?"
"De Leon, bakit? ididikit mo na ba sa pangalan mo? Hmm, Sandy De Leon. Maganda."
"Sira ulo. ise-search ko lang sa fb. Syempre add add ng bagong friends."
"Haha, sige sabi mo eh. Pero maganda nga talaga yung Sandy De Leon."
"Ewan ko sayo, manuod ka na lang ng Phineas and Ferb dyan. Magpakasawa ka !"
"Haha, napikon. Sige na eto na. Panunuorin ko na lang si Perry."
Sandy De Leon. pssh. Sagwa kaya. search ko na nga lang sya.
Archie de leon, archie de leon. Ah eto. Ay, cute din pala sya. Eh, baka photogenic lang. Rockers nga talaga toh. Aba at may banda pa sya. Ano kayang ginagawa nya dun? Ay ayun nakasulat pala. Guitarist sya. wow naman. Ang cool ng mga guys na nagpe-play ng guitar.
BINABASA MO ANG
He's jealous of my KPOP Boyfriends
ContoFictional :) Possible kaya na ang isang Rocker ay ma-inlove sa isang Kpop fan? the fact na number 1 sa hate list nya ang Kpop. hmm. . :">