[2] The President and the Hunk

77 4 0
                                    


CHAPTER 2

{The President and the Hunk}


"Ayaw ko nang uminom..." I groaned as I felt my head throbbing habang umiinom ako ng coffee.

Narinig ko namang tumawa si Sophie. "Wala naman kasing pumipilit sayo na uminom. Yung matapang pa kasi nais mong inumin eh."

I glared at her at nakita ko siyang kumakain ng chocolate cake na umaakto na parang walang sinabi. We're currently inside the cafeteria of our campus, the not-so-famous Lournette Academy. Ang lugar kung saan kailangan lagi akong mag-ingat sa gagawin ko at ia-act ko. After all, I'm the student council president. Oo. Tama kayo sa nabasa niyo. I should be the students' number one role model. Ganun kalaki ang responsibility ko sa school na 'to.

And yes. I broke the very first rule of this campus. Ewan ko kung bakit na imbento pa yun! Ang bitter nung gumawa nung rule na yun. Hindi ko din naman gustong maging president in the first place. Lalo pa nung nangyari kaninang umaga sa club. That's absolutely NOT on my plan!


"KYAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!" This can't be happening to me!! Bata pa ako!!

Agad-agad akong umayo at hinila yung kumot para takpan yung katawan ko. Nagulat naman siya sa ginawa ko at gumulong sa gilid ng kama para takpan yung katawan niya. Una, niloko ako ng boyfriend ko tapos ngayon, eto?! Hindi na ako makakapag-asawa!! Kinuha ko yung unan sa kama at pinagbabato siya.

"S-Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?! Bastosss!!" natatakot na sabi ko habang pinagbabato ko siya ng unan.

"T-Teka nga! M-Magpapaliwanag akoo!!" halatang naiinis na sabi niya habang tumatayo at umiilag sa mga unan na pinagbabato ko sa kanya.

"Bastos kaaa!! Bakit ako nandito?! Nasaan akooo!! Magsalita kaa!!" naiinis na sigaw ko sa kanya.

Pinagbabato ko pa rin siya ng unan gamit yung isang kamay ko habang yung isang kamay ko ay hawak-hawak pa rin yung kumot para takpan yung katawan ko. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sakin at nasa harapan ko na pala siya. He immediately grabbed my arm, pulling me closer to him as his other arm wraps around my waist.

Craving In Between ©Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon