[10] No Such Thing

15 1 0
                                    

CHAPTER 10

{No Such Thing}


[MAURTINE'S POV]


Pinigilan ko yung sarili kong takpan yung tenga ko. Sa lakas ba naman ng tugtog sa lugar na 'to eh! Lalo na yung mga iba't ibang ilaw sumasabay sa music at yung mga makikinang na bagay sa dance floor! Ang sakit sa mata! Mas masakit pa sa pag iwan ng ex mo. Basta! Hindi ko ma-explain. Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi dapat ako nandito eh... Lagot na naman ako nito kay Mom...

"Alice! Hinay-hinay lang! Para kang mauubusan ng alak." nag-aalalang sabi ni Sophie na nasa tabi ni Pres habang sinusubukang kunin yung baso niya.

Pinigilan naman siya ni Pres. "Don't you dare stop me!"

"Zander! Pigilan mo nga yang girlfriend mo!" sabi pa ni Sophie kay Zane na nakaupo din sa tabi ni Pres.

Tinignan naman siya ng masama ni Pres. "Sinong girlfriend?! Ako?!"

"Sino pa ba?" tanong sa kanya ni Zane at agad na kinuha yung baso ni Pres.

"Give it back!"

"No."

"Akin na kasi!"

Pinanuod lang namin kung papaano sinubukang abutin ni Pres yung baso niya na nilalayo naman Zane. Hay nako... Para silang mag-asawa kung mag-away. Tinignan ko lang sila Yssa at Dale na nakaupo sa tabi ko na mukhang 'tahimik' ding nagtatalo pati na rin sila Sophie atsaka yung boyfriend niya na nasa tabi ko din. Napatingin ako sa harap ko at nakita ko si Travis na busy na umiinom. Bigla kong iniwas yung tingin ko nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Bakit ko pa kasi nakita yun?! Ang awkward tuloy...


I was walking down the hallway para kunin yung gamit ko since hinihintay na lang ako nila Pres sa labas ng campus. I stopped in front of my locker at kinuha yung gamit ko. Nang masara ko na yung locker ko ay nagulat ako nang may marinig akong sigaw ng isang babae.

"I hate you!"

Natigilan naman ako nang may tumakbong babae papunta sa direction ko at nilagpasan ako. Napansin ko yung mukha niya at nagulat ako kung sino siya. Siya yung kaibigan ni Travis diba? Ano nga ulit pangalan niya? Ahh... Victoria. Pinanuod ko lang siyang tumakbo palabas ng building namin habang umiiyak. Tsk tsk... May LQ yata sila ng boyfriend niya.

"Hay nako..." narinig kong sabi nung lalaking kasunod lang nung babaeng lumabas kanina.

Nang malagpasan niya ako ay napansin yung mukha niya. That very familiar face... Travis?! Siya yung boyfriend ni Victoria?! Natigilan siya sa paglalakad at biglang lumingon sakin na kinagulat ko kaya napaharap ako sa locker ko para itago yung mukha ko. Hindi niya ako nakita... Hindi niya ako nakita... Nagulat na lang ako bigla nang may nakita akong dalawang braso sa kaliwa't kanan ko. Sheeet...

Craving In Between ©Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon