4 - #ChaZell

584 15 1
                                    


Nakatulala si Hazell sa banyo habang hawak niya ang PT.

Isang guhit, negative.

Umasa siya na dahil delayed siya ng halos isang buwan ay sa wakas magkakaanak na sila ni CJ pero sa huli ay nabigo pa rin siya. She's still not pregnant.

Nakarinig ng katok si Hazell mula sa labas. "Hazell, anong balita?"

Dismayado man ay hinarap ni Hazell si CJ. Naiiyak na ito at ipinakita niya ang PT kay CJ.

"Negative pa rin?" Nanatiling nakayuko si Hazell habang mahigpit ang hawak sa PT.

Napatingin naman si CJ dun at kinuha ang PT sa kamay ni Hazell. Pagkakuha ni CJ dun ay napaupo lang siya sa kama nila.

"I'm so-sorry.." Umiiyak na sabi ni Hazell habang nakayuko at hindi na alam kung anong gagawin.

Tumayo naman si CJ tyaka lumapit kay Hazell tyaka siya niyakap. Hinagod nito ang likod ng asawa.

"Hush, I'm sure sooner or later magkakaanak rin tayo. Don't worry." Bagkas ang kabiguan sa boses ni CJ pero pinilit pa rin niyang magmukhang okay sa harap ni Hazell.

Hinawi ni CJ ang buhok na nasa mukha ni Hazell. "Let's visit a doctor. It might help us."

Tumango na lamang si Hazell tyaka sila nag-ayos para pumunta sa doctor.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Naging tahimik ang biyahe nila CJ patungo sa clinic ng OB-GYNE na pinuntahan nila.

Nakapila pa lamang sila pero bakas ang kaba at niyerbos ng mag-asawa.

Nang sila na ang kasunod ay huminga na muna ng malalim si Hazell.

Nakatalikod sakanila ang doctor, "Good morning po, Mr. and Mrs.."

Pagkaharap ng doctor ay pare-parehas silang nagulat. "Go?"

"Ayma?"

Napatahimik si Hazell at CJ tyaka sabay na napatingin sa isa't isa. Hinawakan ng mahigpit ni Hazell ang kamay ni CJ kaya naman nakahalata ito at inakbayan ang asawa.

"Nice to see you two again! After so many years, kayo talaga ang nagkatuluyan! Destiny is so amazing." Sabi ni Ayma. Ngumiti lang si Hazell.

"Nice to see you too, Ayma. Nasa field ka pala ng medicine, I didn't know." sabi ni CJ.

"Yeah, I always wanted to be a doctor. Anyway, ba't nandito kayo? Does it mean magkakababy na kayo?" Napatahimik ang dalawa. Hazell bit her lip at umiwas ng tingin kay Ayma.

"A-actually, it's not like that." CJ sighed. "Hazell and I are having troubles bearing a child. We went here to find out the reason why we can't bear one."

"I'm so sorry. Let me see you, Hazell. Tara dito, I'll examine you." Labag man sa kalooban ni Hazell ay sumunod ito sa utos ni Ayma. Pagkahiga niya ay kaagad din na lumapit sakanya si CJ at hinawakan ang kamay nito.

"Everything is gonna be alright." Bulong ni CJ. Hazell sighed.

"I hope so." She whispered.

Habang nagkakaroon ng examination si Ayma kay Hazell ay hindi maiwasan na kumabog ng sobra ang dibdib nito.

"Hazell. May I ask, when you were in HS and college, irregular ba ang menstrual cycle mo?"

"Oo. Madalas akong delayed at minsan naman hindi dinadatnan." Tumango si Ayma tyaka inayos ang mga gamit. Maya maya ay umayos na ng upo si Hazell.

"I think the problem is because of that, Hazell and CJ. Dahil irregular ang menstrual cycle mo, nagkaroon ng ovulation problem. If your period isn't regular, you may have trouble getting pregnant. If your menstrual cycles aren't 28 days long, less than 24 days, or more than 35 days, or if they're unpredictable, then you should get a cure for it."

"May possibility bang magkaanak kami, Ayma?" Tanong ni CJ. Ayma smiled.

"Out of 100%, there is a 95% chances na magkaanak kayo. Kailangan lang ng right medications and right body treatment."

Nabuhayan ng loob ang dalawa sa sinabi ni Ayma.

Hinawakan ni CJ ang kamay ni Hazell. Napatingin si Hazell sakanya tyaka naman ngumiti si CJ. Bahagya ring ngumiti si Hazell.

"I suggest na dalasan niyo ang pag-visit sa doctor to observe Hazell's condition. If treated well, alam kong magiging okay rin ang lahat and you can build a family." Nakangiting sabi ni Ayma. "Ohh, by the way, sino nga palang ob mo?"

"Actually dahil bagong lipat kami dito, nasa dating town ang Ob gyne ni Hazell, naghahanap rin kami ng pwedeng maging bagong Ob niya."

"What if ako nalang?" Nagkatinginan naman si Hazell at CJ. "Ako na lang ang magmomonitor kay Hazell. I can do that since bagong ob palang naman ako at wala pa ako masyadong patients. So I'll gladly be your Ob gyne, Hazell."

Hindi kaagad nakasagot si Hazell. Somewhere deep inside her, her feelings towards Ayma never changed. Awkward pa rin ang pakiramdam niya kapag nagkakasama sama silang tatlo.

Bigla namang naglahad ng kamay si Ayma kay Hazell.

"Let bygones be bygones. Let's all leave everything behind and make a brighter future for us."

Inabot ni Hazell ang kamay ni Ayma and smiled. "S-sige."

"Great!! Then I'll give you your schedules of check ups okay? Kailangan maging present ka palagi para mas lumaki ang chances na ma-cure ang infertility mo."

Ibinigay ni Ayma ang papel kay Hazell. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ito tyaka sila umalis ng clinic.

HABANG nasa biyahe ay hindi pa rin umiimik si Hazell. Ang daming bagay ang tumatakbo sa isip niya. Lumabas lahat ng insecurity niya.

Bakit ba ako naiinsecure? Naisip lang ni Hazell ang lahat ng stress na hinaharap niya. Dahil sa stress na yun hindi na niya nabibigyan pansin ang itsura niya. Napapabayaan na niya ang itsura niya. Si Ayma, mukhang fresh na fresh. She looked beautiful with that laboratory gown.

Bigla naman niyang naisip si CJ.

Ano kayang naramdaman ni CJ ng makita si Ayma?

Napapikit ito ng mariin.

Pagbaba ng sasakyan ay dire-diretsong pumasok si Hazell sa bahay na hindi pa rin naaalis sa isip ang mga gumugulo sakanya.

"Hazell." Napatigil ito sa pag-iisip nang hawakan ni CJ ang kamay ni Hazell.

" Napatigil ito sa pag-iisip nang hawakan ni CJ ang kamay ni Hazell

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paglingon ni Hazell kay CJ ay nakangiti lang ito. A very comforting smile. Pagkatapos ay lumapit si CJ kay Hazell at hinalikan ito sa noo.

"Everything will be fine. I will be always by your side. You'll never deal with this alone. So don't worry."

Ngumiti si Hazell. Those words hit her. Hindi dapat siya mag-alala, CJ is her husband at alam niyang mahal siya nito.

"Ano ba yan CJ. Sabi ko sayo wag mo akong ineenglish." Tumatawang sabi ni Hazell. Napatawa na lang rin si CJ at niyakap si Hazell.

"Everything will be okay as long as we're together."

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

very very very slow updates~

CLASH OF HEARTS [BOOK 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon