5 - #CarlIane

542 11 2
                                    

"ANO CARL LAZARO? PAPALAG KA PA BA?"

Napahawak si Carl sa gilid ng labi niya. Dugo. Dumudugo nanaman. Paano na kaya ang gagawin niya oras na makita ni Diane ang mga galos niya?

"Malaki pa ang atraso mo sa amin, Lazaro. Sa tingin mo ba hahayaan naming sumaya ka? Asa men." Muling sinipa si Carl sa tiyan niya. Napaigtid ang bagang ni Carl. Nangangati na itong lumaban pero hindi pupwede.

Kung tutuusin ay kaya niyang itumba ang mga ito pero alam niyang may nakabantay sa bahay ni Diane. He can't risk her life.

"Siguro balak mong mag-quit bilang gangster kapag kinasal na kayo noh? Tatraydurin mo kami!" Sabi ng kaharap ni Carl habang hawak ang bibig nito.

"Sinabi ko na sa inyo! Hindi ako titiwalag!" Ngunit sa totoo, gustung gusto na nitong magquit bilang isang gangster. Gusto nitong mabuhay ng normal na malayo sa gulo dahil ayaw nitong madamay si Diane at ang pamilyang bubuuin nila.

"Sa tingin mo ba maniniwala kami sayo? Gago lang maniniwala sayo boy." Hinawakan ng gangster lord ang baba ni Carl at iniharap sa kanya. "Walang karapatan magmahal ang mga katulad natin."

Napangisi lang ito.

Yan din ang akala ko noon, sa isip ni Carl.

Sa kundisyon nito ngayon, mukhang wala siyang takas. Imposibleng pakawalan siya ng mga ito ng buhay. Hindi rin naman siya papayag na mamatay siya ngayon. Not now, not never.

"Just tell me what I need to do for you to let Diane go." Sabi ni Carl habang mabagal na tumatayo.

Ngumisi naman ang gangster lord at pinatunog ang kamay nito.

"Iwan mo siya." Nanlaki ang mata ni Carl sa sinabi nito. "Iwan mo ang magandang girlfriend mo. Tyaka balita ko naman nakaisa ka na dun, edi pwede ng itapon-"

BUGSH!*

NANDILIM ang mata ni Carl sa sinabing iyon ng gangster lord at kaagad na sinuntok iyon. Nabuwal naman ang gangster lord at kaagad na napapunas sa labi nito.

"Bastard! Baka nakakalimutan mo may mga nakapaligid sa bahay ng kasintahan mo!"

Kaagad namang napatigil si Carl nang marinig iyon.

"One wrong move and your beautiful girlfriend is dead meat."

"This is just between you and me. Ba't mo ba dinadamay dito si Diane?!" May humawak sa magkabilang braso ni Carl kaya naman hindi na ito nagpumiglas pa.

"Syempre! Wala nang thrill kung puro sa atin lang umiikot ang mundo, mas maganda yung may nagdadagdag sa excitement natin!" Pagkasabi ng gangster Lord nito ay tumawa ito nang mala-demonyo. Hinawakan nito ang baba ni Carl at nakangising tiningnan ito.

"Excited ka ba sa kasal niyo? Balita ko ikakasal na kayo in a month! Wow, hindi ko akalaing may puso ka pala Carl! Napaka-angas mo. You never fail to surprise us!" Binitawan nito si Carl at napasubsob ito sa sahig. "But sad to say, you won't be attending that wedding. Dahil gaya nga ng sabi ko, wala tayong karapatang magmahal. We were made to kill! Kill worthless trash! Hindi natin kailangan ng puso!"

"Do whatever you want. Just... don't hurt her. Gagawin ko lahat ng gusto niyo." Carl begged. Diane is everything for him. Siya lang ang nag-iisang espesyal na tao sa buhay niya at hinding-hindi ito papayag na masaktan ito at mapahamak ng dahil lang sakanya.

"Mabuti naman at maayos ka naman palang kausap, all I'm asking is that you leave her. Pero para mas exciting, wag mong sasabihin sakanya... tapos, paniwalain mo siyang tuloy ang kasal tapos, sa araw ng kasal niyo... Poof! Walang groom na sisipot! Oh di'ba? Ang galing ng naisip ko di'ba?"

CLASH OF HEARTS [BOOK 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon