13 - #ChaZell

352 3 1
                                    


Hazell's POV

"Mayroon bang certain position na kailangang sundin? Nakakaapekto ba kung anong sex position ang ginagamit namin sa pagbilis ng pagbubuntis ni Hazell?"

"Don't worry, CJ. It doesn't really affect it but sometimes the cervix somehow have an unusual position where certain positions can make a difference, pero may certain gravity-defying positions, tulad ng sitting or standing during the intercourse that may discourage sperm from traveling upstream. So I suggest you don't do these positions--"

"S-s-syempre h-hindi namin gagawin 'yon!" Hindi ko maiwasang mapayuko na lang habang kaharap namin si Ayma. Sino ba kasing mag-aakala na ididiscuss talaga namin sa harapan niya ang sex life namin ni CJ?!

"Are you regularly taking your prenatal vitamins?" Tumango ako sa tanong ni Ayma, "Good, h'wag mong kakalimutan 'yang inumin, okay Hazell?"

"Ayma, nabasa ko lang sa internet.. Kailangan daw after naming magsex ni Hazell ay itataas niya ang paa niya habang nakahiga siya? Totoo ba 'yun? Should she do it?" Hinampas ko si CJ sa tanong niya. Kahit naman sino ay iisiping hindi totoo 'yun!

Tumawa si Ayma, "That's actually just a myth. Pero maipapayo ko is to lay in bed for 10 to 15 minutes after intercourse, but you don't need your feet in the air."

"Ah, I see. Pero Ayma, if we have sex everyday tataas ba lalo ang chances of pregnancy----"

"CJ!" Napatakip ako sa mukha ko nang sabihin 'yun ni CJ. Kulang na lang ay magpakain na ako sa lupa sa sobrang hiyang nararamdaman ko.

"Actually, it's the contrary," Ayma answered, "Don't overdo it. Hmm, mas maganda kung every other night around the time of ovulation. It will help increase Hazell's chance of getting pregnant."

"Oh.. Is that so? So paano naman---" Tinakpan ko ang bibig ni CJ at hinawakan ang braso niya. Humarap ako kay Ayma at awkward na ngumiti sakanya.

"T-thank you, Ayma. A-aalis na kami. Susundin namin lahat ng sinabi mo." Hinatak ko na palabas ng clinic si CJ dahil mukhang hindi siya magpapaawat sa kakatanong kung hindi ko pa siya pipigilan.

I SIGHED when we reached our house. Ibinagsak ko ang sarili ko sa sofa nang maramdaman ko ang pagod.

"Bakit hindi mo ako hinayaang itanong lahat ng naresearch ko?" Hawak hawak ni CJ ang isang long bondpaper kung saan nakasulat ang mga nakita niya sa internet na paraan kung paano mabilis na mabuntis. Napaigting lang ang panga ko.

"Don't you know how uncomfortable it is for me to talk to Ayma about our sex life?" Napahilamos ako sa mukha ko. Sobrang nakakailang na ikwento 'yun at pag-usapan lalo na kay Ayma na dating nagkagusto kay CJ.

"Hazell," Naramdaman kong umupo sa tabi ko si CJ.

"Although kasalanan ko 'rin naman. Ako 'yung may problema eh. Kung maayos lang sana ako at nabuntis kaagad di na sana natin ginagawa 'to eh." Napapikit ako ng mariin nang maramdaman kong umiiyak na ako. "Nahihiya ako sa'yo, CJ, e. Hindi ito 'yung pinangarap mong buhay. All you want is a child pero hindi ko 'yun mabigay sa'yo."

Hinila ako ni CJ palapit sa kanya at kinulong niya ako sa bisig niya, "Ssh.. Hindi mo kasalanan 'to.. Wala kang kasalanan, Hazell. At ito ang pinangarap kong buhay, 'yung maging asawa kita at makasama kita habangbuhay. Addition na lang kung bibigyan tayo ni Lord ng angels. Kaya h'wag na h'wag mong sisihin ang sarili mo, please?"

Hinaplos ni CJ ang ulo ko saka niya ako hinalikan. He cupped my face and wiped away my tears, "Tyaka, Ayma is our doctor. Sigurado akong normal na sakanya ang mga topics na ganito."

"Ayma is Ayma. Kahit doctor natin siya, minsan pa rin siyang nagkagusto sa'yo. Imagine how awkward it could be for her?"

"Ano naman? Asawa kita, asawa mo ako, sa mata ng tao at mata ng Diyos iisa na tayo. Alam na niya 'yun."

CLASH OF HEARTS [BOOK 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon