Soulmate Meet

221 5 0
                                    

"Excuse me??" May babaeng nagsalita sa gilid ko.

Tiningala ko si Billy. Alam ko namang hindi siya yun.

     Tiningnan ko ang direksyon kung saan nakatingin si Billy. Sa right side ko. Bali mag ka opposite kasi kami nang upuan ni Billy kaya lang nasa magkabilang dulo kami sa right side namin.

Nakatayo dun ang isang babaeng may curly brown hair. Na nakasuot ng navy blue na blouse na may nakaguhit na skull at stars and a red skirt tapos rubber shoes.

"Ahm wait." Inayos niya ang damit niya na parang nagtatanggal ng gusot then smile again. "Ehem.. ehem."

Pareho lang kami ni Billy, hindi makapag react. Nakatitig dun sa babae na nakita ko na somewhere. Siya din ata yung sa CD shop. Di ko sure nakalugay na kasi hair niya ngayon.

Nakamasid lang kami sa kanya na nilalagay ang kamay sa bewang na parang nag popose, chin up, nakangiting labas lahat ng ngipin. "I'm K-"

"Okay Miss K? What you want?" Sabat at diretsong tanong ni Billy sa babae.

Umayos naman daw ng tayo ang babae.

"If I'm not mistaken." Sakin siya nakatingin. "Ikaw yung lalaki sa CD shop nung nakaraang araw." tanong niya sakin.

Tumango lang ako with a anunaman-ngayon expression.

"Pwede ba akong umupo muna?" Medyo nahiya pa siyang sabihin yun.

"Sure." Si Billy na ang sumagot.

Nagpalingon lingon naman si Miss.. Wow sexy ah, Kurba. Curve na curve kasi yung body niya ngayon ko lang napansin.

Di niya alam kung saan uupo, gusto kasi ata niyang tumabi sakin kaso walang space kaya finally dun na siya umupo sa harap ko sa upuan ni Billy.

"Narinig ko kasing may kinakanta ka nun? Would you mind hearing it to me?" She pleaded.

"For what?" Tanong ko na may halong iritasyon.

"Familiar kasi yung lyrics, magkapareho sila nung poem na sinulat ko 6 years ago."

"Poem?"

"Oo, sinulat ko yun sa kulay yellow na stationary na may tweety bird na design." Masigla pa rin niyang sabi.

She's right, yung lyrics nga nang kanta pati yung title hindi ko binago sa original na poem na nakita ko 6 years ago. Tama din ang pagka describe niya nang papel na sinulatan.

Sinulyapan ko saglit si Billy na nakikinig lang sa amin.

"Can you sing?" I asked her.

Hindi siya sumagot, instead umupo siya nang tuwid.

♫♫Narinig mo ba ang puso ko,

Ang pagtibok ay di ordinaryo,

Kung alam ko lang,

Ang tunay na pakiramdam,

Di sanay nagsimula na ang istorya,

Pero Di, hindi mo alam ang nasa isip ko,

Ayoko naman tuluyan kang ilito.♫♫

Tinapos niya ang buong kanta. Napapalakpak naman daw si Billy tapos si Miss. Kurba, feel na feel naman daw niya. "Thank you, thank you." With bow pa yan ha, raulo. Pero nice song at very nice voice, perfect sa change of plan ko.

Nagpaalam na si Billy dahil may gagawin pa daw siya at iniwan ako dito kasama yung babae parin.

"Okay." 

"Okay"

Sabay pa kami.

"Mauna kana." Sabi ko sa kanya.

"Kaytagal kong hinintay ang soulmate ko and Im glad to tell you ikaw yun." She said.

Nasamid ako sa sinabi niya, halos ma buga ko na ang coffee na kaka higop ko lang.

"Anong sinasabi mong... ako... soulmate..mo?"

Nakangiti lang siyang tumango. I cant believe na masasabi niya sakin yun nang diretso.

  "At bakit mo naman nasabi yan?" I asked.

"Yung-yung poem. Ginawa ko yun para makita ang soulmate ko at ikaw ang nagbalik nun sakin. Kaya ikaw ang soulmate ko." Sagot niya.

Para talaga siyang bata sa mga sinasabi niya.

She remain quite habang iniisip ko pa ang pwede kong sasabihin. This girl might be crazy. Perfect for my new plan. Pagiisip kong mabuti just to come up with a good decision. Sasakyan ko ang soulmate-soulmate na sinasabi niya. Tapos??. .. Hmmm.

Ayun!! Good idea.

Hinarap ko siya ulit with a serious face. "Miss??"

                                               "Karylle" Dugtong niya.

"Can... can." Hirap talagang sabihin. Naman, ang awkward.

             "Yes??" She asked na para bang sigurado na siyang maganda ang sasabihin ko sa kanya.

"Uhmm.." Napakamot ako sa ulo ko. Sh*t kailangan ko ba talaga sabihin 'to? *Malalim na buntong hininga* Para sa pag-ibig ko kay Nikkie, gagawin ko 'to.

Nagiging baduy na din tuloy ako. Nahawa na ata ako sa babaeng 'to.

           *Inhale**Exhale* Ito  na sasabihin ko na.

"Karylle.. Be my girlfriend."

................................................................

PhotographsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon