After nung recording. Naging busy kaming dalawa. Meeting dun meeting dito. Recording na naman dun at recording na naman dito. Hayss..
Nung una di ko ma gets, gagawin daw nila akong sikat na singer pero eventually na intindihan ko na ang plano nila. Kaya nagpapatangay nalang ako sa gusto nilang gawin.
Hindi ko inaasahan may makakakilala na sakin agad sa facebook pati sa tweeter pinag-uusapan na ako. Tama nga sinabi ni Vice magaling daw na producer si Billy lahat daw gugustuhin niyang ipasikat. Sisikat agad.
Isang linggo palang na pinarinig ang boses ko sa publiko hinangaan na agad ako at pinakanta sa ASAP. Pero nakakapagod pala at nakakalungkot kasi wala na kaming time sa isat-isa ni Vice. Pano ko siya makikilala ng mabuti at parang gusto ko na ring mag back-out sa planong 'to kasi alam ko pag nagtagumpay kami malamang babalikan ni Vice yung Nikkie na yun. Kaya lang di ko yun kayang gawin kasi alam kong magagalit at malulungkot si Vice.
I have my first album nilabas the week nung first akong tumungtong sa recording studio. Then after a month naging best seller yun kaya naguest ako sa KrisTV. Okay naman ang interview, nag enjoy ako. Nakakatuwa kasi si Miss. Kris parang nag chichikahan lang kami sa bahay.
Paglabas namin mula sa studio ng KrisTV nasalubong namin ni Vice si Nikkie kasama niya ang mga kasamahan niyang singer sina Juris, Nina and Sitti.
Galit niya akong tiningnan.
"Let's go Vice." Sabi ko kay Vice. Na shock ako sa pag hila niya sa braso niya at napabitiw ako sa pagkakahawak. "Nikkie." tawag ni Vice.
Huminto si Nikkie sa tapat namin. "Hindi ka mananalo Vice. Hindi niyo ako mapapabagsak ng babaeng yan." Sabi niyang nakatingin sa akin at nilipat ang tingin kay Vice."At kung naghihiganti ka sa pakikipaghiwalay ko sayo. Please tigilan mo na yang kagaguhan na yan. Hinding hindi na ako makikipagbalikan sayo." Sabi niya na dinuduro nya si Vice.
Hinawakan ni Vice ang hintuturo ni Nikkie. "Patutunayan ko sayo Nikkie. Patutunayan ko sayo na nagkamali kang hiwalayan ako. Alam kong mahal mo pa rin ako." At pabigla niyang binitiwan ang hintuturo nito at hinila na niya ako palabas ng building.
I was hurt. Masakit marinig mula sa taong mahal mo na gusto parin siyang mahalin ulit ng dati niyang girlfriend. Sadyang hanggang sa plano lang ba talaga ang pagmamahal niya sakin.
Ilang nights kung iniiyak ang nararamdaman kong yun. Hindi ko pinapahalata sa kanya, naging si Karylle pa rin akong masiyahin sa harap ni Vice. Syempre hindi ako susuko kung siya gusto niyang patunayan sa Nikkie na yun na dapat siyang mahalin patutunayan ko rin sa kanya na ako ang dapat niyang mahalin kesa sa bruhang yun.
-------------------------------------------------------------------------------
10:00 Am na ako nagising dahil sa ring ng phone ko. Ouch. Sakit nang katawan ko. Naalala kaya ni Vice ang araw ngayon?
"Hello Baby Boy." Sagot ko kay Vice na nasa phone. Medyo inaantok pa ako kasi madaling araw na kaming natapos kahapon mula sa contract signing para sa gagawin kong concert. Yes, mag coconcert na ako at ilang days na yun. But unfortunately kasama ko si Nikkie. Concert naming dalawa as magkalaban.
"K, pupuntahan kita jan sa inyo." He said.
"Bakit, diba sabi mo wala tayong appointment ngayon." Tanong ko sa kanya. Sabi kasi niya kahapon makakapagpahinga na daw ako.
"Yeah, that's right. Wag kang mag-alala jan lang tayo sa bahay niyo. Nag text kasi si Billy na kailangan daw may original composition ka na song na kakantahin mo sa concert" He explained.
BINABASA MO ANG
Photographs
FanfictionOnce destiny guides you to the one you want, it's up to you to hold on. (ViceRylle)