Ysabel's POV.
Tumingin tingin ako sa paligid at ng masiguro kong walang nakasunod sa akin, nakahinga ako ng maluwag.
Finally!
Mabubuhay na ako ng mapayapa dahil tatlong araw na ang nakalipas at wala ng nambubulabog sa buhay ko.
Mahigit dalawang linggo na rin akong namomroblema dahil lagi akong pinupuntahan nung babae at may binibigay na offer.
Masaya akong naglakad sa isang fast food na paborito ko at umorder.
Mukhang nagsawa na iyong babaeng sunod ng sunod sa akin dahil hindi pa rin ako pumapayag sa gusto niya.
In fact, gustong gusto ko talaga yung offer niyang may kasama pang house and lot. Pero kasi napamahal na ako sa company ni Mr. Salavera. Napamahal na rin ako sa kanya.
Hehe. Shempre crush lang. Ang gwapo kasi niya talaga kaso hindi niya ako kinakausap kahit pa ako ang sekretarya niya. Kahit kailan nga hindi iyon tumingin sa mata ko at sa iba pa niyang empleyado. Hmp.
Hindi niya pa nga ata alam kung ano itsura ko eh. Ah basta! crush ko siya kahit na di niya ako kinakausap.
Pagkakuha ko ng order ay naghanap na ako ng magandang pwesto para sa akin at umupo. Habang kumakain pakiramdam ko may mali.
I look at my food. Hindi kaya may lason ito? Bakit ako napapraning?
Or dahil ba hindi na ako sinusundan nung babae kaya pakiramdam ko may kulang?
Napailing nalang ako sa pakiramdam ko at kumain nalang ngunit sadyang malakas ang pakiramdam kong may kakaiba kaya tumingin-tingin ako sa paligid at nagulat akong may lalaking nakangiti sa akin.
Muntik pa akong masamid dahil sa ngiti niya. Napalingon ako sa likod ko dahil baka assumera lang ako na sa akin siya nakangiti pero walang tao sa likod ko, tanging ako lang at siya ang nasa side ng fast food na ito.
Shit. Mukha siyang model for pete's sake. His high fade textured quiff hair, pointed nose, and... And... his lips na mas mapula pa sa labi ng mga babae shit!
Napakurap ako ng maramdaman kong papalapit siya sa akin. Oh God! Dapat hindi ako nagpapadala sa kagandahan ng mukha! What if kidnapper or rapist or whatsoever na mapanganib siya?
Dala-dala niya ang pagkain niya at inilapag sa harap ko ito. Ang tangkad niya mygoodness.
"Hi," The guy said and sat in front of me. Still smiling.
Bigla akong hindi makagalaw. Fck I love his teeth... Also his natural reddish lips.
Napailing ako. Hindi pwede. Kahit pa sobrang gwapo niya bakit wala siyang paalam na maupo sa harap ko?! Hindi ko siya kilala. Baka nga talagang kidnapper siya.
"Uhm, do I know you?" Pilit kong tinatatagan ang boses ko habang nakatingin sa mata niya.
Pakiramdam ko malulusaw ako kung paano niya ako tignan, I'm drowning in his hazel eyes. Instead, I just look at his eyebrows nalang para hindi masyadong halata na nagagwapuhan ako sa kanya.
Pamilyar ang mukha niya, nakita ko na ata kung saan?
Ngayon lang ako nakaramdam na parang may kumikiliti sa tiyan ko. Ito ba yung sinasabi nilang love at first sight? Gosh. Hindi ko pa nararamdaman sa Boss ko ito. Never niya naman kasi ako tinignan sa mata. Malay mo ganto rin feeling nun. Hay, napaka landi ko talaga.
"I'm Pierce, pwede bang makiupo kasama ka?" Wala sa sarili akong napatango. Shit, the way he talk... It feels like I'm really in wonderland. And his scent shit. He smells like a baby. Oh God. Bakit niyo ako biniyayaan ng kasama na ganito? Perfect na perfect sa akin!
BINABASA MO ANG
Ghost Of You
AkčníSome people are real. Some people are good. Some people are fake. But some people are just like her, real good at being fake. Because she seek for revenge. Vengeance is the only answer to justify the death of her parents. She's Natalia Osbourne, th...