II- Si Luisa

7 0 0
                                    

1993 at ang ating bida ay nagiisip ng masasayang bagay sa mundo. Ano nga ba ang naiisip ng mag-a-anim na taong batang musmos? Toblerone? Makapaglaro ng matagal sa ulan, matalo si M.Bison sa Atari game na Street Fighter, maranasang sumakay sa elevator ng mag-isa, magkaroon ng maraming pera para makabili ng pellet gun at barilin ang mga manok sa bakuran, makakuha ng jackpot na pera sa "Araw-araw Cheese Curls", tirisin ng bolpen para manganak at dumami ang nabiling kisses, makabili ng isang pakete ng "Chocobot" na ngayon ay "Choc-nut" na,... at siempre ang payagang makapagbrief sa eskwela.

May kalayuan ang pinapasukan ni David kaya hindi siya umuuwi tuwing tanghali. Maaga pa lamang ay ipinagbabaon na siya ng maluto para sa pananghalian. Madalas ay pritong itlog, nilagang itlog, scrambled egg, sunny side up, tortang talong with egg, hotdog with egg, itlog na maalat, egg omelet at minsan naman ay pork chop ang baon nya. Buti na lamang at hindi itlog ang nkukuha niyang marka sa eskwela.

Sa tuwing lunch-break ay nakikituloy siya sa malapit na bahay ng isa niyang kaklase mula sa school. Pagkatapos kumain ay naglilibang ito at halos magka-beke sa pagihip ng plastic balloon, halos kumapal ang dumi sa kuko sa kalalaro Hulk-Hogan Action Figures at sa kakapitik ng "teks" kasabay ng amoy gomang braso sa dami ng lastiko na kanyang suot-suot. Wari'y libang na libang, walang iniisip at puro saya lamang.

Isang umaga, tahimik na tahimik ang lahat habang may nag-o-observe sa klase ng ating bida. English ang subject nila at story-telling ang tema. Wari mo ay gifted child ang ating bida at panay na panay ang sagot sa bawat ibatong tanong ng kanyang guro. Di umano'y naging accelerated ang pakiramdam sa pagkahilig nito sa English. Wala naman syang ibang hinangad at hindi dahil sa makukuha nyang grade kaya todo taas ang kamay nya. At gayun nga ay nabansagang "most cooperative pupil" ang bata. Natapos na ang klase at umalis na ang mga supervisor na nagmasid. Walang anu-anoy halos nanlaki at halos magtatalon ang bata ng tinawag sya ng guro. Iwinagayway ang kulay berdeng papel na may mukha ni Emilio Aguinaldo. Tama! Nakatanggap ng reward ang ating bida mula sa guro - limang pisong buong papel. Walang kasing-ning-ning ang kislap ng kanyang mga mata habang inaabot sa kanya ang reward mula sa guro, reward na dahil sa aktibong partisipasyon sa recitation. Hindi nya akalaing sa pagpapacute niya sa isang kaklase ay magkakaroon sya ng limang piso- kay Luisa.

Si Luisa, ang babaeng nasa Row 2. Ang may nanay na walang sawang sumipsip sa guro at magregalo ng plastic na planggana, plastic na tabo, plastic na timba at kung anu-ano pang plastic na magagamit sa classroom para lamang mailagay ang anak sa Row 1.

Si Luisa, ang babaeng walang sawang tinutuksu-tukso araw-araw dahil sa nanay nyang sipsip. Halos memoryado na ng mga kaklase ang bawat kulay ng panty nito. Pano ba naman? Walang araw na hindi malimutan na buklatin ang palda ni Luisa sabay takbo at sabi ng "Habulin mo ako!".

Si Luisa, ang babaeng palaging naka-headband ng hello kitty, sobrang payat, may chinitang mata, may matamis na tinig at mala-Sandara Park na mukha.

4:30 na ng hapon, karipas na sa takbo ang bida patungo sa tindahan upang subaybayan sina Wendy at Peter Pan. Sino nga ba ang di makakalimot sa bawat pangarap ng bata na lumipad. "If you think happy thoughts you will fly", sinong makakalimot sa linya ni Peter Pan at sa NeverLand? Si Luisa, ang naging Wendy sa buhay ng mala-Peter Pan na pagiisip ng batang si David. Walang problema, puro saya, libang na libang, di nagugutom, walang iniinda, walang pait o poot, walang panghuhusga, at walang pagiimbot.


Palibhasa BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon