Naputol ang mala-Dream World at mala-DreamWorks na ugnayan ni David at ni Luisa. Tulad ng isang ice candy na pinagsasaluhan ng dalawa tuwing recess na tinda ng guro sa kabilang section, iisang ice candy na ang flavor ay grapes o orange na tinimplang KOOL AID JUICER, sipsip dito, sipsip ko, sipsip nya.- tila naubos na. Wala ng paldang mabubuklat tuwing umaga. Wala ng mahihingian ng papel tuwing magpapasagot si Ma'am ng addition at subtraction exercises. Wala ng kasabay sa panunuod ng Peter Pan sa katabing tindahan ng paaralan. Wala na, wala na.
Dahil sa may kalayuan ang unang pinasukan, minabuti ng kanyang ina na ilipat na siya sa mas malapit na paaralang elementarya. Excited na siyang pumasok. Parang binata na ang asta suot-suot ang asul na sapatos na Adidas bili sa Uniwide at ang pinagmamalaking karson. Sa wakas, di na siya mahihiyang makipaglaro ng sipa tuwing nawawarak ang shorts nito. Sigurado na siyang walang dudungaw tuwing mabubutas ang salawal sa sobrang paglalaro o pagsusuot sa kung saan-saan.
Pero sino nga ba si Mary Jane sa buhay ni David? Siya iyong babae na palaging nasa row 3 nung grade 3 sila. Siya ung babae na may palaging baong junkfoods pag tanghali. Paborito niya ung CLOVER, SNACKU at pink na BOY BAWANG na palaging nilalagyan ng suka.Meron din syang malaanghel na mukha na wala na masarap titigan na wari ba'y mabubusog ka na maaninagan lang ang kanyang matamis na ngiti na sintamis ng RICHEE. May maliit na nunal sya sa kanang pisngi sa baba ng kanyang mata. Medyo kahawig nya si Anne Curtis nung bata pa at ung babaeng bida sa Magic Temple. (Insert here kung kilala nyo sya.) Hindi naman sya katalinuhan ngunit sya ang MUSE nila nung Grade 2.
Isang tanghali bago maglabasan. Tumayo ang aming guro at sinimulan ang orasyon at dasal sa tanghali bago mag-uwian. Sa ngalan ng ama, at ng anak, at ng...ng.... MAGSI-U-PO ang lahat. "Bakit po ma'am?" tanung ng mga kaklase ko. "Sino sa inyo ang umutot?" Syempre, kanya-kanyang tanggihan ang mga eskwela." Umasa ang guro na mawawala rin ang nakakasulasok na pinagsamang panghi at pait na amoy. Dumaan ang limang minute at hindi pa rin ito nawawala. Nagpasya ang guro na patayuin ang bawat ROW upang malaman kung ano o saan ang pinagmumulan ng amoy na iyon.
"Row 1, tayo!" Agad umangat ang puwet ni David at sobrang attentive na sinabing, "wala po ditto ma'a,"
"Row 2!" Agad nagsitayuan ang mga kaklse ko mula sa Row 2. Napansin namin si Mary Jane na nag-i-isang nakaupo at tila nagbibingi-bingihan. "Hoy, Mary Jane. Tumayo daw Row 2!"
Ma'am. Ma'am. Si Mary Jane po ay tuma....
W
BINABASA MO ANG
Palibhasa Babae
HumorIto ay ilan sa aking mga karanasan na aking sinuyod mula sa mga babaeng nagpatingkad ng aking buhay mula noong sobrang liit ko pa lamang. Nawa'y hindi man sapat ay naibahagi ko ang aking kakayahang magkwento at makapagpasaya o makapagpangiti man lam...