Gaano nga ba ang sakit nang malaman mo na hindi lang ikaw ang nagiisang lalaki sa buhay nya? Gaano nga bang luha kapag nalaman mong hindi lang ikaw ang ka-txt nya sa halos gabi-gabi mong paguubos ng 300 pesos na load sa celphone na hihiram mo lang sa tatay mo? At gaano nga bang kirot na sa tuwing magkikita kayo ay hindi kayo naguusap ng personal at kung anung kulitan nyo sa txt ay syang tahimik nyo sa loob ng klase?
Nakasalamin. May perpektong kono ang dibdib na tulad ng Bulkang Mayon. Tititigan mo pa lamang sya ay wari mo'y mauuna ka pang sumabog kesa sa tunay na bulkan. May personalidad na kayang lumamon sa pinakamayabang at pinakagwapong lalaki sa aming campus. Isa sya sa aking minsa'y hinangad na mapasa-akin.
Ano nga bang merun sya na hinihigitan ang tunay na mga dyosa sa aming eskwelahan? Hindi naman sya ganun katalino at kaganda pero ang ngiti nya ay ibang-iba. Siguro dagdag na din ung kawad o "braces" sa ngipin nya na parang may dasal. At ang boses nya na tila anghel na kinikiliti-kiliti sa isang kwarto tuwing sya ay tumatawa. Parang lahat yata ng lalabas sa akin ay lumalabas sa tuwing sya ay tumatawa sa eskwela. Hindi mabilang ang mga lalaking nagtangka at sumubok na manligaw sa kanya. Halos bawat lingo ay iba-iba ang sa hapo'y naghahatid pauwi sa kanya -may basketbol varsity player, may top one sa eskwela, may higher year at lower year, may mayaman, may mahirap, may maputi at may maitim.
Nung 4th year ako, hindi rin ako angpahuli sa mga sumubok manligaw sa kanya. Bukod sa palaging pagubos ko ng 300 pesos load sa pagttxt sa kanya gabi-gabi, sinubukan ko ring ihatid sya pauwi pagkatapos ng eskwela. Parang kampana ng simbahan at lindol sa Baguio na may density 9 ang kaba sa dibdib ko. Parang tsunami at flush-flood ang agos ng pawis ko sa kamay at kili-kili sa paghahatid ko sa kanya. At parang alas-3 ng madaling araw ang tinig ko. Hindi naman ako paos o bingot pero nalaman ko na ako pala ay isang torpe. Oo! Ako ay isang torpre. Ni isang salita ay wala akong masabi. Halos mabingi na lang sya sa aking katahimikan sabay ng halakhakan ng dalawa kong bespren na sumusunod sa likod ko habang naghahatid ako. Wala akong masabi. Wala din akong naisip na sabihin. Hindi ko masabi na "uy, ang ganda ng labi mo, ang cute ng mga mata mo, ang sarap mong tingnan, siguro masarap ka ding hawakan?".
SA huli ay wala. Talagang wala akong nagawa at napala.
BINABASA MO ANG
Palibhasa Babae
HumorIto ay ilan sa aking mga karanasan na aking sinuyod mula sa mga babaeng nagpatingkad ng aking buhay mula noong sobrang liit ko pa lamang. Nawa'y hindi man sapat ay naibahagi ko ang aking kakayahang magkwento at makapagpasaya o makapagpangiti man lam...