IV- Si Daisie

5 0 0
                                    




Sabi nila, hindi daw biro ang tamaan ng pana ni kupido. E malay ba naman ng grade 5 kung ano ang pakiramdam ng nai-inlab di ba? Basta ang masasabi ko lang. Hindi talaga ito biro. Lalo na at 15 pesos lang ang baon mo araw-araw. Lalo na at feeling mo sobrang bata ka pa at madami pang pwedeng mangyari. Sabi nga ni Daisie, " naku, madami pa syang makikilala at madami pang pwedeng mangyari sa highskul at college kaya hindi kami pwede pang maging magjowa". Tama si Daisie. Sa murang edad ay ganun din naman ang naiisip ni David. Pero pano kung nararamdaman mo na nagwawala, nagtatatalon at yumayanig ang puso mo't dibdib tuwing niloloko kayo ng guro na- "uuy! bagay nga kayo".

Mahabang buhok na medyo kulot, kayumanggi, may matapang at makapal na kilay na bihira bumabagay sa babae ngunit bagay na bagay sa kanya, masipag mag-aral, mabait, gusto lahat ng kanyang kaklase, mahinhin magsalita at kumilos. Ilan lamang yan sa mga katangian nya na nagustuhan ko. Ewan ko bas a tuwing nakatingin ako sa kanya ay palaging pinagpapawisan ang mga palad at kili-kili ko. At tuwing kakausapin ko sya ay puro kalokohan at kayabangan ang nasasabi ko. Hindi ko man lang makuhang makipagkaibigan man lang o makapagkunwari na hihiram ng bolpen, manghihingi ng papel at mangungutang man lang. Basta ang alam ko, isa sya sa mga babae na nagpasaya ng buhay ko lalo na noong ako'y grade 5.

Isang Sabado ng tanghali- birthday ko noon at kasalukuyan akong hinahasa ng aking guro para sa gaganaping "quiz bee". Ganap ng ika-labindalawa ng tanghali ngunit hindi pa aq pinapauwi ng titser ko. "Mam, birthday kop o ngaun. May tanghalian po kmi sa bahay". "Ganun ba?, Hala sige, Happy Birthday at goodluck sa contest sa lunes".

Paguwi ko noon ay madaming tao sa aming bahay. May mga kalderong nakalagay sa mesa na may lamang spaghetti, pansit-bihon, sopas at cake na dala-dala ng aking mga kaklase. Halos hindi ko maipaliwanag ang saya na naramdaman ko dahil iyon ang unang beses na nakaranas ako ng may nang-surpise sa akin. Masayang-masaya rin ang aking mga magulang at may handa din pala silang SELECTA ice cream para sa akin.

"David! David!. Hali ka at tayo sa parang". Akala ko naman ay kung ano lang at maglalaro kami sa parang. Andun kami sa parang n dalawampu kong mga kaklase. Sa aming parang ay may malawak na carabao grass at mga puno ng niyog. Malaya kang makakatakbo, makakatumbling, makakapaglaro at magagawa ang lahat ng gusto mo.

Walang anu-ano'y mayroon silang ipapakita sa akin. Sa mga sako ng niyog ay may natatakpan na tila isa pang surpresa. One, Two, Three! Si DAISIE'y biglang lumabas na tila isang wish na ipinagkaloob ng Genie. Halos masiraan ako ng bait tuwing aking maalala ang saya at katatawanan na naramdaman ko noon. Ang babaeng crush ko noong grade 5 ay dumating sa aking surprised birthday party na nakabalot sa sako. :)


Palibhasa BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon