I- Si Roan

141 0 1
                                    

Palibhasa, Babae!

Mula sa Akda

Story-telling is a fundamental need of both a human being and being a human and helps us discover and understand the world. Hindi ba tayo nagtataka kung bakit sangkatutak ang dami ng mga tsismoso at tsismosa san man lupalop ng mundo? Nagkataon lamang na ang mga pinoy ang obvious na obvious kung maka-chika ever. Sang-ayon sa Psychology, ang pagkukuwento ay isang uri ng malalalim na komyunikasyon ng tao.

Ang sumulat ng aklat na ito ay naglalayon na sa pamamagitan ng pagkukwento ay makabuo komunikasyon sa mga future readers ng aklat. Hindi man makahipo ng puso e may ilan na makapansin kung may mga kapare-parehong kwento man  pangyayari sa kani-kanilang buhay.

Hindi naman nilalayon ng akda na kumita ng salapi o maging sikat na manunulat. Hangad lamang nya na mapagtagumpayan na masuri mula nung una ang isa sa mga pinakamalaking bahagi ng buhay nya, buhay na umikot sa pamagat ng kuwento

na

"Palibhasa, Babae!  "

Hindi din biro na maisipan ng tao na sumulat ng kwento at gawin ito dahil lamang sa inspirado sya. Maaring nagawa nya ito dahil sa sobrang gusto nya malaman kung sino nga ba talaga sya at naalala nya ang paboritong kasabihan mula kay Socrates the "Know thyself".

Maaaring may pagkakahawig ang kwentong ito sa ilang aklat ni BobOng at sa style ni Ramon Bautista. Ito lamang ay nangangahulugang nakakuha ng ilang ideya ang may akda na pede palang ibahagi ang kanyang kwento sa pamamagitan ng pagsusulat.

Ang lahat ng bahagi ng aklat na ito ay mga pawang katotohanan at hango sa tunay na buhay. Maaring ang mga pangalang ginamit sa kwentong ito ay mula sa tunay na buhay o pwede ring gawa-gawa lamang upang maitago o kaya mapatamaan sila sakali mang magbabasa nila ito.

I - Si Ro-an

Umpisahan natin ang kwento ni David. Si David e fresh na fresh mula sa Day Care Center. Katatapos lamang niyang i-enrol ng nanay nya sa isang malayong paaralan dahil hindi sya tinanggap sa katabing elementary school sa kanila. Masyado pa raw kasing bata si David para sa Grade 1. Nagkakataong pa-anim na taong gulang pa lamang siya sa January. Nagkataon na kakilala ng nanay nya ang prinsipal sa ikalawang eskwelahan kaya tinanggap naman sya agad dito.

Sariwang sariwa pa sa alaala nya ang graduation nya nung nag-summer day care school siya sa isang Iglesia ni Kristo day care center. Galit na galit si David ng araw na hindi water-gun ang laman ng regalo nya nung graduation na yun tapus lahat ng kaklase nya ay nilalaro ang water-gun gun nila. Walang nagawa si David kung hindi buksan at kainin ang lamang Pretzel box na regalo mula ng tatay nya. Patingin-tingin na lamang ang nagawa nya habang inggit na inggit siya sa mga kaklase. "Bakit ba hindi water-gun ang binigay sa akin ni tatay?"

Unang araw ng pasukan sa grade 1. Naaalala ni David ang sobrang aga ng gising niya. Sobrang lamig din ng tubig na ipinaligo ng kanyang tatay. Yung tipong nanginginig ka na sa lamig at madiin ang pagba-brush ng mga kuko mo sa paa. Tuwang tuwa siya ng makita ang bagong kaking shorts na pamasok ngunit biglang natakot at nahiya ng nalamang wala pa din siyang bagong brief. Papasok siyang wala pang brief e grade 1 na siya. Hindi nya ito masyadong pinansin at excited nga sya sa pagpasok. Ang batang si David, pumasok sa grade 1 suot ang bagong kaki, puting t-shirt, rubber shoes na binili noong pasko, at higit sa lahat, walang brief kasi grade 1 pa lang daw at di pa naman malu-lus-lusan paliwanag ng kanyang nanay.

Sa unang araw ng eskwela, tahimik na tahimik ang classroom ni David dahil kabilang siya sa isang pilot section na tinatawag sa isang sinasabing number 1 school sa isang ciudad sa kanila. Strikto daw at magaling ang kanyang adviser kaya ang bawat mga anak ay pinagsabihan na ng kanilang mga magulang na magtino at maging mabait sa teacher nilang si Mrs. Lonoza.  Sa unang araw pa lamang ay nagbigay na agad ng pagsusulit at guro upang masukat ang kaalaman ng mga bata. Si David, ang ating bida ay simula pa lamang ay tapus nang gawin ang ipinagagawa ng guro. Puro lamang daw pagkukulay ang gagawin, napakasimple at walang thrill ang sabi nya. Samantalang ang mga kaklase nya ay hirap na hirap tapusin at kopyahin ang buong pangalan nila na kinokopya pa sa baong karton o namecard na dala-dala nila.

Sa oras na iyon, nagiisip si David kung bakit tingin ng tingin ang katabi nyang babae. "Anung kulay ng araw?" tanong ng katabi nyang negrang babae. "Blue!", ang walang-hiyang pahamak at mapan-linlang na sagot ni David. Nasa isip nya na dahil nasa pilot section siya ay hindi siya magpapakopya. May pagkachallenger ang puta. Walang duda na maaring maging politiko, pastor, pulis o presidente si David, may pagka-magulang at tuso.

Matapos ang maikling pagsusulit at ang tahimik na paghagalpak ng tawa ni David sa ginawa nya sa kaklase ay excited ang bata sa kanilang recess. "Wow!, dami kong mabibili sa baon ko." Kinse pesos na baon ni David, tuwang tuwa sya at sarap na sarap sa tindang flying saucer sa labas ng eskwelahan. Sobrang dami ng bumibili dito at di magkawatan ang pila. Halos magalit na nga ang principal at nang panahong iyon ay napag-pasyahan na pagbawalang bumili ang mga bata sa labas at sa School Canteen na lamang ang pwede. Kawawang magtitinda na nakatricycle na may sidecar, siguradong nawalan ng malaking kita. Masarap pa naman iyon at mura. Napakalinamnam ng palamang giniling na karne at nakakatuwang panuorin kung paano maghugis UFO ang tinapay kaya ito tinawag na flying saucer kapag iniipit na ang monay at nagiging hugis platito.

Natapos na ang hapon at alas kwatro na. Sobrang tahimik sa loob ng klasrum. Isa-isang pinapalabas ng guro ang mga bata habang nagaabang sa bintana at nakasilip ang mga magulang upang sunduin ang mga anak. English spoken si ma'am sa isip ni David. Lagi na lang nage-English si ma'am. Unang pinalabas ang Row 4 kasi sila ang pinakatahimik. Kasunod ang Row 3 at Row 2. Hindi ni David alam ang ibigsabihin ng "ROW". Matalino ang bida kaya napaupo sya sa ROW 1.

"Ok, All in ROW 1, You may go." Sabi ng guro. Hindi kumilos si David wari'y di nakakaunawa. "Row 1, you may go!. Paguulit ng teacher. Wala pa ring kibo si David. Habang pinapalabas ng guro ang lahat ng nasa Row 1, naglalaro sa isip ni David ang anak ng kanyang kapit-bahay na si "ROAN". Si Roan sa mata ni David noong siya ay bata ay isang pangit, mataba, may malaking mata at mala-aswang na itsura. Yung tipong kinatatakutan nya. Hindi makapaniwala si David na madaming "ROAN" ang may kaparehong pangalan sa mga kaklase nya.

Tinawag si David ng kanyang guro dahil nagiisa na lamang siya sa kanyang classroom. "Ikaw? Are you not in ROW 1?"  "Ma'am, di po ako si ROAN" sagot ng bata, sabay pasok ng kanyang tatay na nagmamasid pala sa bintana at sumesenyas na lumabas na ito.

"Ma'am, hindi po ako si ROAN!", ang paulit-ulit na sagot ng bata.

itutuloy.... 

Palibhasa BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon