Chapter Two

152 10 1
                                    

Rhaimie's POV


5 days after the wedding bumalik kami ng Manila. Doon kasi umiikot ang buhay naming lahat , ahy ako lang pala at magulang ko. Kasi si Joshua ang buhay niya ay tanging sa Bicol lang.

Bumalik ako kasi may resposebilidad pa akong dapat harapin. May mga pagkukulang akong dapat punan sa unibersidad na pinapasukan ko. Marami na akong mga absences na dapat punan. Maraming gawain na dapat ay ginawa ko na bilang isang mag-aaral.

Pagdating ng Manila. Sa una okay naman. We still live in my parents home. Since hindi naman madalas sa bahay ang magulang ko, minsan naiiwan kami sa bahay. He help me preparing our food minsan. He even help me washing our clothes. He even volunteer to wash our dishes we used. Basta sa first week namin sa Manila sobrang okay. Sobra. Sobra. Wala na akong mahihiling pa.

He is so sweet and thoughful. Gentle and sobra sobrang dream come true para sa akin. Lahat nasa kanya na.

Marami akong nalaman sa kanya. Independent siyang tao at hindi umaasa. Kaya lahat ng gawain ay alam niya. Hindi niya inaasa sa maids ang kakainin at lalong hindi umaasa sa pagpapalaba. Sobrang nakaka hanga for a guy na alam lahat pati gawaing bahay.

To be honest, hindi ako marunong ng maring bagay. I know how to cook naman, pero hindi ako naghuhugas ng plates or basta may kinalaban ang sabon. Basta nakakapagod hindi ko ginagawa.

Paglalaba? I do a little, just my undies. Cleaning? Its just my room not the entire house. Nakakapagod at ayaw ko na napapagod ako. Mabilis lang talaga ako mapagod.

But now that I'm married I need to adjust. Lalo na sobrang layo ng mga experences namin at lalong sobrang magkaiba kami ng kinasanayan. Ngayon I tried to do more house chorse than before.

Basta lahat ng hindi ko ginagawa ay ginawa ko for him. Ginawa ko lahat para maging responsibling asawa. Para hindi naman nakakahiya sa kanya.

Tuloy ang buhay ko, kasama siya. Pero dumating yung araw na nagpaalam siya. He need also to be back sa buhay niya. He invited me to go with him, pero Bicol is so far from my life. I'm still studying and hindi ko pwede bitawan ng basta basta.

"Sandali lang ako doon. Visit lang muna. Tapos uuwi din agad ako dito. Ayaw ko na nalalayo sayo, kaya bakit ako magtatagal." pangungumbinsi pa niya sa akin. Syempre ayaw ko naman maging maramot. Buhay din naman niya yun at pamilya din niya ang bibisitahin niya.

"Eh, ikaw. Ikaw bahala. Basta sa akin ayos lang, sabi ko naman basta tutuparin mo ang pangako mo. Magtitino ka dun at hindi makakalimot agad. Ayos lang sa akin, kaso kailangan mo magpaalam kila mama at papa." sabi ko naman. Labag man sa kalooban ko pero pinayagan ko. Baka kung ano pa sabihin.

Wala pa kaming 1 month na kasal, pero pinayagan kong umalis. Ayaw ko naman na talian siya sa tabi ko syempre may buhay din siya. In right time magsasama din kami ng maayos. Yung tipong may oras ako sa kanya at may oras din naman siya sa akin.

"Nahihiya ako, magpaalam kila mama at papa. Ikaw na lang kaya magpaalam para sa akin? Pwede ba yun?" paki-usap pa niya sa akin.

"Samahan na lang kita. Ayaw ko naman na ako lang ang humarap sa kanila para magpaalam. Eh, ikaw naman itong aalis diba?" sabi ko pa sa kanya. Ewan ko ba dito. Matapang siya kung tutuusin pero tiklop din naman sa pagpapaalam sa magulang ko.

"Sige na please 😁. Favor mo na lang sa akin. Huh 😯😄" pagpapa kyot pa niya.

"Okay. Babanggitin ko pero magpapaalam ka ren ha?" sagot ko naman. Tumango naman siya.

"Life is not that easy"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon