Chapter 5: The Flashbak of Catrinne and Joshua

736 23 3
                                    

Catrinne's POV

"Catrinne! Catrinne gumising ka." May gumigising saakin

Pag bukas ko ng mga mata ko ay nakita ko kaagad si Joshua na hawak hawak ang mga braso ko. Nang makita nya akong dumilat ay agad nya akong niyakap ng napaka higpit..

"Thank you sa pagsagip sakin. Salamat nang marami." Sabi nya 

Tumingin lamang sya saakin nang diretsyo sa mga mata ko.

Flashback....

Pagkatapos ng mga pangyayari sa Hauted school ay naging mag higit pa sa magkaibigan ang lagay ng relasyon namin ni Joshua. Araw-araw ay magka text kami at lagi naming kinukumusta ang isa't isa. Mula MU hanggang magkasintahan na.. Feeling ko nga nung panahon na 'yon, kami na ang pinakasweet na magkasintahan sa buong mundo. Hanggang sa nag karoon na ng Problema. Mga panahon na napaka immature kong kasama.

Pinuntahan ko sya sa kanilang bahay para sorpresahin sya pero wala sya doon. Sinubukan kong tawagan pero hindi rin sumasagot. Habang naglalakad papalabas ng subdivision nila ay nakita ko syang may kasamang babae sa park. Agad ko naman silang ilapitan.

"Hello there" panira kong sinabi sa happy moments nila

Sabay silang lumingon at napatayo. 

"Catrinne. This is Shaine. My classmate when I was in 4rth grade." Sabi ni Joshua

"Nice to meet you Catrinne. I'm Shaine. Joshua's friend." Sabi ng babae habang naka abot ang kamay nya sakin

All I did is inirapan sya at tinignan sya mula ulo hanggang paa.

"Joshua's GIRLfriend. I'm sorry but hindi ba namention sayo ni Joshua na selosa ako?" Sabi ko at tumingin ako kay Joshua "at kaya pala di mo masagot ang tawag ko kasi may kasama ka pala." Sabi ko naman kay Joshua

Hindi na sya umimik.

After that moment, medyo naninibago na ako kay Joshua at lagi na nya akong tinatawagan at hindi ko sinasagot. Lagi na kaming nag aaway sa mga maliliit na bagay. Karamihan sa away namin ay tungkol sa babaeng nakita ko sa park. Araw-araw na kaming nagtatalo dahil sa kanya. Hanggang sa isang araw...... nag text sya.

"We need to talk. Meet me at the park." Text ni Joshua

Pag punta ko ng Park ay nag-iisa syang nakaupo sa duyan.

"I'm busy, what do you want?" Agad kong sinabi

"Pinapauwi ako ng Japan." Sabi nya habang naka yuko

"My God Josh! Last time ata na nag kita tayo ay may kasama kang babae na di kopa nakikilala! Tapos etong second time na pagkikita natin, sasabihin mo sakin na uuwi ka ng Japan?! So ano? Wala ng halaga tong relasyon natin ganon?!" Sabi ko

"I tried to call you a million times! You know that!" Sabi nya

"Akala ko ba maiintindihan mo ko kapag ginawa ko yon? 'Di ba obvious na nag tatampo ako? Bakit ganyan ba kayong mga lalaki ha? Bakit ganyan ka hirap sa inyo ang intindihin kaming mga babae?!" Sabi ko

"Iniintindi naman kita ah? Pero you're the one who's shutting me out! Pano pa kita maiintindihan?! Lagi nalang tayong nag-aaway! I love you Cat but I've had enough"

"Ah! So yan ang dahilan kung bakit ka aalis? Dahil lang sa hindi moko maintindihan?! Ang babaw mo Josh! So anong gusto mong mangyare ha? Maghiwalay nalang tayo?!"

"Siguro nga yun ang mas makakabuti para satin kesa naman sa araw-araw tayong nag sasakitan at nagsisigawan. "

Bigla akong nagulat sa mga sinabi nya.

The Haunted School PART 2 (Obsessed Of Killing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon