Chapter 6: Dolls

782 23 6
                                    

Joanna's POV

Na ccreepy-han na ako sa matandang 'to. Parang mas mabilis pa kaming mapagod sa paglalakad kaysa sa kanya. Pero hindi ko pa din talaga alam kung papaano sya nakapasok sa loob ng van. Di na rin dapat siguro ako nagtataka dahil nakakita nga naman kami ng multong gustong akitin si Joshua kanina. Pero tama si Catrinne, baka nga ito ang tamang gawin.

"Ms. Tonia?" Sabi ni Eman

Lumingon si Ms. Tonia nang tawagin ito ni Eman.

"Are we there yet?" Sabi ni Eman habang hinihingal

"Wag kang mag alala. Malapit na" sabi ni Ms. Tonia habang naka ngiti

Habang papalapit na kami sa destinasyon namin ay pabilis naman nang pabilis ang tibok ng dibdib ko. Hinawakan ko lang ito at napansin naman ni Sean na parang problemado ako kaya hinawakan nya ako sa balikat at tinanong kung okay lang ako. Ngumiti lang ako pero sa totoo lang parang ang bigat na ng katawan ko. Hindi ko alam kung katawan ko lang talaga ang may problema o may kinalaman ba ang matandang sinusundan namin sa nararamdaman ko. Maya maya ay tumigil na sya sa paglalakad.

"Nandito na tayo." Masaya nyang sinabi

Lahat kami ay napa tigil sa harap ng bahay ni Ms. Tonia

Bahay nya yan?!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bahay nya yan?!

Yung totoo?!

May ganito sa gubat?!

"Diyan ho kayo nakatira?" Sabi ko

"Maganda ba?" Sabi nya sakin habang naka ngiti

"No offense but...." hindi pinatapos ni Sean si Eman magsalita.

"Ilan ho kayo dyan nakatira?" sabi ni Sean

"Wag kayong mag alala. Ako lang ang naka tira diyan." Sabi nya habang naka tingin sa napaka laking bahay "Tara pasok kayo."

Nauna syang naglakad at sumunod naman kaming lahat. Ang daan ay puno ng patay na dahon at sa dami nito ay may mga daga narin. At puno ng sapot ang bahay. Sira sirang dingding sa ilalim at bubong. Kumupas na itim na kulay ng bahay. Napakalaki na hindi mo aakalaing may ganitong bahay na nakalagay sa ganitong klaseng gubat kaunti na lamang ay halos nababagay na ang itsura nito sa nakakatakot na gubat.

"I have a baaaad feeling about this Joanna." Bulong ni Eman sakin

"Wag kang mag alala Eman. Sama sama naman tayo eh."

Nung papasok na kami sa loob ay sa tabi nito ay ang napakalaking puno na pag hihinalaan mong may kapreng naka tira sa sobrang laki.

Nung naka pasok na kami sa loob ay may mga madudumi syang mga manika na naka kalat kahit saan. At halos lahat ay kamukha pa ni Anabelle. May babae at lalaking mga manika. Hindi naman ako natatakot sa mga manika pero pag marami na sila at mga kamukha pa ni Anabelle,ewan ko ba. Nagiiba tingin ko sa kanila.

The Haunted School PART 2 (Obsessed Of Killing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon