Chapter 10: The Dream

1K 44 47
                                    

Third Person Point of View

Nagising si Arabela sa kanyang narinig na ingay sa labas ng kanyang kwarto. Agad nyang binuksan ang pinto nya at nakita nya si Aron na nag liligpit ng gamit.

"Oh, ang aga pa ah?" Mahinang sinabi ni Ara dala ng kanyang antok

Tumingin ito sa kanyang orasan at nakita nyang alas otso pa lang ng gabi. Di naman nagtagal ay lumabas din si Cara sa kanyang kwarto.

"Ba't ang aga nyong gumising?" Sabi ni Cara

"Nagising lang din ako dahil dito kay Aron eh." Sabi ni Ara

"Kailangan na nating umalis agad dito." Nag mamadaling sinabi ni Aron sa dalawa habang nag-iimapke.

"Ha?? Bakit?" Sabi ni Ara

"Aron? May problema ba?" Sabi naman ni Cara

"I think... I think alam kona kung nasaan sila Joanna at Sean." Seryosong sinabi ni Aron

Agad namang nagulat at nagising ang dalawa sa sinabi ni Aron.

"Ha??? Papaano mo naman nalaman?? At saan??" Sabi ni Ara

"Hindi na Impirtante 'yon. Ang impirtante ngayon ay mahanap na natin sila." Sabi ni Aron

Nag impake na rin ang dalawang Dalaga. Maya maya ay umalis na sila sa kanilang tinutuluyan at nagsimulang maglakad sa napakaagang oras.





...............




"Sabihin mo nga sakin? Ano bang nangyayari sayo ha? Bakit bigla ka na lang nagkaganyan?" Sabi ni Ara kay Aron

Ngunit hindi ito pinansin ni Aron at iba ang kanyang sinagot.

"Dito tayo." Sabi ni Aron habang naka turo sa kaliwang daan.

"Aron! Seriously. Hindi ka na namin maintindihan. Pano ka naman nakakasiguro na tama 'tong mga dinadaanan natin ha?" Sabi ni Ara

"Guys, medyo kumakalam na yung tiyan ko... Pwede bang kumain muna tayo bago ulit maglakad??" Sabi ni Cara

"I think Cara is right. Kumain muna tayo. Anong oras na oh? Gabi na. Isang oras pa lang tayong nakatulog eh." Sabi ni Ara

"Aron. Paki explain naman kung bakit bigla na lang tayong umalis ng apartment kahit isang oras palang tayong nandoon??" Sinabi ni Cara

Tumigil sa paglalakad ang tatlo at huminga si Aron ng malalim at saka tumingin sa dalawa.

"Nanaginip ako." Sanabi ni Aron

Nag tinginan naman ang dalawang dalaga.

"Anong napaginipan mo?" Sabi ni Cara

"Ewan ko ba. Ang gulo. Pero isa lang ang naiintindihan ko don. Na parang tinuturo sa panaginip ko ang daan kung nasaan sila."

Bigla na lamang tumamlay na may halong takot ang ekspresyon ng mukha ni Aron. Wari ba'y pinipigilan nitong maluha.

"Oh... bakit?" Sanabi naman ni Arabela

"Nasa gubat sila. Madilim na gubat. Tapos may bahay don. Malaking bahay. Pag pasok ko daw sa loob ay biglaan ko nalang nakitang sinaksak si Joanna ng hindi ko kilalang matanda."

Mas sinubukan pa ni Aron na pigilang maluha habang sila Ara ay tulala at nag-aalala sa napaginipan ni Aron.

"Sinaksak sya sa panaginip ko Ara." Pagpapatuloy nitong kinukwento

Niyakap naman ni Arabela at Cara si Aron.

"Hindi ko man sya nakikita ngayon, pero alam kong nasa panganib na sila ngayon. Kailangan nila ng tulong ko. Ng tulong natin."

The Haunted School PART 2 (Obsessed Of Killing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon