Chapter 11: You Can Hide but You Can Never Escape

195 12 0
                                    

Third Person Point of View

Ang mga pangyayari  bago magkita si Ms. Villarosa at Joanna.

Nang masundan ng Principal ang ingay na kanyang naririnig ay nakita nyang nagsisitakbuhan ang mga magkakaklase.

"Catrinne?" Tawag ni Antonia sa lahat

Napatingin silang lahat kay Antonia at lumapit silang lahat sa kanya.

"Ms. Tonia! Tulungan mo kami! Una may aswang na nakapasok dito sa loob!" Pahingal na sinabi ni Joshua

"Tapos may manika pa Ms. Tonia! Ano bang meron sa lugar na 'to?!" Pa panic na sigaw ni Eman

"Akala ba namin magiging safe kami dito?!" Sabi ni Brian

Tumawa lang ang Principal na parang di sya namomroblema na sya naman ikinataka ng lahat.

"I set you all up." Masayang sinabi nito na may halong paghihiganting boses

"M-Ms. Tonia??" nauutal na sinabi ni Catrinne

Namuti ang mga mata nito habang humahalakhak kaya napaatras ang mga magkakaklase nang makita nilang nag-iiba na ng anyo ng Principal. Habang paatras silang lahat ay hinawakan ni Joshua ang kamay ni Catrinne upang protektahan ito. Di rin inaasahan na hinawakan din pala ni Brian ang kamay ni Catrinne habang papaatras ang mga ito. Ngunit di pinansin ni Catrinne ang dalawa

"Surprise" Mahinhin nitong sinabi

"Ms. Villarosa" Sinabi ni Catrinne

Humalakhak muli ang matanda ngunit palalim na ng palalim ang tono ng boses nito.

"That's right. I've set you all up."

"All this time?! Ikaw?!" Sigaw ni Sean

Napaka bilis ng kanyang galaw kaya sa sobrang bilis nito ay agad syang nakarating kay Catrinne at sinakal nya ito at nagpanic ang lahat kasama nila Joshua.

"Bitiwan mo si Catrinne!" Sigaw ni Joshua

"Oh hey, isn't this your adorable partner, Joshua?? Break na kayo diba??" Sabi ni Antonia

"Sabing bitiwan mo si Catrinne kung ayaw mong mabaril kita!" Sigaw ni Joshua

"Try me" mahinhin nitong sinabi kay Joshua






Biglang may bumaril sa likod ni Antonia kaya napatigil ito sa pananakal nito kay Catrinne at natumba si Catrinne habang hinahabol ang kanyang hininga. Pag lingon ni Antonia ay nakita nya si Brian na syang bumaril sa likod nya. Ngumiti lamang ito at saka tumawa ulit habang papalapit kay Brian ngunit kahit anong baril ni Brian ay hindi parin mamatay-matay ito. Hanggang sa sinakal na sya ni Antonia.

"How Annoying." Mahinhin na sinabi nito kay Brian

"Brian!" Sigaw ni Catrinne

"Pili ka. Ikaw o si Catrinne?" Tanong kay Brian

Habang sinasakal nya ito ay binabaril naman si Antonia ni Joshua ng ilang beses ngunit walang talab ito.

"Joshua, guys! Do something! Please!" Panic na sigaw ni Catrinne

"Sinusubukan ko!" Sigaw naman ni Joshua habang bumabaril

Kinuha ni Catrinne ang baril kay Joshua at sya ang bumaril kay Antonia ngunit di parin ito tumitigil. Unti-unti nang nanghihina si Brian at namumuti ang mga mata.

Sa galit ni Antonia sa panggugulo nila Joshua ay natigilan sya sa pananakal kay Brian at lumingon ito kay Catrinne ng napakatalas nyang puting mata. Kaya napatigil si Catrinne. Kinuha nya ang kahoy na makapal at mabilis nya itong ibinato sa ulo ni Catrinne kaya nawalan ito ng malay.

The Haunted School PART 2 (Obsessed Of Killing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon