"Best! Nabalitaan mo ba yung balita na dito daw mag aaral yung mga Hashtags?"
"Weh? Seryoso? OMG! Kanino mo nalaman?"
"Kay Mr. President dun kanina sa may Faculty Room, nung napadaan ako. And guess what? Nandun sila. Kyaaaah! Ang rinig ko kasing sabi ni Mr. President, "Welcome to Trinity Academy Hashtags!"
Nandito ako ngayon sa may Canteen. Bumibili ng pang breakfast ko. Hindi pa kasi ako kumakain ng umagahan. Yung pinsan ko kasi masyadong nagmamadali. May mga bago daw kasi kaming mga schoolmates and artista pa daw. Ito na ata yung pinag uusapan nung dalawang babae sa may likuran ko na nakapila din.
Tss. Artista? Tapos akala mo naman parang mga gods and goddesses yung mga bago naming schoolmates. Wala naman akong pakialam sa mga bagong estudyante na mga yan. If I know, magpapasikat lang sila dito sa school para madagdagan mga fans nila. Famewhore. Tss. Lakompake sa kung sino man sila. Diko din naman kasi sila kilala. Hindi rin naman kasi ako mahilig manuod ng TV. I have my own laptop and phone. Pero wala akong mga social accounts. Wala e, di kasi ako mahilig. Yung laptop ko, ginagamit ko lang for research sa mga school works ko. While my phone, I use it when I wanted to text someone or call someone for an urgent businesses. Pang soundtrip narin at pang picture at the same time. Pero gaya nga ng sabi ko wala akong social accounts like Facebook, Instagram or whatever are those. Wala kasi akong hilig. Ang weird ko ba? Well, I don't care other people's impression towards me. HETO KASI AKO!
Weirdo. Ms. Ordinary Girl."Hoy babae! Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala." bungad sakin ng pinsan kong si Maria.
Siya yung pinsan kong mahilig sa artista. One time nga nung dumalaw ako sa kanila. Pagpasok ko sa kwarto niya, punong puno ng mga posters and pictures, merchandise and other stuffs na puro mukha nung mga iniidolo niyang artista. Parang naging store/photoshop na yung kwarto niya sa dami ng mga nakadikit at naka display. Parang mas weirdo pa siya sakin.
Kumain muna ako. Kanina pa kasi ako nagugutom. Mahirap ng magutom habang may klase.
"Ilibre mo naman ako insan. Balita ko kasi kapapadala lang ni tita ng allowance mo for a month. Baka naman." aba at may pataas taas pa ng kilay ang bruhang 'to.
Actually, kapapadala lang kasi ni mommy ng allowance ko last week. 10K per month. Spoiled kasi ako kay mommy ko. Nasa ibang bansa kasi siya as a Nurse sa Canada. Daddy ko? He's gone. Since birth. So meaning only child lang po ako.
Nilibre ko na lang 'tong si Maria. Para walang masabi ang bruha. Binilhan ko na lang siya nung student breakfast meal. 60 pesos lang naman kaya okay na din.
Binilisan na lang namin kumain kasi few minutes na lang e simula na ng klase namin. Just to inform you, college na po kami. Hindi nga lang halata dahil sa height namin. #HeightProblem. 1st year college na po kaming magpinsan. Pareho kami ng kinuhang course, BSBA. Kahit sa mga schedules namin e pareho kami. Ayaw kasi namin maghiwalay. Lols~ツ
"Bilisan mo na dyan insan. Male late na tayo. Terror pa man din lahat ng profs natin. Kahit late lang tayo ng isang segundo, mark absent na tayo." grabe ang bilis kumain ng babaeng 'to. Ako naunang kumain siya nauna natapos.
Binilisan ko na lang din. Kasi baka ma mark absent pa kami.
Pagkatapos naming kumain, bilisan na namin maglakad, sa may 2nd floor pa naman yung classroom namin.
On the way na kami nang...
"Aaaaaaaahhhh!" grabe ang sakit sa tenga. Sino yung sumigaw at ba't siya sumigaw? Well, 'tong kasama ko lang naman po ang sumigaw ng pagkalakas lakas. Yung feeling na parang may itinapat na speaker sa tenga ko tapos yung kanta pa e rock n' roll. Dapak! Maria . Nasira na ata eardrums ko. ( -_-")
"Ano ba naman yan Maria. Bakit kaba sumigaw?!" tanong ko sa babaeng 'to. Malapit pa naman na kami sa classroom. Tss. Pero ang bruha sa iba nakatingin. At parang nakakita ng multo. Yung mata niyang singkit biglang lumaki.
Sinundan ko ng tingin yung tinitignan niya. And I just saw a group of boys along the corridor, kasama yung President ng school namin.
Pano kami makakadaan ne'to? Nakaharang sila sa daanan namin. Bale office ni Mr. President kasi muna bago yung mga classrooms. 2 minutes na lang start na ng klase namin. Hays. No choice. Hinila ko na 'tong pinsan kong hanggang ngayon nasaniban parin ng masamang elemento. Dire-diretso lang kami. No worries. Basta diretso lang sa paglakad.
"Oh? Mga iha. Are you both freshman students?" What the f?! Kung mamalasin ka nga naman. Napansin pa kami ni Mr. President. Tss. -.-
"Opo Mr. President. Bakit po?" grabe nakakailang. Nakatingin silang lahat sakin. Hmm? Sila kaya yung mga tinutukoy nung dalawang babae kanina sa canteen at nitong pinsan ko na mga bagong estudyante? Mga artista pala ang mga lalaking 'to?
****

BINABASA MO ANG
I Fall To A Hashtag❤
FanficAyoko sa mga artista pero bakit minahal kita? Naiinis ako sayo pero nahulog pa rin ako sa isang tulad mo? And now here we are, yung mga bagay na imposibleng mangyari ay nangyayari na.