★★★★maari ba kitang mahalin?
isang beses
ngunit panghabang buhaydalawang beses,
pagtulog at paggisingtatlong beses,
agahan, tanghalian at hapunann
pang-apat kung kasama ang panghimagasmaari ba kitang mahalin?
walong beses sa isang linggo
bawat oras, minuto, bawat segundosa bawat pagkakamali ko, o pagkakamali mo
sa paglakasala't pagpapatawad
sa bawat pagtulak mo sa'kin palayo,babalik ako ng paulit ulit
magtatanong, magsusumamo, mangungulit....maari pa rin ba kitang mahalin?
★★★★