Patikim ng Alphabet

2.8K 95 15
                                    

Patikim ng Alphabet, bow.

•••

randam epiknes, epik randamnes,

salitang mababaw, hinahalo't pinagpapalit,

katagang maasim, matamis, mapait,

inihain ang katakam-takam na alphabet,

•••

randam tots, randam taytol, randam kober,

tulang sa unang basa, mukhang 'di pinag-isipan,

pero, 'di naman talaga pinag-isipan,

mga letrang kapag binuo'y makapangyarihan,

•••

naburong damdamin, kalungkutan o hindi,

ideyang sumulpot sa utak na may saltik,

tinadtad, hinalo sa asin at latik,

tikman ang linamnam ng aking alphabet,

•••

tulang parang dagat, mababaw, malalim

o kutsilyong may mapurol, may matalim,

tulang 'di magkatunog, 'di magkatugma,

may maikli't may mahaba,

•••

ewan, 'di naman ako makata,

kayo ang tumikim at humusga,

sa sobrang gulo ng aking katha,

matatawag ba silang tula?

•••

Basta. Bow.

★★★★

Koleksyon ng mga orihinal na tula na hinugot sa karagatan ng Paspiko at utak ni otor. May sense, minsan wala. Tungkol sa kabanalan ng buhay, minsan tungkol sa sibuyas. 'Wag mabagot, kundi tutubuan ng TV sa ilong. Hala ka, mabigat 'yun.

EllenaLeiram ♥

Patikim Ng Alphabet © ElleneLeiram 2014

Patikim Ng AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon