LUHA

791 54 17
                                    

pusong buo,

pusong 'di wasak,

pero bakit ang luha,

nag-uunahang pumatak?

•••

nanlalabong paningin,

sadyang 'di hamak,

dumadaloy ang luha,

sa kutsilyong hawak,

•••

sa bawat taga,

kapalit ay pag-iyak,

sa bawat tadtad

puting laman ay hubo't hubad,

•••

sakripisyo at pagsisikap,

para sabaw ay mapasarap,

hanggang natapos, nagwakas,

ang paghiwa ng sibuyas!

★★★★

Patikim Ng AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon