ETCHUSERANG GAGANG BIGO

440 40 11
                                    

Para sa mga maarteng bitter na in denial. lol

★★★★

Para sa crush ko noong kinder

na di ako pinapansin

dahil sa pangit kong drawings

at bungi kong ngipin
•••

Para sa dati kong kalaro,

na tinawag akong lampa,

kaya hindi ako pipapasali

o sinasadyang palaging taya
•••

Para sa kaklase ko noong grade 6

na mahilig maglaro ng holen

at di na ako pinansin

matapos bigyan ng pagkain
•••

Para sa hearthrob noong highschool

basketball team o dance troup

na ang hilig magpaasa

nililigawan lang ang magaganda
•••

Para sa aking college boyfriend

na inuuna pa ang DOTA

suki sa mga inuman at party

'di maalala ang aming Monthsary,
•••

Para sa aking magiging asawa

na malamang ay magkakaroon

ng tatlong kabit o mahigit

isang sinungaling na malupit
•••

Ako'y etchuserang gagang bigo

na inaalay ang tulang ito

sa mga lalaking feeling gwapo

lalong-alo na sa mga g*go
•••

Isang pagpupugay mga ginoo

nakataas ang middle finger ko

isang malupit na saludo

Masunog kayo sa impyerno.

★★★★

Patikim Ng AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon