Krilin's Pov
Nadito kami sa isang restaurant. At kasama ng skyfall ace ang teiko high.
Actually andito pa lang kami sa labas ng hantayan namin sa may train station.. Wala pa sila eh -.- asan na ba yung mga yun? Baka naman pinagloloko kami ng mga lokong yun. Baka hindi sila dumating. Btw gusto nyo ba malaman kung bakit kami nadito?? Ganto kasi yun.
☆FlashBack☆
Dumating ang teiko high sa locker room at sinabi na gusto daw kaming kausapin.
Nang makausap namin sila ay ganto ang sinabi nila.
"Congratz sa inyo." Sabi ni Akashi habang nakatingin sa amin.
"Ahh maraming salamat sa pagbati niya." Sabi ko at nagbows ako. Natutunan ko na pag nagbibigay galang ka sa japan. Kailangan ay magbobows ka.
"Ah. Nga pala gusto namin na yayain kayo. Itretreat namin kayo. Ayos lang ba sa inyo? Nga pala ako nga pala si Ryouta Kise. Nice to meet you Skyfall Ace. At ang galing nyo tlaga." Tanong ni kise samin.
Nagtinginan kami. Huh?? Itretreat nila kami? Ano yun parang date? Ay ichosera kang froglet ka. Pag itretreat ka nila date agad? Naku nananaginip na naman ng gising. Pero bakit nga kaya kami itretreat? Dahil ba sa nanalo kami ngayon? Ganun ba yun? Eh hindi naman kami ganun ka close diba para i congratulate kami at itreat.? Ayts.! Ewan ko ba.
Iimik na sana ako ng biglang
"Ikinagagalak namin na tanggapin ang inyong hinihinling." Sabi ni Mia.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
0.0?
Mia?
Ikaw ba yan? Teka bakit parang hindi ata si mia ito ahh.~ hindi ganyan si mia. Ang lalim niyang magjapanese.
Si mia hindi magaling sa malalim na japanese no, eh kasi naman ngayon palang natotong mag japanese yan tapos maalam na agad ng mga mga malalalim na hippongo?. Kaya naman nang marinig namin ang pagkakasabi ni mia. Nagulat talaga kami ng bonggang bongga.
☆Back to the Present☆
Ayun nga hanggang ngayon eh naghihintay parin kami. Naka casual dress kami.
Ako naka short na maong then hanging blouse na black, naka cap, earings na black at naka Rubber shoe na White and Black sketchers.
Si Rhine naman naka dress na yellow above the knee yung dress nya with the hair band na color pink at not so high na heels color Pink.
Si Maeg naman naka maong pants sya high waist then naka crop top at black boots. Kitang kita ang tyan nya. Sige ikaw na talaga ang maliit ang tyan maeg. Hmmp kala mo maliit din tyan ko bleehh.
Si Kesha naman ay naka Mini Skirt na black , Spagettie sando white with leather jacket na black. Then naka Boots din sya na black.
Si Mia naman simple Jagger pants, t shirt. At rubber shoe.
Si Kriz naka Short, tube with white jacket then naka sandals sya. Yan ang attire namin. Habang hinihintay namin ang mga yun.
Pinayagan naman na kami ni Coach Cyril. Tutal naman daw next next week na ulit ang laban namin. Iba na kasi ang may laban ngayon. Ang teiko naman bukas ang laban nila. Panunuorin nga namin sila eh alam nyo naman nakakacurious din anh laban nila. Aba wala pang talo in thier whole life. Kakaiba. Pinagtataka ko di na sila nagprapractice. Siguro nga ganun talaga sila kagagaling no? Sana maging katulad namin sila. Yung di na nagprapraktis.
Toink! Yan tamad pa more Krilin! Bleeehhh!
Ryouta's Pov
Tumatakbo na kami papunta sa pinagusapan namin ng mga Skyfall ace na kitaan namin. Actually dapat nagprapraktis kami para sa darating na laban namin bukas. Pero sabi ni akashi kaya na raw namin yun.
Kaya eto kami ngayon tumatakbo ng tumatakbo. Grabe kung nandun na ang mga girls nakakahiya yun.
Mga lalaki pinaghantay ang mga babae sa may train station? Diba dapat lalaki ang maghihintay sa babae hindi babae ang maghihintay sa mga lalaki.
Nakakababa kaya ng standard sa lalaki yun.
Nang makarating na kami sa tagpuan. Ayan na nga ba yung sinasabi ko kanina. Nakakababa ng Standard.
Siguro kanina pa ang mga ito dito waahhh sorry mga girls.
"Andito na kami at sorry medyo na late kami." Sabi ni akashi. Nakita ko naman tumingin si Krin-chii~
"Ayos lang no. At buti nakaabot kayo sa susunod na aalis na tren, nakaalis na kasi yung kaninang tren. Eh wala pa. Kayo. Kaya hindi nalang muna kami sumakay at hinantay na muna namin kayo. Para sabay sabay na at mas maganda kung ganun." Sabi ni krin. Tinginan ko sila. Ang cute nila sa suot nila. Parang ibat iba ang genre kung saang genre.
"So tayo na?" Sabi ni akashi. Nakita ko naman tumango naman sila at nagsilakaran na sila. Mas nauna na sila.
Krilin's Pov
Naglalakad na kami papasok ng tren. Sa wakas after 123456789010 yrs. Najan rin sila. Base sa nakikita ko mukhang nagmamadali silang pumunta dito.
Bakit? Di sila nakatulog ng maagap? Or tlagang sanay lang sila dun? Haist ewan na nga.
Nang makapasok na kami ng train. Umupo na kami sa upuan while yung mga lalaking mga nakatayo. Ayos lang yung. Medyo sikip na rin kasi.
~Arrived @ Shinjuku~
Andito na kami sa destinasyon namin. Naglakad lang kami at nakarating na kami sa isang maid shop.
Waaaahhhhh. Ang cu-cute nga mga pusaaaa este babaeng naka costume na pusa. Pumasok na kami at winewlcome kami nila.
Pumasok kami sa isang kwarto. Oh my? Private? Ay sosyal naman dito. May pa private pricate pa kaming nangyayari dito ha. Hehehe~
"Sige girls umorder na kayo." Sabi ni akashi samin.
Naghanapan naman kami. Itodo na ito hehe~ libre eh. Hulog ng langit no? Haha itodo na hahaha walang hinyaan na ito.
Nang matapos na kaming umorder ay naghantay na kami sa order.
"Ang galing nyo talaga kanina." Tuwang tuwa na sabi ni kise. 0.0 model ba talaga ang isang to? Oo gwapo sya pero alam nyo yung feeling na para may pagkaisip bata sya. Kaya nagtataka ako kung model nga ba talaga ito. Nakita kong di tumitingin dun aa kise. Ehh? Maeg anong meron ha? Nakatingin naman sya sa iba, eh yung kaharap niya di man lang niya tingnan. Akward ka ba ha??
(A/N:)
Ngayon na nasa date na sila este sa isang treat lang pala? Ano kayang magyayari sa date nila este sa treat nila?
Yan na hehe~ ayos lang ba?? Feel free to comment and Vote. Lovelots 😘
☆VAMPIREOTAKU17☆
BINABASA MO ANG
Basketball Player Vs. Basketball Player (Edited)
FanfictionBaskeball player vs. Basketball player? What will happened to them if they meet each one them?
