Krilin's Pov
Nakapout ako habang nanunuod ng tv. Mga bwisit ang mga yun..
Tama bang iwan ako. Kaloka eh di sila na may lovelife. Hays. Bahala na nga si batman. Pinatay ko na ang tv at tumingin sa picture na nakalagay sa may tabi ng tv.
Picture yun nung time na nanalo kami sa laban. Ang saya nilang tignan. Sayang lang tlaga kasi hindi nila ako kasama sa pagkapanalo ng group. Pero okey na rin. Atleast ang mahalaga dun panalo kami.
Anyway yun balik tayo sa kung ano ako ngayon. Eh di ako na napagiiwanan ng mga kaibigan ko. Sila na may lovelife. Ako na wala. Sige oo sila na. Hamabalusin ko sila eh.
(Ms.a: Umamin na kasi kay seijuro ko nang hindi ka na napapagiwanan jan. Tingnan mo itsura mo mukhang tanga ka tuloy na nagsosolo sa apartment. Hahahahah)
Gaga ka ms. A 😑😑😑 bahala na. Oo may gusto na nga ako kay akashi pero hindi naman ako pwedeng basta basta nalang magsabi no.. Masakit kaya pag nagsabi ka at nabusted ka. Shet iiyak ako ng iiyak nun tyak.
(MS. A: bakit naranasan mo na ba ang mabusted?! Wheeeee kanino??? Kwento naman jan. Dali naghahantay kaming mga readers oh. Dali naaaa)
Gaga ka talaga ms. A hindi pa ako nabubusted. Baka kamo ako ang nambubusted. Kaya wag ka jan. Hmp..
(ms. A: eh di ikaw na. Hambalusin kita ng mahaba mong hairlalo eh 😂😂😂)
Gaga. 😑😑
Anyway yun nga. Nakakabored tlaga dito pag magisa.
Medyo ok na naman ang bali ko. Mga 2 months nalang pwede na kaming makauwi sa pilipinas at pwede na rin akong makapaglaro. Nakakalakad na naman ako. Ang sabi lang ng doctor. Wag lang muna ako maglalaro ng basketball hanggang hindi pa nakakasix months kasi baka pasama na naman. Haysssss.
Karmahin sana ang gumawa sakin nito. 😑😑😑 ang lakas ng apog nila na gawin sakin to. Kung di lang kami madidisqualified sasabunutan at hahambalusin ko tlaga yung bruhang babaeng yun. Aba masakit kaya ang ginawa niya sakin..
Naku naku pasalamat talaga sila dahil magwawala talaga ako. Di lang talaga makapal ang mukha ko kaya hindi ko ginawa yun..
At magpasalaman sila kasi hindi ako masyado barongbado tulad nila. Dahil kung hindi matitikman nila ang higanti ng mga magaganda..
[Ms. A: pffff Ikaw hambalusin ko jan eh krin. Matitikman nila ang higanti ng mga magaganda. Hanginnn 😂😂😂]
Wag kang basag ms. A pwede. Lagi kang basag eh. Inggit ka lang.
[Ms. A: Ulul. Bago kayo ako muna kaya wag kang ano jan 😂😂😂]
Whatever. 😒😒 magsulat ka nalang jan wag kang umepal sa Pov ko.
[Ms. A: 😜]
So yung nga nagsosolo at wala akong mawaga sa aparment. Umalis kaya ako. Sobrang nakakabored tlaga as in literal na nakakabored.
Napagdesisyonan kong umalis nalang muna. Nagbihis ako ng simpleng jeans at shirt then cap at umalis na.
Sa totoo lang hindi rin alam kung saan ako pupunta eh. Kasi naman wala talaga akong maisip na puntahan. Gusto ko lang talaga makaalis sa aparment kasi sobrang tahimik tapos lang makausap? Diba nice. Mas maigi dito sa labas dami ko pwedeng gawin pero dahil baliw ako hindi ko rin naman alam ng gagawin ko. Hmmmm
Tumingin tingin ako. Aha!!!! Maka bili nalang pala ng vanilla milk shake, takoyaki at dango. Mag fofoodtrip ako bahala sila. Magdate sila ako busog.
[Ms. A: May bitter 😂 *bulong*]
Anong sabi mo?? 😒😒😒
[Ms. A: Waaaalllllaaaa sabi ko kamo sobrang gandaaaa moooo]
😒😒😒 siguraduhin mo lang. Anyways yun nga magfofoodtrip nalang ako. Tutal naman wala akong magawa at isa pa di na kailangan maghanda ng pagkain mamaya kasi lahat kami mga busog na. Sila galing date ako naman galing foodtrip so yun nga.
Papasok na dapat ako sa tindahan ng may mabanga ako kaya napatingala ako at umimik ng sorry pero laking gulat ko ng si akashi ang nasa harapan ko..
"Akashi?" sabi ko
"Krilin??" sabi niya
Seijuro's Pov
Palabas na ako ng tindahan nang may makasalubong ako nang tumingin sya si Krilin pala at mukha syang nagulat nakita ako.
Uhh may kagulat gulat ba sa mukha ko??
Wala naman diba? Pero mukha nagulat tlaga sya nang makita niya mukha ko anyways so yun nga nagulat sya sakin nagulat din naman ako saknya. Pareho lang kami. So yun nga nakatitig parin ako sknya.
"Kumusta na pala paa mo? Ok na ba?" sabi ko ako una nang nagsalita kasi pag di ako nagsalita magtititigan lang kami dito. Feel ko kasi hindi sya magsasalita hanggat hindi sya kausapin.
"Medyo ok na sya. Medyo nakakalakad na ako ng ayos. Konti nalang magiging ayos na tong paa ko. Makakauwi na rin kami sa bansa namin.." sabi niya. Nalungkot ako sa sinabi niya siguro nga malungkot ako kasi hanggang ngayon hindi ko parin nasasabi saknya na gusto ko sya. Oo tama kayo ng naririnig. Gusto ko nga tong babaeng kaharap ko. Mahal ko na sya pero hindi parin ako nakakapagtapat tapos malapit na kaming magkalayo. Siguro nga dapat ko nang sabihin ang nararamdaman ko habang nandito pa sya kung ano man ang maging resulta ng gagawin ko tatanggapin ko kahit masakit yun..
"Ahh. Pwede ba kitang makausap ng private? Kung okey lang sayo.." Sabi ko at tumingin sya.
"Hm? Uh. Sure. Sige. Okey lang.." sabi niya. Sumaya ako nang pumayag syang kausapin ko sya in private. Sasabihin ko na talaga . Pumunta kami sa park na medyo kokonti ang mga tao.. Nakaupo kami sa bench.
"Uhmm. Krilin.. May sasabihin sana ako sayo." sabi ko at tumingin sya sakin. Kinakabahan ako kasi yung resulta baka di ko magustuhan.. Huminga ako ng malalim..
"Krilin Mahal kita.. Pwede ba maging tayo?" yes nasabi ko na. Medyo lumuwag ang pakiramdam ko..
Krilin's Pov
Nagulat nalang ako sa sinabi ni akashi.. O.O
Hindi nga. Totoo ba itong naririnig ko o nabibingi ako? Gulat na gulat ako. Kita naman sa mukha ko diba??
Tinitigan ko sya ng ilang segundo at unti unti kong binuka ang mga labi ko...
(A/N:)
Ngayon na naging sila na ni Meag at ryouta. Ano naman kaya mangyayari kay Krilin na sya nalang ang walang Lovelife?
Abangan yan sa susunod na kabanata😂😂😂. Pano ba yan krilin? Nagconfess na si seijuro mah labs. Anong isasagot mo?? hahaha Feel free to comment and votes 😁 Lovelots 😁😘
⭐️ VAMPIREOTAKU17 ⭐️
BINABASA MO ANG
Basketball Player Vs. Basketball Player (Edited)
FanfictionBaskeball player vs. Basketball player? What will happened to them if they meet each one them?
