Chapter TWENTY THREE: Substitute (Who is she?)

422 15 0
                                    

Krilin's Pov

Napatingin ako sa babaeng sumigaw. Hindi ko sya kilala pero may kahawig sya. Teka nga. Isipin ko muna.

"Seiyuka??" Napatingin ako kay akashi.

Anong. Naisip ko na rin kung sinong kamukha ng babaeng yun. Walang iba kung hindi si Akashi.

Kulay ng buhok, kulay ng mata. At yung aura niya akashi na akashi.

Tumingin ang referee sakin at kay coach.

"Ano papayagan nyo ba na sya ang mag subtitute?" Tanong samin ng referee.

Agad naman na tumingin sakin si coach. Ano nga ba ang gagawin ko?? Papayagan ko ba na maging sub ang babaeng yun?? Pero pano naman pag di ko pinayagan? Tyak matatalo kami. Anong gagawin ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Haist sige na nga.

Papayagan ko na for the sake of our team.

"Sige. Papayagan ko na." Sabi ko. Nakita ko naman lumiwanag ang mukha nung babae.

"Kung ganun. Bibigyan namin ng oras na makapagbihis siya." Sabi nito at nagtimeout.

Ako naman hindi parin makatayo. Kakalungin na dapat ako ni coach. Pero may nanguna.

"Kami nlng ang bahala sa knya. Dadalhin na rin namin sya sa hospital, kailagan ka ng team nyo." Sabi ni akashi at kinarga ako ng bridal style. Nakita ko naman tumango si coach.

Waaahhhh ano ba itong ginagawa mo akashi.. Nakakahiya sobra.

Narinig kong may naghiyawan.

"Kyaaaahh. Ang cute nilaaaa." Sabi ng isang babae. Langya namam.oh. Nakakahiya talaga ito.

Itinago ko nalang ang mukha ko. Grabe sobrang nakakahiya tlaga.

Narinig kong nag sisigawan sila.

Seiyuka's Pov

Nakabihis na ako ng uniform ng Skyfall ace.

Nga pala ako si Seiyuka Akashi, nakababatang kapatid ni kuya Seijuro.

Bakit ako nandito?? Dahil alam ko na mangyayari ito. Alam ko na may masasaktan. Dahil alam ko na kung pano maglaro ang Miyamoto High. Madumi silang maglaro.

Ngayon na siguro ang panahon ko na makaganti sa mga babaeng yun. Tatalunin ko sila kasama ng skyfall ace ang mga baboy na yun. Pero syampre in a good way. Hindi ako at alam kong hindi rin naman ang sky fall ace madumi maglaro. Kaya humanda na sila. Matitikman nila ang bangis ng dating captain ng Tenshi Academy at pati na rin ng skyfall.

Nang matapos na akong magbihis ay agad akong nagpakilala sa mga skyfall members. At nagulat sila dahil sa hindi nila akalin na may kapatid palang babae si kuya seijuro. Langya si kuya hindi man lang sinasabi na may maganda syang kapatid. Pagtapos nito yari ka sakin.

Nang okey na ang lahat. Nagsimula na. Tiningnan ako ng captain nila na walang iba kung di si Rikka Miyamoto. Oo tama kayo ng naririnig, miyamoto nga ang surname niya. Mama at papa niya ang may ari ng school na pinapasukan nila kaya kaya niyang gawin abg lahat ng gusto niya.

"Well well well. Andito ka pala Loser." Sabi niya. Napipikon na ako dito ah. Gusto ko na syang patulan. Dahil sa kaniya nagkawatak watak ang teams namin. Marami samin ang hindi na makakapaglaro ng basketball at ang marami samin takot na.

Ngumiti ako ng mapangasar.

"Well oo andito nga ako Bitch!" Sabi ko.

Rhine's Pov

Hahaha whoa ha. Whoa talaga. Palaban ang kapatid ni Akashi. Imagine tinarayan sya nung captain ng miyamoto ang sabi.

'Well well well andito ka pala Loser.' Alam nyo kung anong sinabi niya?

'Well oo andito nga ako Bitch' hahaha natawa ako sa itsura ng mukha nung captain ng miyamoto. Halatang galit na galit at inis na inis sya.

"Hmp. Makikita natin kung sino ang uuwi ng luhaan at alam ko naman na hindi kami yun.. Good luck nalang sainyo." Sabi nung captain ng miyamoto.

Aba! Masyadong kampante ata ang babaeng to ah. Sarap nilang ipahiya sa pamamagitan ng pagkatalo nila.

Isa dapat namin ipaghiganti krin. Tatalunin namin sila. Nagaalala lang ako kay krin. Ayos lang kaya ang paa niya?? Hindi na sya makatayo eh. Haist.

Sana okey lang sya. Dahil kung hindi sya makakalakad, hindi pa kami pwede makauwi sa pinas. Kailangan muna niyang paggaling.

Hindi kasi sya makalalakad. Mahihirapan syang gumalaw.

Haist naman oh. Bakit naman kasi napunta pa sa bagay ba ito.? Ang gusto lang naman namin ay isang malinis na laro at masayang laro.

Kung tutuusin hindi naman namin gusto na may masaktan ni isa samin.

Sino bang matinong tao ang may gustong may masaktan sa team niya diba??

Nagpatuloy na kami sa laro. Last quarter na ito. Nasa amin parin ang momentum. May 106 points kami samantalang may 90 points naman ang miyamoto high. Nangunguna kami alam ko yun pero, dahil sa pandadaya nila maaring bumaliktad parin ang momentum. Alam ko na magagaling silang mandaya kaya kailagan parin namin magingat sa mga bitch na ito ika nga ni yuka. Haha yuka nalang daw itawag namin sa knya, kasi alam daw niya na akashi ang tawag namin sa kuya niya.

Alam nyo ba may feeling ako na mananalo kami dahil kay yuka. Naniniwala ako.

Krilin's Pov

Matapos akong icheck, nakahiga na ako sa bed, nakakainis ang mga bruhang yun! Nang dahil sa kanila, hindi ako makalakad ngayon. Lintik! Hindi rin ako makapaglaro ngayon. Alam ko naman na ipaghihiganti ako ng mga kateam ko. Alam kong tatalunin nila ang mga bruhang yun. Nalulungkot lang ako dahil sabi ng doctor, 6 na buwan daw ang itataggal ko dito sa japan. 6 na buwan daw kasi bago gumaling ang pilay ko. Naku tlagang mga yan! Makita ko sila kakalbuhin ko tlaga sila. Mga bwisit sila. Langya! Tsk!

"Tinawagan ko ang coach mo at nangunguna parin ang team nyo." Sabi sakin ji akashi. Tumango ako pero malungkot parin ako dahil sa hindi ako makakasama sa pagtalo ng mga bruhan yun.

Gusto ko sana silang ipahiya sa pamamagitan ng pagkatalo nila pero sa tingin ko di ko na magagawa yun dahil ngayon hindi ako makalakad man lang at di rin ako makapaglaro.

"Wag ka nang malungkot krilin. Alam namin na mananalo ang team niyo, magagaling kaya kayo, pati na rin si seiyuka magaling na player yun kaya kampante kami na mananalo sila para sayo." Sabi ni kise sabay smile.

Siguro nga tama si kise, kailagan kong maging masaya. Mananalo sila.

(A/N:)

Ano kaya ang mangyari sa huling laro ng Skyfall Ace kasama ang kapatid ni Seijuro Akashi na si Seiyuka Akashi.? Manalo kaya sila or matalo??

Yan naaa. Haha papalapit na ang pagtatapos ng games nila. Ahaha sino kaya manalo?? Hope nagustuhan nyo. Feel free to comment and vote. Lovelots 😙🏀👊

VAMPIREOTAKU17

Basketball Player Vs. Basketball Player (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon