Chapter 6

281 11 0
                                    



Clyde's POV



Hi everyone...I'm Prince Clyde Fajardo...oo si Clyde na una niyong hinusgahan....anong akala niyo di ko alam na hinusgahan niyo ako agad agad dahil sa ginawa ko kay Mie ko? Pwes may kasalanan rin naman ako.bakit kasi ganun na lang ang naisip kung dahilan at nasaktan pa siya!!!



Aissst kasalanan kasi ng Nex na yun! Pinagtangkaan ba naman ang buhay ng Mie ko kaya no choice!! But this time, ipaglalaban ko na siya...alam kung may space pa ako sa puso ni Megan kaya hindi ako susuko!




Btw andito pala ako sa harap ng babaeng 'to na di ko kilala...inutusan kasi akong bumili pa ng cotton candy ni Megan, favorite niya eh^_^ pero sa kasamaang palad hinarang ako ng babaeng to! At hinihingi ang number ko>.<





"Pogi number mo daliii"parang kilig na kilig niyang sabi...tsk tsk pogi problem


"Ahh miss may asawa na ako---ohh ayan na pala siya oh...MEI"tawag ko sakaniya at lumapit namang nakabusangot hehehe cute^_^




"Clyde naman!! Kanina pa ako doon naghihintay!! Andito ka lang pala nakikipaglandian"inis niyang sabi^_^ selos much ang Mei ko




"Misis ko talaga oh...ang init ng ulo, ganyan ba talaga pag naglilihi?"sabi ko at inakbayan pa siya





"Ah eh s-sige aalis na ako"biglang sabi nung babae at patakbong umalis



Bigla naman akong sinikmuraan ni Megan at inagaw ang cotton canding binili ko



"What was that for?"namimilipit kong sabi


"Misisin ko yang mukha mo"asik niya kaya naka plastered naman ang pilyo kung ngiti



"Uii nagseselos....wag kanang Magselos sinabi ko namang may asawa na ako"sabi ko na nakisabay na sa paglalakad niya at bumalik sa bench na iniwaan ko sakaniya kanina


Di naman ako pinansin...srsly? Nakakain lang ng cotton candy hindi na mamansin?



Sabagay isa to sa nagustuhan ko sakaniya isang sempleng cotton candy ang nakakapagpasaya sa isang 19 years old na magandang babae...babaeng mahal ko




"Ngiti ngiti mo diyan?"kunot noo niyang sabi



"Masama bang mangarap na balang araw mga anak na natin ang naglalarong yan?"turo ko sa mga batang nasa 6 years old ang edad na naglalaro sa harap namin




"Dream on!"mataray niyang sabi




"Pakipot pa!! Gusto rin naman"paparinig ko at medyo tinulak siya gamit ang braso ko pero mahina lang




Inirapan lang niya ako at biglang nagseryoso ang expression niya



"Clyde"tawag niya saakin kaya napatingin ako sakaniya at sa mga batang naglalaro lang ang tingin niya...4:30pm na kaya hindi na masyado mainit!




"Hmm?"sagot ko





"Minahal mo ba ako?"napatigil ako sandali sa tanung niya pero bago ko siya sinagot ay pinaharap ko siya saakin at hinawakan ang dalawang kamay niya





Nag buntong hininga muna ako bago nagsalita





"Minahal kita! Higit pa sa inakala mo...oo nasaktan kita pero sa tuwing nakikita kitang umiiyak doble doble ang sakit na nararamdaman ko"habang sinasabi ko yun ay nakatingin lang ako sa mapupungay niyang mata at ganun din siya






"Pero bakit mo sinabi yun? Bakit mo ginawa yun? Bakit mo kailangang saktan ako?"tanung niya pero this time may luha ng tumulo sa mata niya na agad ko naman pinunasan






"Ikaw lang ang iniisip ko dahil ikaw lang ang laman ng isip at puso ko...ginawa ko yun para sa'yo lahat ng yun ay may dahilan"sagot ko sa mga tanung niya





"Ngayon Megan...mahal mo pa rin ba ako?"

The New Born BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon