Chapter 18

199 6 0
                                    



Megan's POV





Hindi ko iniexpect na lalabas ang pagiging childest ko,sigh!
Mahirap na nga sigurong alisin yun saakin dahil namuhay ako nang ganun for almost 4years




Anyways dinala ako ni Clyde dito sa park may kalapitan sa dagat sa paligid naman ay may maliliit na store, store na puro pagkaing pambata ang pabili




Kaya siguro dito ako dinala ni Clyde dahil sa mga store na 'to


And speaking of Clyde halos 15 minutes na ako dito simula iwanan niya ako dito,bibili lang daw siya ng cotton candy pero hanggang ngayon wala parin, siguro nambabae nanaman yun>.<


"Mie pasensiya na ha? Natagalan"hinihingal na sabi ni Clyde


"Saan ka ba galing?"mataray kung tanung


"Excuse me po,Sir siya na po ba ang misis niyo?"biglang sabi nang nasalikod niya



Liningon ko naman ito, isang matandang lalaking may tulak tulak na patindang nasa kariton, Cotton candy *Q*


"Hehehe opo"sagot ni Clyde na nagkakamot nang batok,problema nito?


"Ah ganun po ba? Congratulations po maam"ngiting ngiting sabi nung matanda saakin

"Ho?"takang bulalas ko

"Kasi po binili na po ito lahat ni sir dahil daw po ito ang pinaglilihian niyo"sabi nung matanda na lalong kinakunot ng nuo ko...lihi? Buntis? ako?


"Sinong buntis?"alam kung may pagka slow ang tanung ko, pero putek! Ano nanaman ba ang pinagsasabi nitong ugok nato



"Ahh Mie sige na kuha kana diyan,binili ko yan lahat para sa iyo hehehe"singit ni Clyde habang hindi saakin nakatuon

Gago!

"Alam niyo po maam maraming pang gustong bumili nito pero dahil po sa sinabi ni Sir na buntis kayo eh pumayag na akong sakaniya ko ito ibenta"paliwanag nianong...sinasabi ko na nga ba



"Ah manong di po ako buntis! Sadyang may topak lang itong kasama ko"sabi ko habang nakatingin nang masama kay Clyde



"Hehehe peace manong"halos matawa ako aa ginawa niya nagpeace sign siya kay manong na para bang nahihiya



Napailing nalang si Manong nang nakangiti



"Mga kabataan nga naman oh"tanging bulalas ni manong



At dahil sa favorite ko ang cotton candy ay linantakan kona ito, wala na akong pakialam sa dalawang kasama ko



Umupo ako sa bench habang kumakain nang cotton candy nang biglang akbayan ako ni Clyde


"Wala bang kiss diyan,dahil sa effort ko?"kindat niyang sabi na inirapan ko lang


"Uyy Mie ipagpapalit mo talaga ako sa cotton candy?"nakapout niyang sabi,yaaacck letse! Kumakain ako



"Pwedi ba Clyde! Kumakain ako"


"Ok fine.basta pagkatapos mo may kiss ako ha?"di ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na ako sa pagkain



"Oh mie kiss ko"sabi niya nang matapos akong kumain at uminom...tsk. di man lang ako nabusog! Sabagay cotton candy?psssh



"Tigilan mo ako Clyde"sabi ko at tumayo na nagpasalamat kami kay manong nang umalis na kami nauna akong naglakad dahil binayaran niya pa si manong,pero sumunod din naman agad siya



The New Born BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon