Megan's POV
Matapos akong maligo at magbihis ay agad kaming kumain, kumain ng tahimik pero paminsan minsan sumusulyap siya saakin at aayain akong subuan pero ayoko!
"Mie parang mag asawa na talaga tayo, kulang na lang babies"nakangisi niyang sabi habang nagpupunas sa lamesa at ako naghuhugas ng pinggan
Napailing na lang ako habang hindi maiwasan mapangiti
Matapos kaming maglinis ay lumabas muna ako habang siya ay naliligo pa
7pm na kaya may iilang bituin na, hindi masyadong mahangain pero malamig kaya napapayakap ako sa sarili ko, yung huni ng mga ibon ay parang musikang sumasabay sa agos ng payapang ilog!
Naramdaman ko namang may malamig na brasong umakap saakin, at sino pa ba si Clyde! Kakatapos lang sigurong maligo dahil may iilang butil pa ng tubig na tumutulo sa buhok niya, napalunok naman ako dahil sa manly scent niyang amoy na amoy lalo pa't napakalapit niya saakin
"Mie kung sakaling pakasalan na kita,papayag ka bang dito nalang tayong tumira?"
Tumango ako
"Oo, ganito lang naman ang gusto ko eh, simpleng buhay kasama ang mahal ko"sagot ko
"Edi magpakasal na tayo"simpleng sagot niya
"Hindi ganun kadali yun Clyde!"sabi ko at kinalas ang brasong nakaakap saakin at medyo naglakad papalapit sa isang puno at sumunod naman siya
"Kung iniisip mong mga bata pa tayo at nag aaral palang tayo,hindi naman problema yun! May companya na akong ipapasa saakin sa birthday ko"sabi niya na kinailing ko lang ulit
"Hindi yun Clyde"marahan kong sabi at nagbuntong hininga bago nagsalita ulit
"Alam kung may alam kana tungkol saakin! Clyde kabilang ka sa Black Panton at malaking bahagi ako sa Spirus na alam nating parehong magkalaban"dagdag ko at liningo siya
"Umalis tayo sa organisasyon na yan, mamuhay tayong normal"hawak niya sa magkabilang kamay ko
"Sinimulan mo na ang plano mong umalis sa Black Panton diba?"tanung ko na tango lang ang sagot niya
"Ako, malabong makabitaw sa Spirus"sabi ko
"Bakit?"
"Malabong makapamuhay ako ng normal, dahil kahit kailan hindi normal ang pamumuhay ko.....balang araw ako na ang magiging pinuno ng Spirus... Clyde ako ang matagal ng pinoprotektahan ng Spirus at ang matagal ng hinahanap ng Black Panton na tagapagmana, ang kaisa isang anak ng King ng Spirus....Clyde I am the Devil's Heart of Spirus"hayag ko na kinagulat niya, alam kung ganito ang magiging ekspresyon niya, matagal kung tinago to, pinilit kung wag ito masyadong isipin dahil baka sakaling makahanap ng tagapagmanang iba ang ama ko, pero sadyang kadugo lang ang pweding makakuha nun!
"Pa-paano?"lutang niyang tanung
"Nung una sinubukan kung takasan ang katotohanang magiging mamatay tao ako! Magiging pinuno ng isang Mafia,organisasyong hindi ko kailanman naisip! Sinubukan kung mamuhay ng simple pero talagang nanalaytay ang dugong bughaw sa katawan ko! Clyde ito ang dahilan kung bakit kailan man ay hindi mo nakikilala at nakaharap ang magulang ko!"
"A-aalis naman ako sa Black Panton at siguro matatanggap din ako ng magulang mo"ganun pa rin parang wala siya sa sarili
Umiling naman ako
"walang kaso kung sino ang iibigin ko sa mga magulang ko, ang ayaw ko lang ay madamay ang buong pamilya mo"this time ay siya naman ang humiling
"Simula palang ng sumali ako sa Black Panton ay nadamay na ang Pamilya ko"seryoso niyang sabi, napabuntong hininga naman ako
BINABASA MO ANG
The New Born Bitch
Mystery / ThrillerWarning: STRICTLY FOR OPEN MINDED! P.S: Maraming wrong grammar...wag basahin pag masyado kang perfectionist! Will be edited soon!