Amber's POV
Haaaaayyy ang boring!
Andito ako ngayon sa isa sa bench nang school ground, loner!Hmf wala kasi si Megan...ano kaya pweding gawin?
Aha! Yeah dating gawi^_^
Naglakad na ako sa ground, and boom my isang hot na soccer player akong nakabanggaan....pero sinadya ko yun hehehe
"Miss ok ka lang? Sorry"sabi niya at tinulungan akong tumayo
"Sinong magiging ok kung mababagsak ka?"mataray kong sabi, yan naman kasi ang hilig ng mga player mataray!
"Sorry"sabi niya ulit nang makatayo na ako
"Its ok^_^"ngiting ngiti kong sabi na kinangiti niya rin kaya lumabas ang malalalim niyang dimple
"Btw I'm Carl"hayag niya saakin at nakipagkamay
"Amber"abot ko naman nang kamay ko, pero imbis na makipag shake hands siya ay hinalikan niya ang likod nang palad ko
"Pwedi ba tayong sabay na maglaunch?"tanung niya na kinatango ko naman
Habang naglalakad kami papunta sa canteen ay daldalan lang kami nang daldalan, di rin maiwasan ang pagtitinginan saamin dahil syempre isang dyosang katulad ko ay may kasamang isang hot at gwapong lalaki...o diba ganda ko
Nang makarating kami sa canteen ay naupo na ako sa vacant table at siya na lang daw ang mag order kaya ang dyosa relax relax lang
"Amber"nagising naman ako sa pag deday dreaming ko nang may buong boses na tumawag sa maganda kung pangalan
Pag angat ko nang tingin ay sina Nash pala pero kulang sila wala si Jack
"Yes?"taas kilay kung sabi
"Pwedi ba tayong mag usap?"sabi ni Nash gamit ang malungkot niyang tinig, as if I care!
"Hmm not now, may kasama ako eh"nakangiti kong sabi, bigla namang nangunot ang noo niya but still gwapo pa rin
"Sin---"di na natuloy ni Nash ang sasabihin niya nang makarating si Carl
"Amber"sambit pa nito para mapukaw ang atensiyon namin
"Oh Boys he's Carl and Carl meet Nash,Toni,Loui and Clyde"pagpapakilala ko
"Yow bro"bati ni Carl pero ang ma tukmol inirapan lang siya, nagmukha tuloy mga bakla
"Amber nasaan si Megan?"biglang tanung ni Clyde
"I don't know,but she told me, she missed having fun*smirk*"pagkasabi ko nun ay agad na nagsalubong ang kilay niya
"Amber please talk to me"nagsusumamong sabi ni Nash
"Nakakabastos naman kung iwanan ko dito si Carl"Tanging sabi ko at nginitian si Carl
"No its ok Amber, just give me your number so we can go out anytime"sabi ni Carl kaya ganun na lang ang ginawa ko binigay ko ang number ko na nung una ay umangal pa si Nash
Nauna na akong naglakad habang nakasunod lang sila saakin maya maya pa ay narinig kung nagpaalam sila kay Nash pero bago pa sila maka alis ay binalingan ko na sila
"Oh Clyde wait! Sayo to diba?"abot ko sakaniya ng kaperasong papel
"Huh?"abot niya dito na halatang nalilito at binasa ang nakasulat na kinakunot niya lalo nang noo, pansin ko lang ang hilig nilang mangunot nang noo
"Sigurado ka bang para ito kay Clyde?"tanung ni Loui
"Yep! Nakita ko yang nahulog mo kanina"sabi ko at tumalikod na at nagsimulang maglakad naramdaman ko namang sumunod si Nash
"Teka Amber saan tayo mag uusap"pigil niya saakin,nahalata niya siguro na lakad lang kami nang lakad, tsk,wala naman akong sinabing sumunod siya
"Ewan"tipid kung sagot at nag patuloy nang maglakad
"What?"bulalas niya pero di ko na pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang makarating kami sa parking lot
Dumiretso ako sa kotse ko
"Teka saan ka pupunta?"hawak niya sa braso ko
Tiningnan ko lang ang kamay niyang nakahawak sa braso ko saka nagsalita
"Uuwi na?"alanganin kong sagot ko
"Pero kailangan nating mag usap"may pagkairita sa boses niya
"Tsk. Tungkol saan?"bagot kung tanung? Psh nahawa na ako kay Megan
"Bakit kaba nagkakaganiyan?"inis niyang tanung
"Aabalahin mo ako para sa tanung na yan? Impossible!"roll eyes kong sabi
"Please lets talk! Yung pag uusap na hindi ganito"this time ay mahinahon na ang boses niya
"Wala naman tayong dapat pag usapan"sabi ko at binawi na ang braso kong hawak niya
"Srsly? Amber dinala mo ako dito para sa wala?Mag uusap tayo diba?"kunot noo niyang hayag
"first hindi ko sinabing sumunod ka and second wala akong natatandaang sinabi kong mag uusap tayo"cold kung sabi
"Please Amber Lets talk, talk about us"sabi niya
Bahagya naman akong ngumiti at lumapit sakaniya na kinangiti niya rin
Inayos ko ang kwelyo nang polo niya bago ko ipulupot ang braso ko sa leeg niya at inilapit ang mukha ko sa mukha niya, napapikit naman siya dahil akala niya ay hahalikan ko siya
Pero lumipas ang ilang segundo ay titig lang ako sa mukha niya na kinadilat niya
Ngumiti ako nang pagkatamis tamis pero kita ko ang pagtataka sa itsura niya na nahaluan ng hiya
"Anong feeling nang umasa?"smirk kung tanung sakaniya bago tuluyang lumayo sakaniya
"Wala tayong dapat pag usapan dahil walang TAYO!"cold kung sabi at tinalikuran ko na siya
"ANO BANG PROBLEMA MO AMBER?"sigaw niya kaya napahinto ako sa pagbukas sa kotse ko
"wala akong problema Nash, pinaramdam ko lang ang pinaramdam mo saakin, salamat na lang at hindi kita sinagot dahil mas masakit yun!"diretsong sabi ko at sinadya kung ipakita ang luhang pumatak galing sa mata mo
"Amber..."akmang lalapit siya pero pinigilan ko
"Wag ka nang lumapit saakin, wala kanang karapatan pang lumapit pa saakin"matigas kung sabi
"A-ano bang nangyayari?"utal niyang tanung
"Diyan kasi kayo magaling, umacting! ngayong nagtagumpay ka, nagtagumpay sa pananakit saakin, makukuha mo na ang premyo mo,congrats!"mapait ko siyang binigyan nang ngiti saka pumasok sa kotse ko at pinaharurot ang kotse ko at iniwan siyang naka tanga doon!
Humanda ka saakin Nash Savedra hindi mo kilala ang kinalaban mo! Kinaya mong saktan ang Amber Remerez para lang sa isang kotse pwes, kayanin mo ang gagawin ko*smirk*
BINABASA MO ANG
The New Born Bitch
Mystery / ThrillerWarning: STRICTLY FOR OPEN MINDED! P.S: Maraming wrong grammar...wag basahin pag masyado kang perfectionist! Will be edited soon!