Nash's POV
Hindi ko na alam kung paano ko pa dadalhin ang mga problema ko....haaiiisssttt
Ilang araw na akong wala lagi sa sarili, ilang araw na rin akong iniiwasan ni Amber at higit sa lahat ilang araw ng paulit ulit na sinaksak ng sakit at pagsisisi ang puso ko
Bumalik na sa dati si Amber, yung isang mataray,madaldal, palaban, mahilig sa lalaki at strangers na lang ako sakaniya
Hindi ko naman kasi akalain na mahuhulog ako sa cassanova girl na yun, hindi mahirap pakisamahan si Amber kaya hindi malabong hindi ako mapaibig sakaniya
Sa totoo lang nawala na sa isip ko yung pustahan na yun, at ang panliligaw ko kay Amber ay hindi dahil sa pustahan kundi dahil mahal ko siya, siya lang ang babaeng nakakatagal saakin at nagpabago saakin!
"Pre paano nangyari yun? Sunod sunod na nag back out ang mga investors at kleyente sa companya niyo?"sabi pa ni Toni, andito kami sa parking lot,mamaya pa ang klase namin kaya mamaya na kami tutuloy
And speaking...tama siya ni ako hindi makapaniwala dahil doon,,pagnagpatuloy to, baka tuluyan nang mapabagsak ang companiya namin, ang mga kasusyo naman namin sa comapniya ay unti unti na rin nilang benebenta ang shares nila!
Tumango lang ako bilang sagot!
"Kakausapin ko si Daddy baka sakaling makipag partnership siya sa company niyo"suggest ni Toni at ganun na din ang ginawa ng iba
Nagpapasalamat pa rin ako dahil andiyan sila, silang mga kaibigan ko, kaya lang nakakalungkot din na wala si Jack
Napatingin naman kami sa dalawang babaeng kakarating lang dahil sa ingay nang isa...
Hindi ko alam pero natulala ako nang makita ko siyang muli"Oh My god Megs....one week kang nawala tapos ganun lang ang mababalitaan ko?"pasigaw namang sabi ni Amber na tila di makapaniwala habang ang kasama niyang si Megan ay naka poker face lang
May sinabi si Megan sakaniya pero hindi ko narinig dahil naka focus lang ako kay Amber, i Miss Her
Napalingon naman ako kay Clyde matapos ang sinabi ni Amber na ni Ako o kaming lahat ay natigil!
"Buntis ka, buntis ka Megan"
"Buntis si Megan"bulalas ni Loui
"Clyde ok ka lang?"pukaw sakaniya ni Toni
Unti unti namang nagbago ang expression niya sa kanina ay gulat ngayon ay salubong ang kilay at kunti na lang ay sasabog na
"Paano mo nasabi yan?"nabalik naman ang tingin ko sa dalawang nag uusap
Mukhang hindi nila kami napapansin
"Gaga, look ang pale pale ng skin mo, tapos kanina sumasakit ang ulo mo at nahihilo ka pa, then nung nasa canteen tayo ang lakas nang kain mo, akala mo aagawan ka"sabi pa ni Amber na tinaasan lang nang kilay ni Megan
"At nagsusuka kapa kahapon nang datnan kita diba?"tango lang ang sagot ni Megan
"Confirm juntis ka teh"hayag ni Amber na akala moy bakla sa pagkabigkas, kung kanina tahimik lang si Clyde pero ok lang, ngayon nakakatakot na!!
"Ikaw ba ang ama?"tanung ni Toni sakaniya pero sinamaan lang niya ito nang tingin!
Unti unting naglakad papalapit sakanila si Clyde at sa bawat hakbang na yun ay kita ang mabibigat na hakbang
BINABASA MO ANG
The New Born Bitch
Mystery / ThrillerWarning: STRICTLY FOR OPEN MINDED! P.S: Maraming wrong grammar...wag basahin pag masyado kang perfectionist! Will be edited soon!