26: Bar

359 15 1
                                    

-Fastforward-

-Irene-

"Hoy, Seulgi! Gumising ka ng babae ka." Hinila ko ang buhok niya. Alam ko namang mahirap gisingin 'to. Kelangan mo pang sabunutan.

"Aray ko!" Tumayo siya at tumingin ng masama sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. Inirapan niya lang ako at inayos ang buhok niya. "Ang sakit n'un ah."

"Tagal mong magising eh. Alam mo namang may practice pa tayo. Bukas na ang Kcon 'no?"

Pinuntahan ko ang tatlo sa baba. Bagot na bagot sila at parang gusto nila ulit matulog.

Kaya naman pumunta ako sa harap nila at pinagsasampal sila isa-isa, "Gumising kayo! Kakain na!" Isa-isa ko silang hinandaan ng plato, baso, kutsara at tinidor.

Bumaba na rin si Seulgi.

"Eat!" Ma-awtoridad kong sabi.

May practice pa kasi kami. Ipe-perfect pa namin 'yung dance break namin sa Dumb Dumb. Tapos sasayawin din namin ang Ice Cream Cake, One Of These Nights at Automatic. Kasama rin pala ang Cool Hot Sweet Love.

Medyo nagising naman na sila. Nag-iingay na kasi eh.

"Nakaka-miss si Sungjae," malungkot na pahayag ni Joy pagkatapos ay sumubo ng pagkain.

"Tss. Kalimutan mo na 'yung lalaking 'yun. Baka nga may iba na eh," Yeri said bitterly.

"Heh! Manahimik ka! Ikaw kasi, magka-away kayo ni Jungkook kaya ang bitter mo," sagot ni Joy.

Hindi na lamang sumagot si Yeri at nagpatuloy na lamang kumain.

Pagkatapos naming kumain ay nag-ayos na kami ng susuotin. Nasa labas na ang van upang ihatid kami papuntang practice room.

Para lang naman room ng SM ang pinagpa-practice-an namin. Kaso may ibang pagkakaiba lang. Pero okay na rin.

"Let's go."

__

"Ugh! Ang hirap ng steps. Hindi ko makuha," frustrated na frustrated na sabi ni Wendy. "Seulgi, turuan mo nga 'ko."

Tumatawa lang si Seulgi habang pumunta kay Wendy, "Ganito. I-bend mo 'yang katawan mo ng onti, tapos itaas mo 'yung kamay mo."

Si Yeri at Joy naman ay nakasalampak sa sahig. Pagod na pagod at namamahinga.

"Tinatamad ako pumunta bukas!" Malakas na sigaw ni Joy.

May kumatok sa pintuan. Tinignan namin kung sino ito. Glass door lamang kasi ang pintuan kaya makikita namin kung sino ang nasa labas.

Ang Got7.

"Luh? Ba't kayo pumunta dito?" Napataas ng kilay si Joy.

"Ba't masama?" Nilakihan ni Junior si Joy ng mata.

"Hi, Yeri!" Tumakbo si Bambam papalapit kay Yeri.

"Oops, hanggang diyan ka lang!" Hinarang ni Yeri si Bambam sa pamamagitan ng kamay niya.

"Hoy, ikaw, JB ka! Saan na 'yung sabi mong surprise sa 'kin?" Sigaw ni Seulgi jay JB.

"Easy ka lang! Later! Magugulat ka."

Inirapan lang ni Seulgi sa JB, "Siguraduhin mong masu-surprise talaga ako ah."

Winter's Soul || RV x BTSWhere stories live. Discover now