35: Last Chapter

529 19 20
                                    

It's the last chapter na guys~

-

-New Year 2017-

-

Third Person-

After he and Wendy ate, they proceeded at their balcony. Madaming nagpuputukan na fireworks. 11:00 na at isang oras na lang bago mag-new year.

"11:00 na. Hindi pa ba siya dadating?" Tanong ni Wendy sa lalaking katabi niya ngayon. Nakaakbay ito kay Wendy.

He pouted, "Siya na naman hinahanap mo. Tsk," he crossed his arms.

"Aba syempre naman 'no?" Sagot ni Wendy.

"Tss. Ako naman ang nasa harapan mo pero bakit siya hinahanap mo? Oo, mas matagal ang pinagsamahan niyo, pero siya na naman. Hays." Napa-facepalm na lamang ang binata.

"Tss. 'Wag ka na nga mangarap na lalaki ka." Binatukan ni Wendy ang lalaki.

"Eto naman, nagjo-joke lang eh! Syempre alam ko naman na siya pa rin ang mahal mo, 'no?" Napa-fake smile siya.

"Hmp. Siyempre mahal kita, Mark." Pinat niya ang shoulder ni Mark, ". . . Pero as a friend lang."

"Tss. Tanggap ko naman 'yun. Oo na," tumango tango na lang rin si Mark, "Oh. Nandito na pala 'yang Jin mo."

"Ba't parang nabi-bitter ka pa rin?" Umeksena na si Jin sa usapan nila Wendy, "By the way, thank you sa 'pagbantay kay Wendy ko."

Naglink arms sila.

Napa-bitter smirk si Mark, "Tss."

"Markeu~" may isang babae ang sumigaw mula sa kawalan. Napatingin sila at nakita nila si Nayeon na tumatakbo papunta kay Mark.

Natawa sila.

May gusto kasi si Nayeon kay Mark. Ewan nila kung bakit hindi man lang niya pinapansin si Nayeon. Maganda at talented naman si Nayeon.

"Andito ka na naman?" Naiiritang sabi ni Mark.

"Katatapos ko lang kasi nang photoshoot namin ni Junior. Tsaka ano naman kung nandito ako? Binibisita ko ang future husband ko," mapagbirong sagot ni Nayeon.

"Photoshoot ninyo ni Junior?" Napakunot ng noo si Mark.

"Ooh, someone's jealous~" pang-aasar pa ni Wendy.

Hindi na hinayaang makasagot pa si Mark kay Wendy dahil hinila na agad siya ni Jin papuntang 1st floor.

May stage na hinanda si Jin. Sobrang ganda nito.

Umakyat na si Jin sa stage, "It's 2017." Panimula niya, "Madami tayong napagdaanan. From friends, then strangers and then friends again. Haha, naalala ko pa nga noong tinanong mo ako kung may gusto ka sa akin."

Confuse si Wendy. Pero wala na rin siyang nagawa kung hindi ang makinig sa mga sinasabi niya.

"I'm such a fool. Parang nawalan ako ng tapang noong tinanong mo iyon. Oo, gusto na talaga kita. Manhid ata ako dahil 'di ko napansin na nasaktan ka. . ."

Napatawa ng kaunti si Wendy. Natatawa din kasi siya sa sarili niya kung paano niya natanong kay Jin ang mga bagay na 'yon.

"One day, nakita ko kayo ni Mark, nagde-date. . Ang saya mo noon. Sinundan kita kasi gusto kong humingi ng tawad sa'yo. Pero narinig kong nag-confess si Mark sa'yo."

Hindi niya inaasahan na sumunod pala si Jin sa kanya.

"Muntik na akong mag-give up. Pero sabi ko sa sarili ko, hindi pa naman huli ang lahat. Hindi mo pa naman sinasagot ang confession niya," napangiti siya, "Kinausap ulit kita. Nanghingi ako ng tawad and for the third time, tinanong mo ako kung may gusto ba ako sa'yo. And this time, sinabi ko na ang totoo."

Winter's Soul || RV x BTSWhere stories live. Discover now