I changed the title because I have this plan of intertwining the lives of the main characters in the three stories.
Ang bulag.. hindi nakakakita.
Ang pipi.. hindi nakakapagsalita.
Ang bingi.. hindi nakakarinig.
BULAG
Maraming taon ko na siyang pinangarap.
Simula nang matutunan ko ang salitang pagmamahal, alam ko nang siya yun.
At siya lang...
Bakit ko nasabi? Ewan. Basta yun na yun eh. Yun na yung nararamdaman ko.
Lagi akong nasa tabi niya, anong oras man na kailangan niya ako.
Martir ako?
Masasabi kong "oo", pero ok lang naman yun sa akin eh.
Wala akong pakialam ano man ang sabihin nila. Kesyo martir o tanga.
Walang martir o tanga sa taong tunay na nagmamahal.
Bakit di niya ako napapansin? Gwapo naman ako at hindi sa pagmamayabang, sobra kong gwapo?
Ah, oo nga pala.
BESTFRIEND niya LANG AKO.
Kailan kaya niya makikita na di ko lang naman gusto maging BESTFRIEND niya, kundi BOYFRIEND din?
Di naman bulag yung mahal ko...
Ay mali! Bulag pala...
BULAG... dahil nagmamahal pa ng iba.
PIPI
Hay buhay..
Bakit ba may pinapanganak na torpe?
May torpe nga ba talaga? O palusot lang yung ng isang gagong nilalang na nababakla?
Ay ewan...
Ako nga pala si Tom.
Isa akong torpe.
Torpe dahil sa di ko masabi sa taong gustong-gusto ko yung nais kong malaman niya.
Kailan kaya ako magkakalakas ng loob na harapin siya?
KAILAN?!
Yan ang tanong na 'di ko masasagot.
Sana makahanap na ako ng lakas ng loob.
Sana hindi na ako magiging torpe.
Sana 'wag na akong PIPI.
BINGI
Ayaw ako pansinin ng taong mahal ko.
Yung feeling na todo ligaw ka na.. pero ayaw talaga niya.
Ayaw ko siyang bitawan.. kasi di ko kaya.
Siya lang gusto ko eh. Masama ba yun?
Linshak na buhay to oo...
Bakit pa kasi may gusto bestfriend ng mahal ko sa akin?
Bakit hindi nalang sa iba?
Nakakashura eh.
Bakit di na nalang ako yung napapansin niya?
Sana naman naririnig niya yung puso kung tumitibok para sa kanya...
BINGI ba siya?
Sana hindi...
BINABASA MO ANG
The Deceptive Senses
Teen Fiction3 girls, one story. “Love is like a Rubix Cube, there are countless numbers of wrong twists and turns, but when you get it right, it looks perfect no matter what way you look at it” -Brian Cramer