Dedicating all my stories to my friends..
Jennymoy, for you! :))
**************************************************************************************************************
Feel free to post comments and reviews... Baguhan akong writer kaya di masyadong epic itong story ko. Actually, first story ko ito. Sana ma-enjoy ninyo kahit konti. LOTS OF LOVE!
Chapter 1: Mr. Dj
Nakatunganga si Brianna sa kawalan habang pinagmamasdan ang dagat mula sa rooftop ng kanilang paaralan. Gustong-gusto niya talaga ang tanawin doon dahil na rin sa kapayapaang dulot tuwing napupunta siya sa lugar na ginagawa na niyang instant tambayanslahfoodcourtslashlibrary. Napakatahimik kasi ng bahaging iyong ng kanilang paaralan at nakakalimutan niya ang mga problema niya sa tuwing nakikita niya ang kumikinang na dagat at ang berdeng kapaligiran. Ano bang problema ang mga dapat kong makalimutan? Actually, marami.. Katulad ng bakit ako di masyadong maganda, matalino at bakit di ako pinapansin ng crush ko. Di lang iyon.. prinoproblema ko rin yung bakit may nag-aaway sa paksa ng RH Bill, kailangan ba talagang may Divorce bill pa, yung kahirapan sa Pilipinas, mga walang kwentang pulitiko at kung bakit di pa pinapatawad ni Sophia si Madame Anna Manalastas. Eh, yung mga ganoong klaseng problema... walang kwenta. Nakakapagod mag-isip. Idlip muna ako...
"BUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUH!" (Ito pala yung modern version ko ng "BULAGA!" masyadong makaluma eh. Pinalitan ko nalang para mas cool. :P)
"ANAK NI PAPA CHEN! Bakit ka ba nanggugulat diyan Clarise?" Si Clarise pala ying half pinoy at half-abnoy kong bestfriend. Ewan ko ba kung bakit naging magkaibigan kami kasi naman yung drama namin ay parang angels and demons. Ako part ng angels, siya yung sa kabilang side.
"Oy ha, sinisira mo itong solitude at serenity nitong lugar ha. Kaloka ka te~! Gusto mo ata umepal ngayon?"
"Te, paki-ulit nga say mo kanina? Di ko masyado nakuha eh.."
Binagalan ko naman yung pagsasalita ko ngayon. "Oy... ha..., sinisira... mo... itong... solitude... at... serenity... nitong... lugar... ha. Kaloka--"
"Langya mo te~! Bakit may english sa sentence mo? Di yata kinayan ng BC ko yun ah!"
"BC?"
"BRAIN CELLS. Ang shonga!"
"Ano yun, bago mung pauso?"
"Di ah, luma na yon.. outdated ka lang. HAHAHAHAHAHA!"
Kainis minsan tong kaibigan ko, lakas mang-asar.
"Oh, bakit ka napadaan dito?"
"Ay, bawal? Private Property? Private Property?" Pangagaya ni Clarise sa pambabara ni Vice Ganda.
Iba talaga ang impact ni Vice sa mga tao ngayon... nagiging hassler na sa pambabara itong bestfriend ko.
I just glared at her and didn't say anything. Yun natauhan naman si Clarise at sinabing "Peace yow, lolo mo kalbow".
"Oh, bat ka nga napadaan dito?"
"Eh kasi.. nakita ko kasi crush mo kanina sa hallway. Yung tinatawag mong Mr. DJ." Walang ganang kwento ni Clarise kay Brianna.
"and then?"
"May nakita ako..."
"Ano?"
After a long moment of silence...
"ANO NGA YUNG NAKITA MO?!"
"May kahalikan siya.."
ALAM MO YUNG FEELING NA GUSTO MONG MAGLUPASAY SA IYAK. T.T
BINABASA MO ANG
The Deceptive Senses
Teen Fiction3 girls, one story. “Love is like a Rubix Cube, there are countless numbers of wrong twists and turns, but when you get it right, it looks perfect no matter what way you look at it” -Brian Cramer