Kasalukuyan kong tinititigan ang malaking gate at ang napaka laking building sa loob.
Highland Academy ang pangalan ng sikat na school na nasa harapan ko
Nakatayo at napapanganga sa taglay nitong ganda.
Naglakad ako papalapit sa gate.Pero pakiramdam ko gusto kong mag back-out. Alam niyo yung pakiramdam na parang ipapasok mo ang sarili mo sa lugar na di ka naman dapat nandoon. Parang pupunta ka sa party na di kanaman imbitado gate crusher kumbaga
But then nandito na ako wala ng palagan toh
"Hep hep hep saan ka pupunta" sita sa akin ng guardia ng school
"Sa loob po!" Sagot ko naman sa kanya.Aisst!
"Hindi ka pwedeng pumasok dyan dahil di ka naka uniporme at wala kang i.d. Di mo ba nakita yung nasa labas NO I.D NO ENTRY" bulyaw nya sa akin at diniinan pa yung huling salita nya. Grabe naman ang higpit ng security nila dito. Ganito ba sila mag welcome ng bisita dito..Ah oo nga pala bwisita nga pala ako dito..
"Ahm! Sir kasi po mag iinquire lang po sana ako kasi po magtratransfer po sana ako at pinili ko po yung school na to" habang sinasabi ko iyan inipit ko yung buhok ko sa tenga ko iyan ang ginagawa ko pag nagsisinungaling ako.
" Ah ganoon ba sige maglogbook ka tapos pwede ka nang pumasok" sagot ni kuya guard bago ako pinaglogbook.
Shanali Alaiza Andress. 15 Years old at nag-aaral sa Borow Academy mahigpit na kakumpitensya ng Highland Academy. Nasa Grade nine na ako at nasa top 5 ng classroom at top 7 ng buong grade nine.
"O sige pwede ka nang pumasok" sabi ni manong guard at tsaka ako kinakabahang pumasok.
Dahan dahan akong pumasok sa loob. Nervous is killing me. Hindi namam sa kinakabahan ako dahil baka pasabugin nila ako dito o baka pa ulanan nila ako ng bala dito dahil sa rivalry ng school namin buti nalang di ako naka uniform ng pang Borow Academy. At Dahil di namam ako sikat sa school namin at syempre pati dito di nila ako totodasin.
Kinakabahan lang ako dahil ito ang unang besses na gagawin ko ang ganitong bagay. Atsaka pakiramdam ko nagtataksil ako sa Almamater ko. Ito rin ang first time ko na pumasok at tumapak sa campus ng school na ito. Kahit na dito madalas ganapin ang competition ng mga private schools dahil dito ang pinaka malaking school hindi ako nanonood.
"Miss pwede bang magtanong?" Nasapu ko yung noo ko dahil sa katangahan ko. Eh nagtatanong na nga ako eh!
"Hahaha sure!"sagot ng isang magandang babae na naka suot ng uniporme nila. At yung buhok niya shoulder length na kulot sa dulo at kulay blonde. She is pretty and her laugh is like a angel's song.
"Where can i find the building of the third years?" I politely asked and flash a sincere smile
"Im a third year so i can take you there tutal doon din lang naman ang punta ko" again she smiled back at naglakad na.
Sinusundan ko siya at pumasok kami sa elevator.
"By the way im Shanali" pakilala ko at linahad ang kamay ko"Im Patricia Zen Mortiz" ipinakilala niya rin ang sarili niya at inabot ang kamay ko para makipag kamay
"Is it okey if i ask another question?" Yan nagiging palatanong na ako. At nagiging Feeling close
"Go" she just said
"May hinahanap kasi ako kaya ako nandito sa school ninyo, Kilala mo ba si ahm-!" Napatigil ako para isipin ang pangalan nang taong dahilan kung bakit ako nandito.
"Sino?" Tanong niya na parang curious sa sasabihin ko.
"S-si Tri-t ah Tristan Jacob Olivares?" Nagdadalawang isip kong tanong. Hindi kasi ako sure sa pangalan niya. Pero parang ganoon ang tunog
"Si Tj" bakit ba ang tipid niyang sumagot at bakit parang nagulat siya nong sinabi ko yung pangalan nung Tristan?. And who is Tj?
"Sino si Tj?" Nagtatakang tanong ko
"Tj is Tristan Jacob" she smiled at umiwas ng tingin
Ang eng-eng ko talaga! Kaya pala TJ eh.
Bumukas ang elevetor At lumabas kami. Naglakad kami ng mga ilang hakbang .
"Dito sa 3rd floor ang rooms ng mga third year at kaklase ko yung hinahanap mo kaya sumunod ka na lang sa akin" sabi niya bago naglakad. Medyo marami rami naring mga estudyante sa may hallway at nag uusap usap
I was looking down on the floor because i know eyes are on me now.
Sa unang nakabasa nito thnks. .
BINABASA MO ANG
My Crazy Stalker!
Teen FictionI dare you? if you did it i'll pay you ready your heart ready yourself cause if he falls after this nothing will change but what if?? she also fall?? will that change her mind!!!