"Naka-tatlong baso na ako ng iced tea dito ah wala pa ba yung sinasabi mong hinihintay natin? "pagrereklamo ni jia.
"Wag ka ng magreklamo dyan, uminom ka lang konti na lang parating na yun"
"Hay, ewan ko ba kung bat sumama ako sayo dito. Regret, regret, regret" sagot nanaman nya saka inirapan yung kasama nya. Andito sila ngayon sa isang mamahaling restaurant para maglunch actually nasa vip room sila. Halos sila lang dalawa ang nasa loob kasama ang isang waiter na naghihintay para sa kanilang mga ioorder.
"anong regret pinagsasabi mo? Jia ilang beses ko bang sasabihin sayo na you need me." sabi ng taong nasa harap nya.
"Pwede ba bea tantanan mo na yang pagsasabi mo na I need you. Nakakarindi! "
"Pero yun ang totoo"
"Edi oo na!! Asan na ba yang hinihintay natin? Akala ko ba lunch to?bea 1pm na oh. Masama na ginugutom ako baka masira yung physical fitness ko! " pagrereklamo nya nanaman. Halatang naririndi na si bea sa palaging pagrereklamo ng kasama nya.Kung pwede lang sigurong busalsalan yung bibig nito matagal na nyang ginawa.
"Sandali na lang. Dadating na din yun katatapos lang kase klase nya"
"nagugutom na ako, bahala ka dyan mag-oorder na ako." tatawagin na sana ni Jia yung waiter ng biglang may pumasok sa room na babae saka dirediretsyong pumunta sa kinaroroonan ng table nila ni bea.
JIA's POV
"Sorry baby im late,natraffic pa kase" pagpapaliwanag ng babae Kay bea saka humalik pa sa lips ni bea. aba, anong meron?
"Okay lang yun baby I'm sure gutom ka na." Aba akong kanina pa dito reklamo ng reklamo dahil nagugutom di nya napansin. Bwisit lang bea. At nakuha pa nilang magtitigan habang nakatayo silang dalawa. Grabe kanina pa ako gutom na gutom ah!
"Ehem" pagkukuha ko ng atensyon nila na sa tingin ko gumana naman kase sabay silang napatingin sakin.
"Ay baby sya nga pala si Jia, Jia si Kristine gf ko" Pagpapakilala ni bea sa babaeng kasama nya.
"OMG! Jia morado?Grabe mas mas maganda ka sa personal! " huh,dati ko ng alam na maganda ako nakakasawa na nga at paulit ulit na lang na sinasabi yan sakin. Nag fake smile na lang ako. Dyan ako magaling eh.
"Baby, upo ka na. Order na tayo alam kong gutom ka na. " Saka nya pina-upo yung babae sa tabi nya. Ano na nga ba pangalan nya Kri? Hmm basta yun na yun.
At yun nga nag-order na kami. At syempre yung pinakamahal ang inorder ko, alam ko namang mayaman tong si bea di din naman mauubos pera nito kahit omorder ako ng sangkaterba. Ako kumakain ng maiigi habang yung dalawa ewan ko kung kain ba ginagawa nila or landian. Basta bahala sila ang mahalaga ako busog.
"Jia, pwede bang magpapicture mamaya? " sabi ni kristine habang kumakain kami. Medyo patapos na ako, ewan ko lang sa kanilang dalawa.
"Sure" sagot ko saka ako nagsmile. Hmm kahit papano pala sikat pa din ako. Haha.
Ng matapos kaming kumain,nagpapicture sa akin yung gf ni bea saka nagmamadaling umalis. Nagtatalo pa nga sila kasi gusto syang ihatid ni bea kaso etong si kristine ayaw.
"Tara na? May taping pa tayo mamayang 4pm.Umuwi ka muna para magpahinga. Hatid na kita" pag-aaya sakin ni bea.
"Dapat lang. Alangan naman na pagtaxihin mo ako. Sinundo mo kaya ako sa condo" sagot ko sa kanya tas sabay na kaming tumayo papunta sa kotse nya.
Nang makarating kami sa tapat ng condo pababa na sana ako ng biglang magsalita si bea.
"Jia you need me" sabi nya nanaman na syang nakapagpaikot ng mata ko. Nangangalahati pa lang ang araw pero pang 7 beses na nyang nasabi yan sakin. Nakakarindi ah.

YOU ARE READING
JiBeA (Short Stories_
Fanfictionshort stories of jia and bea. sorry for being a fan girl. :)