"Run"

746 13 1
                                    

"Tabi! Tabi!" "bilis!" "excuse po!" "dali!" "ay sorry!" umagang umaga yan na ang sigaw na bumabalot sa kalsada ng tondo. "Hoy! Bata bumalik ka ditto!" "huminto ka!" sigaw ng dalawang kalalakihan na nasa edad 45. Pero yung hinahabol pa rin nilang tao ay di pa rin nahinto.
"Bwiset na bata talaga yun. Pagod na ako pre kakahabol!" hingal na hingal na sambit ng isa sa lalake. Maging ang isa ay parang aso na lawit na ang dila sa sobrang pagod. "Trabaho to pre kaya dapat di tayo sumuko" sambit nya. Patuloy pa rin sila sa paghabol. "hoy! Huminto ka na kasing bata ka!" sigaw uli ng isa. "Sabi ko na nga po! Wala akong kasalanan dun!" sigaw pabalik nung taong hinahabol nila. "Bakit ka tumatakbo kung wala kang kasalanan!" sigaw pabalik nung isang tanod. "Eh hinahabol nyo ako edi malamang tatakbo ako." Sigaw din nya, nakuha nya pang lumingon at dilaan ang mga tanod na humahabol sa kanya.
"ARAY!" napakalakas na sigaw ang biglang umalingaw-ngaw sa kalsada. Medyo nahilo yung taong hinahabol ng mga tanod na ngayon ay nakasalampak na sa gilid ng kalsada dahil may nakabangga syang tao. Magrereklamo pa sana sya ngunit narinig nyang sumigaw uli yung mga humahabol sa kanya. "Hoy! Bata wag ka ng tumakbo!" sigaw ng isa sa mga tanod. Dali dali syang tumayo upang tumakbo ngunit biglang may humawak sa kamay nya. "Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas nya. Pilit nyang tinatanggal yung kamay na nakahawak sa kanya. Ngunit mas malakas sa kanya yung taong yun. "sabi ng bitawan mo ako eh!" sigaw nya uli pero tila di natinag yung may hawak sa kanya. Narinig nanaman nya uli yung sigaw ng mga tanod na humahabol sa kanya. Agad nyang sinulyapan ito at nakita nan yang malapit na ito sa kanya. "PATAY" yun lang ang natatanging nasambit nya nung mapagtanto nyang wala na syang kawala. Agad syang hinawakan ng mga tanod ng makalapit ito sa kanila. Binigyan nya ng peace sign yung mga tanod ngunit wala itong epekto sa kanila.
"Maraming salamat pala" pasasalamat nung isang tanod. Dun nya naalala yung taong humawak sa kanya ngunit ng lingunin nya ito ay tila nakalayu na at ang tanging palatandaan nya lang ay ang hubog ng katawan ng tao at ang nakasabit sa bag nito na keychain na letter B. Hindi nya ring nakuhang tandaan yung mukha ng tao dahil ang totoo ay hindi nya ito nasulyapan dahil gulo ang utak nya kung paano tatakas sa dalawang tanod.
"Sinabi ko na nga po na wala akong kasalanan!" pagpapaliwanag nya sa dalawang tanod.
"Wag ka ng dada ng dada Ju! Magpaliwanag ka na lang kay kapitan! Tara na!" sabi ng tanod sakanya saka nya hinila si ju. "Julia Melissa Morado" o mas kilalang "Ju" sa barangay nila. Babae na nasa edad 20 pilya pero lalake kung pumorma. Kung tatanungin kung anong itsura nya ngayon ay ganito (nakapantalon na tama lang ang haba pero halata ditto ang pagkakupas, damit nyang medyo maluwang sakanya at naka lislis ang manggas, nakalugay ang buhok nito ngunit pinatungan nya ito ng sumbero na nasa harap ang likod). Pero kahit ganyan yan ay masipag sya at maprinsipyo sa buhay.
------------------------------================-----------------------
"sabi ko na nga po sa inyo, sinubukan ko lang pong umawat sa gulo. Hindi po talaga ako kasali dun" pagpapaliwanag nya sa harap ng kapitan nila.
"Kung ganun eh bakit ka tumakbo? Pinagod mo pa itong mga tanod ko. Talagang tong batang to oh!" halos mapahawak na sa ulo nya yung kanilang kapitan. "Pangalawang araw muna na naipunta dito ju. Di k aba nagsasawa?" pagpapatuloy nya. "Kahapon binangga mo yung paninda ni aling petra" panunumbat sa kanya ng kapitan. "Dapat lang yun sa paninda nya. Mukhang pera na matanda." Bulong ni ju na sapat lang para sya lang ang makarinig. "Kapitan, hindi ko naman po talaga yun sinasadya. Tapos itong ngayon nadamay lang talaga ako." Pagpapaliwanag nya uli. Magsasalita pa sana sya ng marinig nyang may sumigaw ng pangalan nya. "Ju! Ano nanaman ba to?!" sigaw ng kanyang inay. "Inay!" natutuwang sigaw ni ju. "Inay akala kasi nila sangkot ako sa gulo kanina pero hindi talaga"pagpapaliwanag nya sa ina nya. "Hay naku aling iya, pagsabihan nyo nga yang anak nyo na kung may gulo man wag nasyang makidamay! Akala mo kung sinong umaawat dun akala mo lalake na kayang makipagsabayan sa mga nag-aaway." Nanggagalaiti na sabi ng kapitan nila.
"Ipagpaumanhin mo po kapitan, hayaan nyo hindi nap o ito mauulit." Sagot ng inay nya.
"Talagang di na mauulit! Dahil baka pag naulit ay di kami makapagpigil eh ikulong pa namin yan. Oh sya! Umalis na kayo wag munang uulitin yung bata ka!"
"Opo kapitan!" nakangiting sagot ni ju. Sabay na naglakad palabas kasama ang kanyang inay ngunit bago pa man ito tuluyang makalabas muli itong lumingon at sumigaw.
"Kapitan! Balik ako bukas! Hahaha" saka nya hinugot ang inay nya para tumakbo. Napakamot na lang ng ulo ang kapitan nila dahil alam nyang wala pa rin talagang pagbabago ang napakakulit na bata na ito.

JiBeA (Short Stories_Where stories live. Discover now