Chapter 2 Part 1

52 6 0
                                    

Year XX25
Empress and the Mafioso


Nagising ako, I'm still in the same place where I destroyed everything yesterday. Lumabas ako ng training room at tuloy tuloy na lumabas sa aking kwarto. Tinawagan ko ang isang katulong at pinalinis ko ang aking training room, Hindi na ako nagpalagay ng ordinary glass, I ordered a metallic mirror glass, this is a kind of glass that's stronger than steel and a microalloy that is made of palladium.

Sumulyap ako sa baba ng hagdanan, napuno ang training room sa dami ng mga tao, at base sa sinasuot nila ay galing sila sa reapers, minsan lang ito nagaganap pag may nangyayaring hindi maganda.

"They want their princess, nalaman nilang nandito sa atin at gusto nilang bawiin." Sabi ng isang reaper.

Nakita ko si papa na nasa plataporma ng hagdanan at mukhang malalim ang iniisip. Hindi nila ako makita dahil nasa isang gilid ako ng hagdanan.

Nasabi ko na dati na may elevator dito, may hagdanan rin kung saan papunta ito sa second layer ng mansiyon, at pagdating mo sa gitna ng malaking hagdanan ay hinati ito sa dalawang bahagi, kaliwa at sa kanan, itong pangalawang palapag ay ang blacksmith, sa lahat ng mga dakila at maimpluwensiyang koponan ng aking ama ay ako lang ang pumili na dito ilagay ang aking kwarto.

"We won't give the princess back, never." Sabi ni Papa.

Ang blacksmith, ito ay kung saan ginagawa ang mga weapons na gusto mong magkaroon, ginagamit itong palapag sa paggawa ng mga armas, panangga at iba pang mga pangangailangan sa isang labanan. May dalawangput isa itong kwarto dito, kung gusto mong gumawa ng sarili mong armas, kanya kanya kami dito. Self service, bawal tamad.

Ang aking kwarto naman ay nakatago sa pagitan ng dalawang poste (pillar) sa pinakakanan ng palapag na ito., Hindi mo to agad makikita dahil may tabing na nakaharang sa aking pinto, bawat pinto sa mansiyon ay may card lock para siguraduhin walang makakapunta sa loob ng walang paalam, at kapag naman naiwala mo ang card lock ay may electronic door lock naman ito kung saan ilalagay mo ang passcode.

"That kingdom we are talking about is like as big as the Suez Empire before, my lord. We cannot defeat them even we have the greatest of our race." Tuloy na pagpupulong nila.

Hindi ka makakapunta sa pangatlong palapag dahil kahit ang elevator ay dinisenyo para sa ground floor, second, fourth at fifth floor lamang. Dahil ang pangatlong palapag ay ang Arena, makakapunta ka lang dito kung galing ka sa labas ng mansiyon, may pinagawang hagdan na gawa sa bakal ang left and right wing ng mansiyon na para lamang sa arena.

Dahil ang arena ay bukas para sa mga mafia na gustong maghamon ng laban sa bawat isa sa aming miyembro ng  EDM (Empires Death Mafia). Hindi ka makakapasok sa kahit anong sulok ng mansiyon dahil secured lahat ng entrance at exits ng mansiyon, 200 na CCTV system cameras ang nakainstall sa loob nito, Hindi mo malalaman na may CCTV pala dahil maliit na chip na kasing laki ng holen lamang ito.

Ang aking sariling training room at research laboratory naman ay may fingerprint lock. Bawat pinto na nasa ikalawang palapag ay may naghihiwalay sa kanilang dalawang poste sa pagitan ng mga ito. Yung akin lang talaga ang dinisenyo na tinago. It is my father's condition kung gusto ko raw manatili dito sa baba kaysa duun sa taas na mas secure ang mga silid.

"Be aware reapers, inform all snipers and the unofficial mafiosos, they will serve us as our eyes outside."

"Yes my lord."

"What if they will plan for an attack?"

Hindi sinagot ni Papa ang tanong at sinabi niyang siya nalang daw ang bahala kapag nandiyan na. Base sa nakita kong emosyon sa kaniyang mukha ay may pinaplano siya na parang ayaw niyang gawin pero alam kong lahat ng pinaplano niya ay for the good of everyone, ayaw niyang may nasasaktan or may mamatay dahil lang dito.

Alam kong sa sarili ko na hindi namin kaya ang isang napakalaking kaharian, dahil kapag kaharian na ang pinaguusapan, ito ay may kaugnayan sa kanilang Empire. Ang empire na pinagmulan nila ay mas malakas, kung pagsasabayin mo silang lahat, wala kaming kalaban laban. Ayaw na ayaw namin na magkautang ng loob o humingi ng tulong sa kapwa naming mga mafia rin dahil mawawalan ng silbi ang pagtawag nila sa amin na pinakamalakas sa underworld.

What is it dad? What are you planing to do with them?

Patuloy parin akong nakikinig sa pinaguusapan nila.
Nalaman kong nalaman na ng kanilang kaharian na dito namamalagi ang kanilang prinsesa, at gagawin daw nila lahat upang maibawi ito.

Bumaba ako sa hagdan at sinalubong ko silang lahat, yumuko sila at umikot ang aking ama para salubungin ako ng kaniyang mukha na agad niyang nilagyam ng ngiti na kani kani lamang ay malungkot ang kaniyang ekspresiyon.

"Demetria Akuma...." Ngumiti pa si Papa ng mas malawak pa kaysa sa kanina.

"Cezar Akuma, father." sabi ko kay papa na may kasama pang nakakalokong ngiti.

Tinuloy ni Papa ang pagpupulong na ngayon ay kasama na ako sa kanilang pinaplano.

There's no way I'll let them. We won't give the princess back. We will hide her and I guess, protect her from all of the cost, by hook or by crook.

~
AUTHOR'S NOTE!
MAIBA TAYO SA IBANG MGA STORY, KUNG YUNG IBA AY PINAPAKILALA NA AGAD ANG BIDA E DITO, SA CHAPTER 2 PA. Well, nakalimutan ko ilagay eh. Sarreh!
Chapter 2 Part 1 is here!
Vote, Comment and Follow!
@darkECHELON

Runaway EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon