Chapter 2 Part 2

42 5 0
                                    

Year XX25
Philippines


Makalipas ng dalawang araw na paghahanda ay dumating nga ang inaasahan naming pinakamalaking laban na magaganap sa history ng aming mafia.

Nalaman rin ng ibang mafia groups ang mangyayari ngayon at kahapon ay pinuntahan nila kami upang alukin kami ng tulong,

Alam namin kahit na kailangan namin ng tulong ayaw naming may mapahamak na inosenteng tao, ayaw naming madamay ang iba sa sarili naming problema dahil ang EDM ang kumuha sa princess, ang princess ang may gusto na dito manirahan at protektahan ng EDM dahil sa isang rason na ang pinuno lang ang may alam, at iyon ay ang aking ama.

Lahat ng unofficial mafiosos ay nakakalat sa buong kagubatan na nakapalibot sa mansiyon, ang snipers naman ay mga nagtatago sa mga lugar na makikita agad ang buong area ng mansiyon, sila ang magbabantay kapag sumalakay ang kalaban at magbibigay ng senyas sa amin. Sila ang papatay ng walang kalaban ang may alam kung nasaan sila.

Habang ang reapers naman ay kanya kanya silang papatay kapag sumugod ang mga kalaban, habang ang elites naman nasa loob ng training room kung saka sakaling hindi magtagumpay ang faction na nilagay naman sa labas ay may reinforcements na agad silang sasalubungin, pinuntahan ako ng mga elites kanina dahil tinatawag ako ni Papa ngunit hindi ako sumunod sa taas,

May narinig akong tunog ng isang helicopter sa taas ng bubong. Maybe that's for the Princess, I see. Nanunuya kong ngiti habang sinasabi ito sa aking isip.

Tumunog ang lahat ng red alarm na nagsisilbing nandito na ang kalaban, kumabit ako sa pader sa harap ng mansiyon at nagsimulang umakyat papunta sa pinakagitnang asotea ng mansiyon, nakita ko ang daan daang libong tao na nagmamartsa patungo sa aming kinaroroon.

Automatic na tumataas ang dalawang hagdanan ng arena dahil sinasara na nila ito upang walang makakapasok.

Umalis ako at inakyat ko ulit ang pader papunta sa bintana ng aking kwarto, kinuha ko ang aking bag, nilagay ko ang aking katana sa bukuro nito at isinabit sa aking bewang.

Narinig kong nasa pasukan daw ng mansiyon ang kalaban, at tama nga ang hinala namin.

Humingi sila ng tulong sa emperyo ni Suez. Kitang kita ko ang ibang pananamit ng ibang knights na magkakaiba.

May isang taong nakatayo sa harapan ng aming mg kalaban, This might be the king.

And what's that? If there is no King, they won't attack us because the king is dead, no one can rule them, right?

"We are from the Empire of Suez, Kingdom of Hermes, I am King Hermes, we come here in peace, to get my daughter back." Sabi ng kanilang hari.

Poor Princess, diba ayaw mong bumalik? Ako ng bahala sayo. I will protect you from them, we will.

Lumabas ulit ako sa aking asotea at nagtempyo upang hindi nila maramdaman ang presensya kong umaakyat sa pader papunta sa rooftop, may nakita akong sniper na nagaasinta ng kanyang baril na RAP4 T68 UDSF, pumunta ako sa kanyang kinaroroonan at.

"Give me your gun." sabi ko.

"But mi lady,..." I interrupted him.

Runaway EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon